Chapter 5

8.9K 238 1
                                    

Chapter 5

"Who are they?" Tanong ko kay whatever nang muli akong umupo. Wala akong choice, andito na ang target ko. 

"Black Phoenix. I hate them" napalingon agad ako sakanya dahil sa sinabi niya

"What?"

"I hate them. Dahil sakanila namatay ang nag-iisang kaibigan ko" napakunot ako nang noo

"How?"

"Pumasok siya dito last year. First day palang niya ay nakabangga na niya agad ang Black Phoenix. Dahil dun, lagi siyang binu-bully. I mean, everyday"

"She's a strong girl. But we all know, may kanya-kanya tayong hangganan. Umalis siya sa school sa pag-aakalang tatantanan siya nang Phoenix. But unfortunately, not. Then one day, nabalitaan ko nalang that she commited suicide" 

Napanganga ako sa kinwento niya. Hindi ko akalaing totoo ang sinasabi niyang demonyo ang apo niya. Akala ko nag jo-joke lang siya

Monsters Family

Hindi na ako magtataka pa kung pati mga magulang niya ganun din kasama.

"Sa tingin ko ikaw lang ang may ayaw sakanila" napatawa siya.

Tignan mo nga naman kung paano tumili ang mga babae dito. At mukhang ini-idolo sila nang mga lalaki

"Yeah, I think so"

Kahit na malaki ang matutulong niya saakin ay ayoko parin siya. I don't know, I just don't like her.

-*-*-*-

Heto ako ngayun at binabantayan siya sa malayo habang kumakain nang pizza. Magkakasama silang apat pero may sari-sarili silang mundo. Yung dalawa masayang nag kwe-kwentuhan. Habang siya at si Nathan ay tahimik lang.

Napa-iwas ako nang tingin nang lumingon siya sa gawi ko. Muntik na ako doon ah

Napag desisyunan kong umalis na lang. Okay lang naman siya eh. At kaya niya ang sarili niya. Matanda na siya. Ang kailangan ko lang gawin ay tulungan siya kapag nasa panganib siya. At hindi bantayan siya 24 oras. Malakas siyang tao. Sa katunayan nga'y di na niya kailangan nang katulad ko.


-*-*-*-

-Hassler's Mansion-

Di ko inaasahan na susunduin nila ako. Balak ko pa naman sanang maglakad.

Agad akong nagtungo sa kwarto ko para makapag pahinga. Napa-upo ako nang biglang may kumatok

"Young lady. Kakausapin daw kayo ni Old Lady"

"Come in" pumasok siya at ibinigay saakin ang telepono.

"Miss me already?"agad kong bati sakanya. Tumawa lang siya

(How's your first day? Nagkita na ba kayo?)

"Fine. By the way, nakita ko na siya, pero di niya pa ako nakikita"

(How about Nathan? Did he approach you?)

"No, why would he?"

(Hahahaha. You don't really know huh)

"Know what?"

(Nevermind. Hahaha. I'm going to hung up now, take care)

"Okay" saka namatay ang tawag. Tsk. Ang matandang yun talaga, hindi makokompleto ang araw niya na walang bagong puzzle na binibigay saakin.

"Young lady, your dinner is ready"

Sinasabi ko na nga't mag-isa nanaman akong kakain. Ang laki nang mesa, andaming pagkain na nakahain. Pero ako lang ang kakain.

Paano kaya nakakaya nang tanda na yun ang kumain nang mag-isa? Umuuwi kaya si Aiken?

"Salvo" 

"Yes, young lady?" Dapat ko bang tanungin sakanya?

Baka sabihin niya na may gusto ako sa apo ni tanda. Teka. Anong pinagsasabi mo Samora? Tsk.

"Nevermind" nag-umpisa na akong kumain nang prutas. Hindi ako kumakain nang heavy meals sa gabi.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto. Humiga agad ako sa kama at pinikit ang aking mga mata. 

Geez! kailan ko pang magising nang maaga. Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh

-*-*-*-

-Hassler Academy-

Pagpasok ko palang nang school ay agad nang may bumati saakin.

"Good morning Sam!" Saka siya ngumiti nang pilit. Tumango nalang ako

"Badtrip ka ba? Ako din ei" sabi niya ulit.

Napatigil ako nang tumigil siya sa paglalakad. Saka siya huminga nang malalim

"Di mo lang ba tatanungin kung bakit ako badtrip?" Tumaas ang kilay ko

"Don't care" nagsisisigaw naman siya.

"Waah! Anong klase kang kaibigan Sam! Wala ka man lang bang pake saakin?"

"I already told you" bigla naman niya akong inakbayan

"I'm just kidding. Kahit wala kang pake sasabihin ko parin saiyo kasi mag kaibigan na tayo diba?"

"I'm sorry to tell you this. But I don't need a friend. Never" saka ko siya iniwan.

Pumasok na ako sa kwarto namin at sumubsub sa table. Wala pa namang prof kaya matutulog muna ako. Makakatulog na sana ako nang biglang umingay ang paligid. Tsk. Malas naman oh

"Oh my gee! Ang gwapo talaga ni Aiken!" Saka sila sabay sabay na nagtilian

Aiken? Wait! Agad akong napa-angat nang tingin. Don't tell me... Napalingon ako sa pwesto ni whatever pero wala siya. Kaya ba badtrip siya kasi magiging classmate namin ang black phoenix?

"My gosh Elwood! Ang cute mo!!" Saka tumili nanaman sila

"Be mine Dylan!" Tili

"Marry me Nathan!" At tili ulit.

Man. Even though I'm lucky dahil makakasama ko siya sa isang room at mas mababantayan ko sila ay parang ang malas padin. Pumasok na sila at umupo sa pinakalikod. For short sa likod ko.

Agad namang nagsitakbuhan ang mga babae at tumabi sa akin. May mga nagpapa-alis pa nga saakin sa upuan ko pero sinamaan ko silang lahat nang tingin. Mabuti nalang at nakuha sila nang tingin.

"Best School life ever!" Sigaw nang katabi ko.

"Masaya na sana ei. Kung umalis lang yang nasa kanan mo. Epal ei! Wala tuloy maupuan si Talia!"

"Don't mind her girl. As long as kalikudan ko si Aiken ayos na ako"

Natahimik lang ang lahat nang dumating ang prof namin. Pinaliwang niya kung bakit andito silang apat at dahil yun kay tanda

Nag-umpisa na ang klase. Maganda na sana kung hindi lang madaldal ang mga naka-upo sa likudan ko.

"Guys. Nag send ang Eclipse nang invitation saatin. Dinner Party. Mag uumpisa exactly 5 in the afternoon"

"Para saan naman yun? Hindi kaya alam na nila ang ginawa natin sa isa nilang ka grupo?"

"Possible. Sigurado akong isang trap lang yan. Ano sa tingin mo Czar? Pupunta ba tayo?"

Nanahimik silang tatlo nang ilang segundo. Mukhang kung ano desisyong  nang pinuno ay siyang desisyon nang lahat

"Yes, we're coming"

Mukhang kailangan ko atang mag cutting classes ah...

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon