Chapter 2

14.1K 288 1
                                    

Chapter 2

"Why are you not eating, young lady? Ayaw niyo po ba ng mga pagkain na inihanda namin para sa inyo?" Nanatili akong tahimik

Nagising ako na nandito na ako sa bahay niya. Akala ko kamatayan ko na pero hindi pa pala. Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako. Siguro gusto niya muna akong pahirapan bago niya ako patayin gaya ng sabi ni ate Illiana.

"Young lady. Kumain na po kayo. Magagalit po si Madame kapag hindi pa kayo kumain" kanina niya pa ako pinipilit pero ni-katiting na pagkain di ako kumuha.

"You should eat" andiyan na siya. Lumingon ako sakanya at sinamaan ko agad siya ng tingin

"Madame" sabi nung babaeng pinipilit akong kumain sabay bow sakanya at umalis na.

"You should eat" napataas ako ng aking kilay.

"I don't have an appetite" walang gana kong sabi. Wala akong pake kung magalit man siya.

"Why? Wala ka bang tiwala saakin? Are you scared that I put something on your food?"

"I don't know you and you don't know me either. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ako nandito. Bakit mo ako tinulungan?" Tinignan niya muna ako nang ilang segundo saka siya sumagot

"No" saka siya umiling "I know who you are. I know you more than you know yourself" lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"What do you mean?" Takhang tanong ko. She smiled and then tapped my shoulder

"You don't need to know everything, my dear, because it can just kill you. Secrets have their own time to reveal themselves and their time has not yet come" I feel disappointed sa sinabi niya. Wala man lang ba siyang matinong sagot?!

"I'm always ready to die" napatawa siya ng hilaw sa nasabi ko

"Stop lying, my dear. Alam kong hindi mo pa kayang mamatay dahil may hinahawakan kang pangako. Pangako sa iyong kapatid na si Ill--" sumigaw ako kaya napatigil siya

"Enough!" Di ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha.

"Shhh. Stop crying, my dear. It's not your fault"

"P-paano mo nalaman? Sino kaba talaga?"

"I told you already. I know everything about you. Wala kang maitatago saakin"

"No! you don't know everything. You may know my name but you don't have any idea who I am" ngumiti siya saka siya pumalakpak ng tatlong beses. Mula sa kanyang likod may lumabas na isang lalaki

"Lead her to her room"

"Yes, madame" sabi nung lalaki saka siya humarap saakin

"Follow me" pero di ko siya sinunod

"I'm not! Paalisin mo na ako! Wala kang mapapala saakin!"

"Just follow him, my dear, if you don't want to be force again" saka siya may inilabas na syringe sa likod niya. Napa-usog ako

Naalala ko ang nangyari sa van kanina. Walang kahirap hirap na kinuha niya saakin ang dagger ko. At isa lang yung patunay na malakas siya, na hindi ko siya kaya

Hindi na ako umimik pa at sinundan nalang yung lalaki.

Hanggang sa kaming dalawa nalang. Ito na ang chance ko. Sinugod ko ang lalaki saka siya pinagsusuntok. Wala na akong dagger o ano mang sandata na hawak.

Nang mawalan na siya nang malay ay tumakbo na ako paalis pero agad akong napahinto nang nasa harapan ko na siya. Pa-paano nangyari yun?

"Sabi ko na nga ba't papatayin mo lang ang ibibigay kong guard. Mabuti nalang at isa lang yang dummy"

Huli na ang lahat nang marealize ko ang nangyari. Binuhat na niya ako na parang sako at pinunta sa magiging kwarto ko saka sinara ang pinto.

Geez! Ano pa bang pwede kong gawin para makatakas? Naka railings ang mga bintana. At nang sinubukan kong buksan ang pinto ay naka-lock. Wala namang laman ang kwarto kundi kama lang. Asar!

Humiga nalang ako at hinayaang dalawin nang antok...

~¤~¤~

Nang magmulat ako ay nakita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papapuntang gubat

Ano man ang pilit ko na bumalik sa kinaroroonan ni ate Illiana ay hindi ko magawa. Parang may sariling pag-iisip ang aking mga paa

Napahinto nalang ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog

"Ate!" Agad akong napa-upo.

Puno ng pawis ang buong mukha ko at ang bilis din ng tibok ng puso ko. After 6 months ngayon ko lang ulit siya napaniginipan. May gusto ka bang sabihin saakin ate?

"Lagi mo ba siyang napapanaginipan?" Napalingon ako sa may pinto. Tsk, a new person again

"Who are you?" Hindi siya sumagot at naglakad papalapit saakin

"I am nobody. No.Bo.Dy" saka siya ngumiti

"It's not nice to meet you, Mr. Nobody"

"Same here" may sasabihin pa sana siya nang may kumatok sabay bukas ng pinto

"Mada-- Young master, what are you doing here?" Medyo mataray na sabi nito kay nobody

"It's none of your business, Mr. Salvo. By the way, may sasabihin kaba sakanya?" Yumuko muna siya kay nobody saka tumungin saakin

"Madame is waiting for you downstairs" yumuko siya ulit saka umalis

"You should go now. She's not good at waiting" Then he smiled and walked away.

*face palm* geez! In just a blink of an eye nagbago nalang bigla ang takbo ng buhay ko

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagdesisyunang bumaba. Nadatnan ko siyang naka-upo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo

"What do you want?"

"Take your sit first dear" sabi niya na hindi man lang nakatingin saakin.

Umupo ako. Ibinaba na niya ang magazine at tinignan ako

"Let's make a deal" diretsong sabi nito

"Deal? What kind of deal?" May inilabas siyang papel saka binigay ito saakin

"You are here for a reason. And that is to protect my grandchild" naalala ko yung lalaki kanina na pumasok sa kwarto ko. Si nobody?

"No" Mas magandang umalis nalang ako dito. Because as far as I know, nabuhay ako para tumakbo hindi para protektahan ang isang walang kwentang tao

Tama siya. Tama siya na hindi ko pa kayang mamatay dahil sa pinanghahawakan kong pangako. At hindi matutupad ang pangakong iyon hanggat hindi ko napapatay ang mga pumatay sakanya. I eagerly want a revenge but I can't because I am too weak to face them! I am so afraid!

"For exchange, I will help you to hide for a while, and...you want revenge, right? I'll help you"

Binigyan niya ako ng rason na kailan ma'y di ko kayang tanggihan. Rason na 2 years ko ng gustong makamtam. Gusto ko silang patayin!

Hinarap ko siya. Kahit na ayaw ko man ay kailangan "Deal"

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon