Chapter 15

6.7K 188 9
                                    

Chapter 15

Nathan Pov

Sinagot ko agad ang tawag nang makalabas na ako. Psh. Bakit nanaman kaya ito tumatawag?

(Dude! How was the date?) Hayz.

"It's none of your business. Bakit ka napatawag?" Hindi siya agad sumagot at tumawa lang.

(Can't you guess why? Hahahaha) napahilot ako nang aking noo. Kaya ayaw ko itong kausap eh

"Just tell me, okay?" At sawakas ay tumigil nadin siya

(Take care of your girlfriend dude. Curiosity kills the cat) at pinatay na niya ang tawag

Girlfriend? Samora

Agad akong tumakbo pabalik. At gaya nang ikinakatakot ko ay wala na siya kung saan ko siya iniwan. Man! Man! Samora!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang idial ang cellphone niya pero naka-off. Nang di ko talaga matawagan ay sunod kong tinawagan si Elwood.

"El help me!" Sabi ko agad pagka sagot niya

"What happen? Are you okay?"

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero ni anino niya ay di ko makita. Asar! Dapat di ko nalang siya iniwan!

"No! No! Samora, Samora is missing! At sa tingin ko nasa panganib siya"

"What?! Geez! Papunta na ako diyan. Wait for me, okay?" saka niya pinatay ang tawag

Urgh! Saan ko naman siya hahanapin? Ang lawak nang covered court at sobrang dami nang tao! Saan ka nanaman ba pumunta?

-*-*-*-

Samora Pov

Sinuot ko ang hood nang jacket ko at pasimpleng binuksan ang pintong pinasukan ni Allison. May nakasulat pa sa taas na Warning: beware of the monsters

Pagpasok ko ay sobrang dilim nang paligid kaya kinuha ko ang cellphone ko at in-open. Hindi ko pwedeng buksan ang flashlight dahil baka mahalata nila ako

Diretso lang ang pasilyo at sa dulo nito ay may pinto ulit. Agad kong naibulsa ang cellphone ko at tumago sa gilid nang pinto nang magbukas ito.

"Kailan kaya lalaban ang Phoenix?" Sabi nang isang babaeng di ko kilala. Pero sigurado akong studyante din siya

"Ang tanong ay kung lalaban ba talaga sila. Psh, kahit naman na manalo sila ay maiiwan ba nila ang kapatid ni Aiken dito? A big no" sabi nang kasama niyang lalaki.

"Yeah. Kaya nga bilib din ako kay Principal Smith ei. Mabuti nalang at hindi siya namatay" girl

"About that. Gustong kong makaharap ang babaeng sumaksak sakanya. I want to kill her with my own hands" boy. As if

"Same! I badly want a revenge sa ginawa niya kay Principal Smith"

Hindi ko pa siya napapatay pero gustong gusto na akong patayin. Tsk tsk

Nang makalabas na sila saka ko lang binuksan ang pinto at sumilip muna kung may tao. Nang masiguradong kong wala ay pumasok na ako.

Sobrang lawak nang paligid at puro machines ang andito. Ano naman kaya ang gagawin nila dito?

Sa pinakadulo nanaman nito ay may pinto nanaman. Balak ko nanaman sanang pumasok sa kabilang pinto at tignan kung anong andoon nang biglang may nagsalita sa likod ko

"We meet again. At di ko inaakala na dito pa talaga kita makikita huh" basted. Geez!

Dahan dahan akong humarap sakanya na nakataas ang dalawang kamay ko.

"Are you going to beg now?" Napa-smirk ako at umiling

"Never" saka ko tumakbo papunta sa pinto palabas. I was about to reach the door knob nang bigla niya akong sinabunutan.

Humarap ako sakanya at sinipa siya dahilan para mapalayo siya saakin nang kunti. Muli kong sinubukang lumabas pero nasabunutan niya ulit ako. Tumalon ako at umikot sabay sipa sakanya. Natamaan siya pero nakahawak parin siya sa buhok ko

Nang bitawan niya ito ay agad niya akong pinaulanan nang suntok pero lahat yun ay iniwasan ko lang. Bigla nalang akong napa-upo sa sakit nang sabayan niya ito nang sipa sa tiyan ko.

Geez! Tiyan ko nanaman ang pinuntirya. Agad akong tumayo kahit na masakit pa para iwasan ang gagawin niya sanang pagtapak saakin. Madaya naka heels siya!

Umikot siya at balak ulit akong sipain ngunit sa pagkakataong ito ay sinalo ko na ang sipa niya. Hinila ko siya gamit ang kanyang paa at inuntog sa pader. Pagkatapos ay agad ko nang binuksan ang pinto.

Ngunit agad ding akong lumayo dito nang pagbukas ko ay sobrang daming tao ang nandoon. Trap!

Nakita kong dahan-dahan siyang tumayo saka tumawa.

"Wala ka nang kawala ngayon. Nagkamali ka at binangga mo ang isang katulad ko" may hinugot siyang metal sa gilid niya at tinutok ito saakin.

Geez! Sinabi na kasi saiyong wag kang aalis ei. Yan tuloy mamamatay kana. Pasaway ka Samora

"Goodbye" nakangising sabi nito at kinalabit ang gatilyo. Napapikit nalang ako.

Hindi ko alam kung bakit mas pipiliin ko pang pumikit kaysa sa iwasan ang bala. Dahil ba sa huli katapusan ko rin lamang at papahirapan ko lang ang sarili ko? Tsk tsk. Hindi man lang ako nakapag sorry kay Nathan

Nagtaka ako nang makarinig ako nang pagkalansing nang metal sa metal. Pagmulat nang mata ko ay isang katana ang nasa harap na nang mukha ko ang pumigil sa bala sa pagtama saakin.

Agad kong tinignan kung sino iyun. At mas ikinagulat ko kung sino ito. Anong ginagawa niya dito? Paano niya ako nahanap?

Nagsimula na siyang kumilos at pinagsasaksak ang mga taong susugod saamin

"Aiken"

Ang tanging nasabi ko nalang. Akala ko ba wala kang balak na pumunta dito? Sinundan mo ba kami? Ako?

Naubos na silang lahat at tanging yung babaeng nakalaban ko nalang ang natira

"You will pay for this! Both of you! Wait for my turn. Sisiguraduhin kong magbabayad kayo!" Ang tanging nasabi na niya lang at tumakbo palabas

"Come on. Baka dumating na yung iba" sabay hawak niya sa kamay ko

Bigla akong nailang. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko, it's like I run in a marathon. What the?! Geez! What am I thinking?! Umayos ka Samora!

Nakita ko nalang na tumatakbo na kami palabas nang covered court. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa makarating makalayo kami. Parehas kaming humihingal sa layo nang tinakbo namin

"Are you stupid?!" Galit niyang sabi nang maka-upo siya sa isa sa mga bench dito

Hindi ako nakasagot at tumingin sa langit. I'm speechless.

"What if hindi ako dumating? Siguradong patay kana ngayon!"

Kahit na naririnig ko siya ay hindi parin ako sumagot at nakatingin lang sa mga bituin.

Back then, I don't like looking at the sky at night. Cause everytime na titingin ako maaalala ko lang ang mga masasamang nangyari noon. But someone change it. Tanda...

"Samora! Are you listening?!" Sabay guyod niya saakin at pina-upo sa tabi niya.

"Don't ever do stupid things again. Maybe you can do anything but not everything. Tsk tsk" sabi niya saka umalis. Anumang bagay at lahat nang bagay? Sakit din ito sa ulo minsan.

I'm the protector. Ako dapat ang nag pro-protekta saiyo. Pero sa mga nangyari ngayon. Alam mo ba na dalawang beses mo na akong nailigtas.

Kung hindi ka dumating nang balak kong patayin si Wilson at hindi ka rin dumating kanina ay siguro nga patay na ako.

Maybe you're not actually a monster.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon