Chapter 8

8.4K 238 0
                                    

Chapter 8

This past few days lagi ko nang binabantayan si Aiken. Saan man siya mag punta ay nakabuntot ako. Ewan ko, kinakabahan kasi ako sa pwedeng mangyari. Lalo na't papalapit nang papalapit ang Foundation day. Kinakabahan na may halong takot ang nararamdaman ko

And here I am again. Stalking the king. Naka-upo ako sa damuhan habang tinitignan sila sa malayo. Hindi naman siya mahirap sundan lalo na't apat na lugar lang ang lagi niyang pinupuntahan. Tambayan nila which is malapit sa music room na nasa second floor, classroom, school garden, at rooftop. Sa rooftop mahirap dahil siya lang mag-isa mas malaki ang chance na mapansin niya ang presensya ko.

And as usual. Masayang nag kwe-kwentuhan ang tatlo pero siya walang paki-alam sa mundo. Nakapagtataka, anong dahilan at bakit siya naging ganyan? Buhay pa naman ata ang dalawa niyang magulang. Hindi kaya nagkulang sila nang pagmamahal sakanya? Andiyan rin naman si tanda ah. Tsk tsk

Nang mag bell na ay tumayo na ako at pinag pagan ang palda ko.

"Sinusundan mo ba kami?" Agad nanigas ang buong katawan ko. Isang kamay ang nakahawak sa kaliwang braso ko at habang tumatagal ay mas lalo itong humihigpit.

"Nasasaktan ako" pero hindi niya ako pinansin at mas hinigpitan pa ito

"Pinadala ka ba dito para patayin ako? Hah! So coward and stupid. A girl?! Tsk" bigla niyang itinaaas ang kamay niya. He was about to slap me nang may pumigil sakanya

Nathan...

"Let go" malamig na sabi ni Aiken pero di siya nakinig

"Let go of her first dude" napangisi nang malademonyo si Aiken

"Why should I?" Hindi siya agad nakapagsalita. Tumingin siya saakin saka ngumiti. Bigla ko tuloy naalala yung first met namin sa bahay.

"She's my girlfriend" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Pero nang dahil doon, lumuwag ang pagkakahawak ni Aiken sa braso ko. Agad ko itong binawi saka hinimas himas.

"What?" Bigla akong hinila ni Nathan saka inakbayan

"Guys, meet my girlfriend. Samora Sazunne" Gulat na gulat si Elwood at Dylan pero si Aiken ay hindi parin maniwala

"Stop acting like a hero, Nathan" sabi ni Dylan

"No, I'm not!"

"Then prove it... kiss her!" Sabi din ni Elwood. Agad akong umiling. No way! Never!

"No baby? Okay. Ginagalang ko ang desisiyon mo" saka siya ngumiti at hinarap ang mga kaibigan niya

"Sorry guys" at binigyan sila nang nakakalokong ngiti

"Tsk" ang nasabi nalang ni Aiken sabay alis. Nakahinga ako nang maluwag.

"Uy! Di mo sinabi na may girlfriend kana pala. Hi Miss beautiful, Elwood Weintor at your service!" Hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko ito. Napangisi nalang siya

"Dylan Fourier. Nice play" at ngumiti nang makahulugan saka umalis nadin.

Tsk tsk. Smart boy, I guess

"Don't mind her Samora. Anyway, hindi pa ba kayo papasok? Late na tayo" umiling si Nathan

"Sunod nalang kami El" napatango nalang siya at tumakbo na paalis

Nang di ko na makita pa ay agad kong inalis ang kamay ni Nathan sa pagkaka-akbay saakin saka pinilipit ito

"Ouch! Ouch! Sorry na, sorry!" Mangiyak ngiyak na siya sa sakit nang bitawan ko ito.

"Tsk. Girlfriend your face!" Muli ko siyang sinipa at naglakad na paalis

-*-*-*-

Nathan Pov

Napa-iling nalang ako habang tinitignan siya paalis. Grabe, di man lang siya nagpasalamat saakin

Tumayo na ako at naglakad papuntang room. Napakunot ako nang noo nang wala dito si Samora. Saan naman nagpunta yun? Nang ma-upo ako ay natadtad ako nang tanong ni Elwood

"Nasaan siya? Iniwan ka noh? Hahaha. O baka naman inaway mo? Tsk tsk. Di mo talaga alam dumiskarte sa mga babae" nginitian ko nalang siya bilang sagot

Napalingon ako kay Aiken. Nakasandal siya sa headboard habang nakapikit. Mukhang natutulog nanaman.

Pagkatapos nang klase ay agad ko siyang hinanap. Nasa rooftop lang pala. Nakahiga sa isa sa mga bench

Agad ko siyang nilapitan. Nang makita ko siyang tulog ay napangiti ako. Ang amazonang mukhang anghel kapag tulog.

Dahan dahan kong kinuha ang cellphone niya sa bulsa nang kanyang palda. Mabuti nalang walang password

Sinave ko ang number ko at kinuha ko nadin ang number niya. Nag picture din ako bilang profile ko.

Binalik ko na ito saka hinalikan siya sa noo bago ako umalis.

"Sweet dreams, love"

-*-*-*-

Samora Pov

"We don't have a choice anymore. Tumakas kana, ako na bahala dito"

"Bakit ako lang? pwede namang tayong dalawa" binigay niya saakin ang baril niya

"Umalis kana. Ako na bahala dito. Iligtas mo na ang iyong sarili. Please, Jacq please" unti-unti nang tumulo ang mga luha ko.

"No, hindi kita iiwan dito. Hindi!"

Sa muling pagsabog ay nagkaroon na nang crack ang pinto.

"Umalis kana!" Umiling ako. Hindi kita iiwan ate. Ikaw nalang ang nag-iisang pamilya ko. Hindi kita iiwan!

"Jacq, pangako magkikita pa tayo. Pangako" at niyakap niya ako

Bigla akong napa-atras nang maglaho siya, nagbago rin ang buong paligid

Nasaan ako?

Biglang lumiwanag ang paligid. Nakita ko si tanda di kalayuan saakin. Tumakbo ako sakanya at niyakap siya

"Kamusta kana Samora?" Gusto kong magsalita pero wala ni isang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Mula sa likod niya ay may lumabas na isang lalaki. Di ko siya mamukhaan dahil naka maskara siya.

Nilabas niya mula sa kanyang likod ang kanyang baril at itinutok kay tanda. No!

Gusto ko siyang balaan pero di ako makapagsalita at di ko man lang magalaw ang katawan ko. Unti-unti na niyang kinakalabit ang gatilyo.

"Mag-ingat ka Samora. Wag kang mag-alala. Everything will be fine" napa-upo kaming dalawa nang pabigat na siya nang pabigat.

No! No! Sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Wala man lang akong nagawa hanggang sa malagutan siya nang hininga.

"No!" Napa-upo ako at napahilamos nang aking mukha. Panaginip lang pala.

Ang bilis nang tibok nang puso ko, pawis na pawis din ako. My goodness, akala ko totoo na.

Kinalma ko ang sarili ko. Hanggang sa makaramdam ako nang ibang presensiya.

"At last. Nagising ka na din"

Nakita ko nalang ang sarili kong naka-angat mula sa lupa habang sinasakal niya ako. Pahigpit ito nang pahigpit at ilang sandali nalang malalagutan na ako nang hininga.

"A-aiken... h-help"

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon