Chapter 49
Samora Pov
Pagdating ko ay malaki na ang sunog. Kahit na madami na ang fireman na andito ay mukhang di nila kaya.
Man! Nasa loob pa si Aiken at Keith. Kailan ko nang makapasok sa building baka ano pang mangyari sakanila.
Hinigpitan ko muna ang sumbrero ko bago tumakbo papunta sa entrance. Makakapasok na sana ako nang mahuli ako nang mga gwardiya
"Let me go!" Dahil sa pagpupumiglas ko ay mas lalo silang dumami at hinila ako papalayo sa building.
"May tao pa sa loob! Mga bulag ba kayo?! Bitiwan niyo ako!" Pero parang wala silang narinig at patuloy lang sa paghila saakin.
"Let her go" isang lalaki ang nagsalita mula sa aking likuran dahilan para dali-dali nila akong binitawan.
Pero kahit na ganun ay di parin ako maka-alis dahil siya naman ang humawak saakin
"No need to go there, papalabas na sila"
Gaya nang sinabi niya ay nakita ko na si Aiken na papalabas. Buhat buhat niya si Keith na walang malay. Napansin ko din na pulang pula ang dalawang kamay at paa nito. Mukhang tinali siya para di makalabas.
Di na ako lumapit pa sakanila. Magbabayad ang gumawa nito sakanya.
"Who did this?" Tanong ko sakanya.
Akala ko ay hindi na siya sasagot dahil nakatitig lang siya saakin pero di rin siya nakatiis
"Zack. He wants to see you badly, that's why he did this" bigla kong naiyukom ang mga kamao ko.
That a**hole!
"Take me to him. He wants to see me, right?" Umiling siya. Binitawan na niya ako at naglakad na paalis
Fudge! Gusto ko man siyang tawagin pabalik kaso di ko alam pangalan niya. Nakalimutan ko na. Kaya nilapitan ko nalang siya
"Mas lalong lalala ang sitwasiyon kapag hindi pa niya ako nakita" pero ganun padin ang naging sagot niya "Fine! Ako na mismo mag--" muli niya akong hinawakan sa braso
"He will kill you once na mahanap ka niya. So, stay away from him" mas lalo tuloy akong ginanahan na makita siya
"I'm not afraid and I don't care" seryoso kong sabi pero tinawanan niya lang ako
"Stop acting childish, Samora. Revenge isn't always the answer. Ako na bahala kay Zack. At ikaw? You owe the Phoenix an explanation. Oh, and also Nathan" what? I don't get it
"Reine. A french word na ang ibig sabihin ay queen. What a nice name" tila tumigil ang oras nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin
Alam na nina Aiken. Alam na nila na ako ang sumaksak sa kapatid niya.
"Hahanapin ko kung sino ang gumawa nito. Kasabay niyang mamatay ang mga taong sumira nang buhay ko"
Akala ko tapos na ang problema ko kay Reine. Hindi pa pala at mas malala pa.
"Don't worry, I think he still love you despite of being Reine" Sabay tapik niya sa braso ko.
"Btw, my name is Hearon. In case you don't know" bahagya akong napangiti sa sinabi niya.
Yeah, I remembered. Thanks, Mr. Dale.
-*-*-*-
Aiken Pov
Nang makalabas kami ay agad siyang kinuha saakin nang mga rescuer at sinakay sa sasakyan. Mabuti nalang talaga may sariling hospital ang school
Hindi na ako sumunod pa at tinawagan sina Dylan.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
AzioneShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...