Chapter 52

2.9K 77 3
                                    

Chapter 52

Samora Pov

"Leave... the Phoenix"

"W-what?" Napaurong ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ganito ang gusto niyang laro.

"You heard me right, Samora. I want you to leave the Phoenix" hindi ako makapagsalita. What should I do? "Let me see how would you handle this. Now, choose" naiyukom ko ang aking kamao.

Kung itutuloy ko pa ito baka sa susunod na ay ipapatay na niya saakin si Aiken. Pero papaano si Ate? Siguro naman may iba pang paraan para mailigtas siya.

"I... I quit. Pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan ko na si Ate. Babalikan ko siya at kukunin ko siya sayo" napatawa siya nang malakas sa nasabi ko at saka umiling

"You will quit? Didn't I tell you that there's no turning back in this game? Hindi ikaw ang magtatapos nang laro, Samora" nawala ang mga ngiti sa mukha niya at naging seryoso siya "I'll give you time to think, besides I have so many time to play with you" pero umiling ako.

"No, Emprey. This game is over. I quit!" Matigas kong sabi. Halata sa mukha niya ang pagka-inis pero agad din itong nawala

"Then I'll give you reason not to quit" muling bumakat sa mukha niya ang ngiting demonyo.

Binuksan niya ang drawer nang table niya. May kinuha siya doon na picture at pinakita saakin.

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla itong sumikip at hindi ako makahinga.

"Are you familiar with them? They are the one who ruined your childhood life. They ruined your perfect family"

Silang dalawa... silang dalawa ang pumatay sa mommy ko.

"Sa tingin ko ay namukhaan mo na sila. But the question is, do you know them?"

Sobrang pagpipigil ko sa mga luha ko na gusto nang tumulo. Ayokong umiyak sa harapan niya.

"W-who a-are they?" Nagkibit balikat siya.

"I don't know either. Pero may isang taong kilalang kilala sila"

"Who?" Agad kong tanong.

"He is... Aiken Wein Hassler" napakunot ako nang aking noo. Si Aiken? Anong kinalaman niya sakanila?

"Take this and ask him who are them. And I'm 100% sure that you'll change your mind quitting my game. And one more thing. I already told you not to trust people easily. But you already did.

-*-*-*-

Third Person Pov

Pagdating ni Samora sa hq ay tulog parin silang lahat kaya nagtungo muna siya sa rooftop.

Nilabas niya ang picture at hinayaan niyang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.

"Why? Why did you killed my mom? Why?!"

Napa-upo siya at niyakap ang sarili niya. Umiyak lang siya nang umiyak 

Galit siya sa mga taong pumatay sa mommy niya and at the same time she's mad at herself. Because she was there at wala man lang siyang nagawa.

"Please! Kill me instead! Let her live!"

Hindi niya man lang naprotektahan ang mommy niya sa kanila.

"Ang bata palang ni Jacq para mamatay. So, please. I'm begging you! Kill me!"

"Mom. No" sabi niya sa gitna nang pag-iyak niya.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon