Chapter 1

18.9K 335 1
                                    

Chapter 1

Geez! Kailan ba sila titigil sa kakahabol saakin?! Hindi ba sila napapagod dahil ako pagod na pagod na!

Marami na akong nasirang gamit at tinda dito sa palengke. Bahala sila, di ko na kasalanan yan.

Lumingon akong muli sa likod. Yung kaninang tatlong lalaking naka-itim lang ngayon ay marami na. Mga tindero at tindera na may hawak na itak at kahoy idagdag mo narin ang mga pulis na may dalang batuta.

Para naman akong mamamatay tao sa lagay na ito!

Nang makita ko ang mall di kalayuan saakin ay nagkaroon ako ng panibagong lakas. Jackpot!

Napa-upo ako bigla nang may makabangga akong isang lalaki. "Miss. Are yo--" di ko na siya pinatapos pa at tumayo na saka tumakbo ulit kahit na ang sakit ng pwet at ulo ko.

Pagpasok ko sa mall ay biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko ang sobrang daming tao

Agad akong nakipagsiksikan at nang malayo layo na ako ay napalingon ako sa aking likod. Napangiti ako nang fi ko na sila makita. Times up na tayo sa takbuhan. Hide and seek naman.

Saan na nga ba ulit ang fire exit nito? Ah! Malapit sa comfort room. Agad akong nagtungo doon at nang makita ko na ay lumabas na ako.

Kita-kita nalang ulit tayo sa ibang lugar, dahil sa tingin ko hindi na ako safe sa lugar na ito. Pero sana di niyo na ako mahanap pa.

"Hey!" Nawala ang mga ngiti sa mukha ko at naging mala statwa ako. Wag niyong sabihing nasundan parin ako! Man! Man! Man!

Deep breath. Deep breath.

Dahan dahan akong lumingon sakanya na may pilit na ngiti sa aking mata at labi.

"A-anong kasalanan ko sainyo miss? Ah... alam niyo naman, pwedeng pwede natin pag-usapan yan" mas nilakihan ko pa ang ngiti ko para mas mukhang sincere at inosente.

"Stop smiling. I'm not one of them" biglang nawala ang ngiti ko sa naging tono niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nawala na ang kaninang ako.

"Then what?" Malamig pero kalmado kong sabi. Napangisi naman siya saka ako inabutan ng bottled water

"Here, I know that you're very tired from running" agad akong napa-ayos ng tayo. Bakit parang may mali?

"No thanks" saka ko siya nilagpasan.

Wala na akong oras para makipag usap pa sakanya dahil hindi magtatagal andito na sila

"Your welcome, dear. Come on, they are here" bago pa ako makapag salita ay ginuyod niya na ako papasok sa van.

Nakita ko mula dito sa bintana ang mga taong naghahabol saakin kanina.

Tinignan ko ang tatlong naka-itim na lalaki, yung isa ay may kausap na sa telepono. Tsk. Hinding hindi ako papahuli sainyo. Tandaan niyo yan

"Hindi ka ba napapagod kakatakbo sakanila?" Umiling ako.

"I'm running for my life. Sa oras na mahuli nila ako lalo na ang tatlong naka itim na yan tapos na ang buhay ko" tiyaka ko inalis ang tingin sa mga naghahabol saakin at tumingin sakanya "Kamatayan ko na" malamig na sabi ko.

"But you know, hindi pwedeng takbo ka lang nang takbo. You need to face them" napangiti ako. Bakit parang ang lalim ata nang pinaghugutan niya

"I know" Napahinga ako nang malalim. Tama siya. Darating ang araw na kailangan ko nadin silang harapin. Dahil ipag-hihiganti ko pa ang pagpatay nila kay Ate Illiana

"Clear all the cctv footage from inside and outside the mall" sabi niya sa kabilang linya at pinatay nadin ito agad "Manong, we can go now"

"Teka! Bababa na ako" ngumiti lang siya pero hindi na pinahinto ang sasakyan. What the-?!

Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka lock na. No choice ako kundi idaan nalang sa dahas. Kinuha ko ang dagger sa paanan ko saka nilapit sa leeg niya.

"Palabasin mo ako" umiling ito at sa isang iglap lang wala na sa kamay ko ang dagger.

"Good night, sweetie" saka siya ngumisi at may tinusok sa leeg ko.

Unti-unting lumabo ang paningin ko. Hindi pwede, nangako ako kay ate Illiana na di ako papahuli.

*all went black*

-*-*-*-

Nang magising ako ay agad akong napatayo "aww!" Di ko napansin nasa van pa pala ako

What the fudge! Nasaan na ako?! Napatingin ako sa left side ko. May naka-upong lalaki at may hawak na baril.

*gulp* Tama ang hinala ko. Kasama siya ng mga taong gusto akong kunin! Geez!

Sinubukan kong buksan ang pinto nang van pero naka lock parin. Geez!

Kinuha ko ang isa ko pang dagger. Balak ko sanang patayin ang katabi ko nang makaramdam ako nang malamig na bakal. Malas naman oh!

"Give me your dagger if you don't want to die" dahan-dahan ko namang binigay ang dagger ko.

Napangisi ako nang may maalala ako. Agad ko siyang sinaksak sa tiyan

"Tsk. I know you can't kill me" may halong pang-aasar na sabi ko sakanya saka diniin pa ang pagkakasaksak.

Nakita ko sa peripheral vision ko na may pinindot na button ang driver. Nagdilim lalo ang paligid.

"Sabi ko na nga ba't papatayin mo lang ang ibibigay kong guard. Mabuti nalang at isa lang yang dummy." Dummy? Kaya pala walang dugo na lumabas "Anyway, wag kang matakot hindi kita sasaktan. But i'm helping you to escape from those man in black na sinasabi mo" kumunot ang noo ko. Help me to escape?

Tsk. Paano naman ako nakakasiguro? At bakit naman niya ko tutulungan? Isa lang ibig sabihin nito. Kilala niya ako

"Enough with the joke, you b*tch! You better stop this car now!" pero tumawa ulit siya

"Watch your words, young lady, you don't know me" fudge! This old lady is really pissing me off! "Got to go. See you later dear" saka namatay na ang tawag. Nilingon ko ang driver

"Stop the car!" Pero hindi niya ako pinansin. Lalapit na sana ako para patayin siya nang may salamin na nag appear sa harap ko. At ang salamin na yun ang naging pader saaming dalawa.

Sinubukan ko itong suntukin pero walang nangyari. Thick glass. Napasabunot nalang ako sa sarili ko.

Nakita ko sa may gilid ng salamin na may lumalabas na usok. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka tinakpan agad ang ilong ko

Agad napuno nang usok ang van dahil hindi lang isa ang naglalabas ng usok kundi apat.

Di magtatagal mahihimatay ulit ako. Talo na ba ako? After 2 years na pagtatakbo ko, isang matandang babae lang pala ang makakahuli saakin?

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon