Chapter 20

6.3K 181 6
                                    

Chapter 20

Pagkalabas ni Wilson ay agad na sumugod saakin ang Bad Angels habang naka-upo lang at balak atang manood lang ang mga Alpha Kings.

"Die bitch!" Sigaw ni Janah at balak sana akong suntukin nang maiwasan ko ito. Sinuntok ko siya nang malakas sa tiyan niya dahilan para mapa-ubo siya nang dugo

Galit siyang tumingin saakin at sinugod akong muli. Mabuti nalang at maluwang itong room nila at nakakagalaw ako nang maayos. Pina-ulanan niya ako nang suntok pero lahat nang yun ay naiwasan ko.

"Ahh!" Napasigaw nalang ako nang may marahas na nagsabunot nang buhok ko. It's Collin. Geez! Ang dalawang ito talaga! Ginagalit niyo ako ah!

Bumwelo si Janah at balak sana akong sipain nang iharang ko dito si Collin, sinabayan ko ito nang malakas na suntok sa kanyang mukha dahilan para mahimatay na siya. One down

"Argh!" Galit na sigaw ni Janah. Napangisi nalang ako pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya nang dagger. What the?! Sumugod nanaman siya saakin at nasugatan niya ang braso ko.

"Samora! Are you okay?!" Sabi ni Ithan pero di ko siya pinansin. Nakatuon lang ako kay Janah na disperado na patayin ako

Muli niya akong natamaan sa bandang pisngi ko nang balak kong agawin sakanya ang dagger. Agad kong naramdaman ang dugong lumabas dito. Mukhang malalim pa ata ah!

Magulo siyang maghawak nito kaya nahihirapan ako. Pero nakuha ko din sakanya ito at agad na tinutok sa leeg niya

Inikot ko siya paharap sa kanila at ginawa siyang hostage para pakawalan na nila ako.

"Let me go or I will kill her?!" Di ko inaasahan ang pagngisi nilang lahat.

"Whatever, Samora. Do whatever you want to do. Kill her if you want, basta hindi ka namin papatakasin" walang ganang sabi ni Hearon habang nakapikit ang dalawang mata.

Mukhang di effective ang ginawa ko kaya binitawan ko na siya at tinamaan ang likod nang leeg niya para mahimatay din siya. Two down. At bago ang lahat ay kinuha ko muna ang dagger at sinugat siya.

Lumingon ako kina Kristen at Allison. Parehas silang nakangiting demonyo saakin

"Ready yourself to die, Samora"

-*-*-*-

Dylan Pov

True love is like playing chess. A King plays and always afraid of losing his Queen, and the Queen risks everything just to protect her King

Sinara ko na ang librong binabasa ko nang matapos ko na ito saka ko pinikit ang aking mga mata at dinama ang sariwang hanging dumadapo sa balat ko

Wala sa sariling napa-iling ako. No, it's not a true love. Because once na mawala si Queen wala nang laban pa si King. Ibig sabihin, ayaw lang mawala ni King si Queen dahil kailangan niya ito, ginagamit niya lang ang Queen to save his life. Only the Queen take a risks. Maybe it's a one sided love...

"Boo!" Napawahawak ako bigla sa aking puso at muntik na akong mahulog sa aking kina-uupuan nang gulatin ako ni Elwood

"Hahahaha" binatukan ko siya dahil sa inis ko at umayos nang upo

"Will you please leave me alone?" pero di siya nakinig saakin at umupo sa tabi ko

"Miss ko na si Samora, kahit dalawang araw palang siyang nawawala ay parang ilang taon na. Ikaw?" napalingon ako sakanya. Ang lungkot nang mukha niya habang nakatingin sa langit

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon