Chapter 36

5K 137 5
                                    

Chapter 36

Aiken Pov

Nagising nalang ako nang tumama ang sinag nang araw sa aking mata. Uupo na sana ako nang biglang sumakit ang kanang braso ko. Geez, oo nga pala.

"Morning" agad na bati ni Elwood na naka sandal sa may pintuan

"Morning" bati ko din at tumayo mula sa kama.

Napabaling agad ang tingin niya sa braso ko. Naningkit ang mata niya saka tumingin saakin

"Anong nangyari sayo?" Hindi ako agad nakasagot. Dapat ko pa bang sabihin ang nangyari kagabi? Hayz

"Let's talk about that later kapag andito nadin si Dylan at Samora" tumango nalang siya at aalis na sana nang bumalik ulit

"Btw, okay na si Allison mabuti nalang daw at hindi gaanong kalalim ang pagkakasaksak sakanya" lihim akong napangiti.

"Galing ka sakanya?" Tanong ko na ikina-iling niya

"Narinig ko lang sa mga studyante" natatawang sabi niya. Napailing nalang ako. Man!

"Bat di mo kaya siya puntahan?" I just give him a smirk. Kahit naman puntahan ko siya, papa-pasukin ba ako? Tsk tsk

"Puntahan mo na siya. Baka sumugod nanaman ang misteryosong babae at patayin na siya nang tuluyan" saka tuluyan na siyang umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako. Why not to try again?

-*-*-*-

Pagpasok ko sa hospital ay agad kong tinanong ang room number ni Allison. Ayaw pa sanang ibigay nung nurse mabuti nalang nadaan siya sa pananakot.

Agad kong pinuntahan ang kwarto niya at huminto sa tapat nang pinto. Pinakiramdaman ko kung may tao sa loob maliban sakanya, and yes.

"Nathan" mahinang sabi ko saktong pagbukas niya nang pinto.

Nagtitigan lang kami hanggang sa siya na mismo ang sumuko at umiwas nang tingin

"You are not allowed here, alam mo yun" napa smirk ako.

"And who cares?" Napapikit siya at bumuntong hininga

"Fine. I'll let you in pero saglit lang. Baka maabutan ka ni Wilson"

"Hindi niya na ako maabutan pa dahil baka patay na siya sa mga oras na ito" napatigil siya at gulat na gulat na tumingin saakin

"Patay na siya?" Pag-uulit niya.

"Not so sure. Btw, diba dapat alam mo yan dahil kakampi mo siya? Isa ka ring traydor" hindi na siya nakapagsalita pa. Napangisi nalang ako at balak na sanang pumasok sa loob nang hawakan niya ang braso ko.

Napakagat ako nang aking labi para pigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa sakit

"Let. Go" matigas kong sabi pero mas diniin niya pa. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinapak siya

"May sasabihin ka pa ba?" Pero parang di niya ako narinig at nakatingin lang sa kamay niya na duguan.

Agad akong napahawak sa braso ko para takpan ito. Magsasalita pa sana siya nang buksan ko na ang pinto at ilock ito

Tumambad saakin si Allison na ang himbing nang tulog. Tila nawala ang sakit nang braso ko nang makita ko siya.

Thanks God your fine...

-*-*-*-

Samora Pov

Mula pag gising ko ay wala na akong ginawa kundi ang tignan ang ceiling nang kwarto ko.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon