Chapter 59
Valerie Pov
"I'm looking for Aiken's parents" mas lalong nainis si Aiken pero si Allison ay tahimik lang na nakayuko
Alam kong miss narin ni Allison ang mga magulang niya. Kahit gusto man niya silang hanapin ay hindi pwede dahil magagalit sakanya si Aiken
Pagkatapos kasing ibigay saakin si Allison ay nawala nalang sila na parang bula.
"For what?! We--" bago pa maituloy ni Aiken ang sasabihin niya ay tinapunan ko na agad siya nang masasamang tingin
"I'm not just doing it for the both of you but also for Samora" ayoko sanang sabihin sakanya ang tungkol dito kaso kailangan ko siyang pilitin na hanapin ang mga magulang niya
"They need to explain everything to her and clear their names. Naniniwala padin ako na hindi sila ang pumatay sa mommy ni Samora" at kapag sila man ay alam kong may valid reason sila kung bakit nila nagawa iyun.
Kilala ko ang anak ko at si Aeries. Alam kong hindi nila magagawa yun sa matalik nilang kaibigan.
"Alam na ba ni Samora ang tungkol dito?" Tanong ni Linds. Napatango naman ako.
"Emprey told her" napansin kong naiyukom ni Aiken ang kamao niya. Dahil simula nang araw na iyun iniwasan na siya ni Samora. Pero kahit na ganun alam kong mahal parin ni Samora si Aiken. Ayaw man niyang sabihin ay pinapakita naman niya ito.
"Okay, let's find them" nagulat ako sa sinabi ni Aiken pero agad din akong napangiti
I've been looking for them for almost 10 years. And until now, wala parin akong clue kung nasaan sila. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko.
Ito rin ang rason ko kung bakit ko pinapasok si Samora sa school. I want her memories to go back. If ever patay na nga ang mga magulang ni Aiken at Allison ay si Samora nalang ang makapag sasabi kung anong nangyari 12 years ago.
-*-*-*-
Aiken Pov
Nagtungo kaming dalawa ni Allison sa dati naming bahay pagkatapos umalis ni Valerie dahil may emergency daw na nangyari sa kompanya
Ngayon hindi lang si Samora ang hahanapin ko kundi ang mga magulang ko.
Pagdating namin ay wala na ni isang gamit ang andito.
"Baka pinakuha na ni Lola V lahat" sabi ni Allison. Kung ganoon ay wala na kaming mapapala dito
"Let's go" I said but Allison hold my hand
"Ayaw mo bang libutin ang buong bahay saglit?" Agad akong umiling at tinanggal ang kamay niya
Sa totoo lang ay ayoko nang balikan pa ang bahay na ito. We have so many happy memories here but still mas marami padin ang sad memories na iniwan nila.
"Kuy--"
"If you want to roam around, then go. I won't stop you" at dumiretso na ako patungo sa sasakyan
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
ActionShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...