MDB 3

132 6 1
                                    

MDB 3

A/n: Lee Jongsuk as Joshua Minierva

~~~~

"Ano? Nagawa mo na ba yung card?" Tanong sa'kin ni Niña. Christmas Party na namin. Nasa sulok lang ako para walang makita ng pinaggagawa ko. Hindi 'to kababalaghan ha!

"Wait! Hindi ko pa tapos. Tawagin nalang kita."

"Niiiii~ tara, akyat muna tayo sa taas!" Nakakarinding tawag ni Gary kay Niña saka niya ito niyakap. Omygash! Get a room!

'Ni' kasi ang tawag ni Gary sa kanya. Close kami ni Gary at 'nanay' ang tawag ko sa kanya pero mas close sila ni Niña dahil magkaklase sila noon. Bakit ganoon ang pananalita ni Gary? Ewan. Pero na-issue na na hindi siya straight. Pero syempre, pinagtanggol ko ang 'nay ko!

"Ira, bigay mo nalang sakin mamaya, ah?"

"Ano ba 'yan, Ira?! Patingin nga!" Akmang kukunin ni Gary ang hawak hawak kong Red colored paper. Sinigawan ko siya saka aiya nagpout. My goodness! Hinila naman siya ni Niña palabas para gumala-gala kasama sina Amanda at ang kaklase naming si Queen.

Balik tayo sa card..

Isang plain colored paper lang ang ginamit ko. Umutang pa ako sa kaklase kong si Drake ng isang piso dahil wala akong perang dala para makabili ng papel.

Walang nakasulat sa labas ng papel pero sa loob, ang nakasulat ay:

"Merry Christmas! I just wanna say that I'm thankful to be your schoolmate though we're not close. May your wish come true. Merry Christmas and Advance Happy New Year!

P.S:
Please don't waste your time just to ask who I am. Your precious time doesn't deserve me. You can put this on the garbage after you read this.

-Anonymous"

Ayan. Ayan lang. Hindi ako nagconfess, siyempre! Pagkatapos ay hinintay ko si Niña na bumalik at ibinigay ito sa kanya. Ibibigay niya na sana sayo pero biglang nagstart na ang party.

~~~~

Kainan na nang niyaya ako nina Niña na sumama sa taas kasama sina Amanda at Queen. Ipapasa rin kasi nila ang project ni Bella sa teacher naming nasa 3rd floor.

Nung una, hinanap namin ang teacher namin pero hindi niya tinanggap ang project ni Bella dahil busy pa siyang mag-organize ng Christmas Party ng advisory class niya.

Kaya sabi ni Niña, bumalik nalang daw kami mamaya. At eto na nga, kinakabahan na ako. Ang hagdan kasi pababa ay konting meters lang sa classroom niyo. At ako naman 'tong si bulag, hindi makita kung nasaan ka.

"Niñaaaa! Nasan siya?!" Dahan dahan lang kaming naglalakad dahil marami ring estudyanteng nakatambay sa labas. At ito namang katabi kong si Amanda ay gusto ng sumigaw dahil kinukurot ko ang braso niya.

Huminto kami sa harap ng tatlong lalaking naka-upo sa upuan na nasa corridor. Nasa labas lang sila habang ang mga kaklase nila'y nagsasayahan sa loob.

Grabe makangiti itong si Niña. Masyadong halata. Kaya sumigaw na ako dahil maingay rin.

"Ano?! Anong ginagawa natin dito? Hindi pa ba tayo bababa?! Nagugutom na ako oh!"

At saka naglakad na kami. Nang aapak na ako sa hagdan pababa,

"Ibibigay ko na--" hindi ko na narinig ang susunod na sasabihin ni Niña dahil nagmadali na akong bumaba. Nagstay pa sila doon, ibibigay na nga nila!

~~~~

Inaayos ko ang mga regalong natanggap ko nang biglang lumapit sa akin sina Niña, Amanda at Queen at sabay sabay na nagsalita.

"Binigay na namin!"

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now