MDB 19
A/n: Crying Ira at the multimedia above :(
~~~~
Pagkatapos kong maghapunan, nag-online ako para alamin ang updates sa Kgroups na iniistan ko. Bigla ka nalang nagchat.
Joshua Minierva:
Hi
Ira Venice Palsario:
Low
Ganito dapat. Magpanggap akong nabo-bored akong kausap ka! Kahit na ang totoo eh tuwang-tuwa ako dahil magkausap nanaman tayo.
Joshua Minierva:
May sinabi sa'kin si Maicey sa practice namin kanina
Maicey nanaman. Eh kung ipag-untog ko rin kaya kayong dalawa? Great idea!
Joshua Minierva:
Sabi niya sakin, "Wag kang masyadong lumapit sa akin kasi yung mga kaibigan ni Ira, pakalat-kalat," "Baka mamaya magtampo siya sakin"
Ang lakas rin ng loob niyang sabihin na pakalat-kalat ang mga kaibigan ko ah!
Ira Venice Palsario:
HAHAHAHAHAHAHAHA! Pakalat-kalat? Hindi ba pwedeng marami lang talaga akong kaibigan kaya marami akong mata?
At isa pa, bakit naman ako magtatampo?Sinabi ko kay Cassandra yung mga sinabi mong sinabi ni Maicey. As expected, mas galit pa siya kaysa sa akin.
Mike's:
Aba't ang kapal ng mukha ng !@#$@/& babaeng yon! Hindi kami basura na pakalat-kalat sa daan! Inggit lang siya dahil marami kang totoong kaibigan! Eh siya? Marami nga, plastik naman! Katulad niya!
Wag lumapit kasi pakalat-kalat mga kaibigan mo? !@#$/^& niya. Baka ang ibig sabihin niya, "Jomin wag kang masyadong lumapit sa akin kasi konti nalang baka agawin kita kay Ira" GANON!
Ang sarap niyang sabunutan! Gigil niya si ako!Natawa nalang ako sa sobrang pagka-beastmode niya. Nakakatuwa rin dahil yung mga kaibigan ko, mas galit pa sa akin kapag galit ako.
Pero balik tayo sa chatbox natin.
Joshua Minierva:
Sabi niya eh.
Luhh nagtatampo siya sa bestfriend niyaWTF? HINDI NAMAN SIGURO MASAMANG MAGMURA NGAYON 'DI BA?! Siya? Bestfriend ko?! Heol!
Maghunos-dili ka. Marunong akong pumili ng kakaibiganin ko. Oo nga't naging kaibigan ko rin siya. Noon yun. Hindi na ngayon dahil hindi ko matiis ang ugali niya.
Pagkatapos ng ginawa niya sa festival NAMIN, hindi na siya magiging anghel sa paningin ko.
~~~~
"Oy babae."
"Ano nanaman?"
"Samahan mo 'ko sa taas."
Umiling-iling ako pagkatapos iyon sabihin ni Ivory. Recess na kasi ngayon.
"Ano bang dina-drama-drama mo diyan? Pinagbibigyan na nga kitang makita mo 'yung Jomin mo eh! May ipapasa lang ako sa Faculty."
"Ayoko nga sabi." Isinubsob ko ang mukha ko sa desk ng armchair ko.
"Oh! Anong problema mo, Ira?" Narinig kong sabi ni Anne.
"Pilitin mo nga 'tong babaeng 'to. Magpapasama lang ako sa taas eh."