MDB 14

57 2 3
                                    

MDB 14

A/n: Ira and Joshua at the multimedia above! ^^
Imagine-in niyo nalang po na yan ang itsura nila sa araw ng kanilang kasal. Hihi. Wieee~ kilig iz me. ♥♥♥

~~~~

"Oy, Diego! Bitawan niyo 'ko!" Sabi mo sa estudyang nasa Marriage Booth rin habang hawak-hawak ka nila. Ang ingay ng paligid. May mga tumitili sa kilig, pinagsasabihan ka na wag umangal, mga tawa ng mga nakahawak sayo, at ang pagmamakaawa mo.

Habang ako, nakaupo lang at nakatingin sayo, sa inyo.

Hindi ako makangiti. Imbes na kilig ang nararamdaman ko, naiiyak ako. Hindi porket ikakasal ka sa akin, hindi porket gusto kita, matutuwa na ako. Paano ko magagawang matuwa at kiligin kung ikakasal nga ako sayo, hindi mo naman gusto. Paano ako matutuwa kung ang groom ko, ayaw sa akin? Sana hindi nalang 'to ginawa ng mga kaklase ko. Kung malalagot ka lang naman sa Aira mo.

Ang hirap kasing tingnan na pilit na kumakawala ang groom mo kasi ayaw niya sayo. Napapakagat nalang ako sa labi ko at tumitingin sa taas. Para hindi tumulo ang luha ko. Sobrang lakas ng heartbeat ko, hindi na ako makahinga ng maayos.

Gusto ko nang umuwi sa bahay at magpahinga. Ayoko na dito. Pero huli na, ipinwesto ka nila sa kanan ko. Hindi ko makita ng maayos ang mukha mo dahil sa belo ko. Pero nakikita ko pang nagmamakaawa ka. Hindi kana hinahawakan pero nakabantay pa rin sa iyo ang mga lalaki.

"Valdez! Ikaw ang pumalit rito!" Sigaw mo sa lalaking papalapit sa Marriage Booth. Kilala ko 'yun, crush ni Xyra.

Gusto ko na talagang umuwi! Nakakapagod na na ipagtabuyan ka at ipamigay sa iba. Pwede bang mahimatay nalang ako ngayon para hindi na 'to matuloy? Nakakaleche.

"Hindi pwede! Maam Jessie, simulan mo na po!" Sigaw ni Xyra. Sisimulan na sana nang biglang dumaan si Maam Cielo. Tinawag siya at binigyang daan para makalapit sa atin.

"Maam! Yung estudyante mo!" Sabi ni Maam Jessie nang nakangiti.

"Ikaw Minierva ah! Hindi mo 'to sinasabi sakin!" Panunukso ni maam.

"Maam! Wala naman po akong kinalaman dito eh! Sila may pakana nito!" Ngumiti nalang si maam sa sinabi mo at naglabas ng phone.

"Minierva, lapit ka kay Palsario!" Kahit labag sa loob mo, lumapit ka pa rin.

"Palsario! Ngumiti ka naman!" Pananaway ni Maam Jessie na nagpipicture na rin ngayon. Pano kasi, nakasimangot ako at walang reaksyon. Nagpapadyak-padyak pa ng paa. Feeling ko tuloy, wala akong respeto.

Paalis na si Maam Cielo nang dumating naman si Maam Bea, ang striktong Math teacher namin. Pati rin ata sa inyo. Kung sa klase sobrang strict niya, ngayon hindi ko na makita yun. Pinicturan din niya tayo.

"Ira, smile!"

"Oo nga! Ikaw lang ang pinapasayang hindi masaya!" Sabi ni Maam Jessie. Kung alam lang nila..

"Bakit ba kayo nakasimangot?"

"Eh maam kasi! Sino bang may pakana nito?" Tanong mo. Hindi naman galit ang tono ng boses mo pero nandoon pa rin ang inis at pagmamakaawa na naiiyak.

"Ah, ikaw Niña!"

"Oh? Anong ako? Wala akong alam diyan!" Pagsagot ni Niña nung tinuro mo siya.

Umalis na sina Maam Bea kaya si Maam Jessie nalang ang nandito. Binuksan niya ang lapel niya at nagsalita.

"So, sisimulan na natin ang seremonya."

Ayoko na..

Eto na. Ayoko na talaga.. sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Aatakihin ata ako.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now