MDB 31
*KRIIIING*
"Agh!" Pinatay ko ang alarm sa cellphone ko at pumikit ulit. 5am ako nagpa-alarm. 5:30 nalang ako gigising tutal sanay naman akong ma-late.
At isa pa, wala namang mahalagang mangyayari nga-- shems! Sabay nga pala tayong papasok!
Bumangon ako agad at naghilamos. Pagkatapos kumain ay naligo at nag-ayos. 5:50 na ako natapos kaya naman dali-dali na akong lumabas ng gate. Hindi na ako nagpaalam kay mama dahil tulog pa siya.
"Oh? Bakit parang nagmamadali ka?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Niña!
"Kasi.. kasi ano.." sabi ko habang hinihingal at mabilis na naglalakad. Sinabi ko sa kanya na mamaya na ako mage-explain pagdatong namin sa shop.
Pagkarating namin, wala ka pa.
"So ano na?"
"Ah oo nga. Ano kasi.. sabay kami ni Jomin ngayon.."
"WHAT?!" Anong what? T^T
"Eh bakit mo ako hinila?" Galit ang mukha niya. Oh goodness. Masyado ko na sigurong tine-take advantage ang kabaitan sa akin ni Niña. Sumusobra na ata ako.
"S-sorry. Kasi ano.." nahihiya pa kasi ako.
"Magsasabay pala kayo pero hinila-hila mo ako at pinagmadali." Huhu. Sorry na..
"Sorry talaga. Alam mo naman 'di bang--"
"Alam mo namang ayokong sinisira ang moment niyo, 'di ba? Sana hinayaan mo akong mag-isa para naman makapag-solo kayo."
Akala ko naman.. ang bait niya talaga.
"Hindi ka galit?"
"Sino may sabing galit ako? Gusto ko lang masanay ka na makasama mo siya nang hindi ka nahihiya. Hindi habang buhay eh mao-awkward ka sa kanya, Irs." Tumango nalang ako. Kunsabagay, tama naman siya.
"So anong usapan niyo?"
"5:50 dito sa shop. Kaso wala pa siya."
"Tsk tsk. 'Yung Jomin mo talaga. Akala ko ba hindi kana niya paghihintayin? Magsi-six na oh!"
Shems. Paano na 'yan? Baka madamay pa si Niña sa pagka-late ko.
"Five minutes pa Nins. Okay lang ba?"
"Sure. Hindi naman regular class eh."
Silip ako nang silip hanggang sa dumating kana. Buti naman.
"Good morning." Shems. Totoo ba 'to?
Nginitian lang kita at nagsimula na tayong maglakad. Nilingon ko naman si Niña sa likod. Busy siyang kiligin sa binabasa niya sa Wattpad pero nang mapansin nigang nakatingin ako sa kanga, tinanguan niya lang ako na parang sinasabi niya na 'wag ko nalang siyang pansinin.
Napangiti ako. Kahit kailan talaga, napaka-understanding niya. Kaya siya nasasaktan, eh.
"Sorry pala. Na-late ako ng gising."
"Ayos lang. Ako rin naman eh."
Ayos lang, kasama naman na kita ngayon eh.
"Ilan nalang e-exam-in niyo?" Tanong mo.
"Tatlo pa ata. Pero sabi ni sir, bukas nalang daw 'yung isa. Tapos puro clearance signing na." Sagot ko. Ang sarap pala sa feeling noh? Morning greeting plus sabay tayong naglalakad with matching cold weather.
Feeling ko tuloy, bida ako sa isang Kdrama.
"Ikaw Ira, ah!" Pang-aasar sa akin nila Theo na umagang-umaga eh umiinom ng juice na tinitinda sa labas. Tinarayan ko lang siya habang ikaw, pinagtatanggol ako. Este, tinuturuan siya ng leksyon. Haha.