MDB 7

114 5 2
                                    

MDB 7

A/n: Choi Sulli as Ricka Elize Romero

~~~~

"Guys! Mag-ayos-ayos na kayo ng sarili niyo. Mamaya-maya, may class picture tayo." Pag-aannounce ni Xyra na siyang secretary namin.

"Sir, pang-ilan po tayo?" Tanong ni Ricka.

"Pangalawa. Pagkatapos ng section Diamond. Padaanin niyo si Ira ng maayos, ah? Para makita niya yung crush niya." Sabi ni sir na dahilan ng paghiyaw nilang lahat. Mamaya-maya pa ay pumila na kami sa labas.

Find your height daw kaya naman nagtalo pa kami ni Maicey kung sino ang nasa likod dahil parehas lang kami ng height. Pero in the end, ako rin ang napunta sa likod niya dahil itinuro niya ikaw habang kinukuhanan pa kayo ng picture. Sayang. Gusto kitang makita pero ang labo ng mata ko. Ilang minuto lang ay natapos na agad ang class picture niyo. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay paanong nangyaring magkasunod ang first and last section?

Uwian, as usual magkakasama kaming apat. Pero kasama rin namin ang kaklase naming si Micah. Hays. Makikita pa kaya kita?

"Ira! Ira! Si Minierva oh!" Sigaw ni Micah ng pagkalakas-lakas!

"Ano ba?! Wag kang maingay, pwede?! Naman eh!" Sigaw ko rin sa kanya habang nakayuko. Kaya pala nung nadaanan naming yung mga kotseng nakapark, andoon yung mga kaibigan mo pero wala ka. Sumisilip pa ako kung sino-sinong mga nandoon pero wala akong nakitang matangkad, singkit, at laging naka-jacket na sinamahan pa ng color Red na water jug. Tapos andito ka lang pala nakatayong mag-isa sa building ng mga SpEd (Special Child) class malapit sa exit. Nakatingin lang ako sa ibang direksyon habang papalapit kami nang papalapit.

"Tulad mo na may Totoy Batoooo~" Kanta ni Ivory ng pagkalakas-lakas.

"Ay. Mukhang may inaabangan siya, Ira." Sabi ni Cassandra.

"Oo nga. Baka si Ira! Ayieeeee!" Pang-aasar ni Micah.

"Ang baho! Pabango ni IRA! Ira! Ira! Ira!" In-emphasize pa talaga ni Ricka ang pangalan ko nung ilang hakbang nalang kami malapit sayo. Buti nalang, maraming estudyanteng nakaharang. Nang makalabas na kami, nakasunod pala sa amin yung mga kaklase naming pasimuno ng Totoy Bato na yan. Tinatawag nila ako tapos isisigaw yung pangalan mo. Waaaaah! Nakakainis, kinikilig ako!

~~~~

Magpapasa kami ngayon ng project kasama si Niña. Tapos na ako pero hinabol namin ang project namin sa school. Habang papunta kami doon, nakasabay namin ang kaklase naming si Drake. Magpapasa rin daw siya.

Pagka-akyat na pagka-akyat namin sa Faculty Room, pumila kami sa harap ng teacher namin na pagpapasahan naming project para isa-isang ma-icheck ang output namin.Habang hindi pa 'yung akin ang gine-grade-an, bigla nalang nagsalita ang Filipino teacher namin.

"Maam Cielo, kilala mo ba itong si Palsario?" Tanong ni maam sa adviser niyo. Agad kong tinawag si Maam na may nakaka-awang mukha dahil alam kong sasabihin niyang gusto kita sa adviser niyo! Pano ba naman kasi si Ivory, ipagkalat ba naman!

"May gusto siya sa estudyante mo, maam." Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"Ay! Muntikan ko ng makalimutan, buti nalang pinaalala ni Maam Jessie." Singit naman ni Maam Nancy. Waaaaaah! Patay na!

"Ano ba 'yun, maam?" Tanong ni Maam Cielo habang may ginagawang hindi ko alam sa ewan ko.

"Mamaya maam, ichichika ko sayo."

"Patay ka Ira! Hahahaha!" Pang-aasar ni Drake na sinabayan naman ni Niña. Waaaaah!

"Lagot, Palsario. Kakalat na 'yan sa buong school!" Pambibiro ni maam.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now