MDB 29

51 0 0
                                    

MDB 29

Sasamahan ko si mama ngayon na hanapin 'yung kapatid ko sa computer shops. Kasama niya kasi 'yung tita naming baguhan lang dito.

Kaya naman tuwang-tuwa ako. Online ka kasi kaya paniguradong nasa shop ka.

Kaso kagabi, hindi kita nakausap. Nakakainis kasi 'yung data! Ayaw niyang gumana. Puro emergency calls only ang nakasulat. Hindi tuloy kita nakachat.

Pero pagkagising ko kanina, agad akong nag-online. Buti nalang, hindi na nagloko 'yung data. Pero naiyak nalang ako sa mga nabasa kong chat mo.

'Good evening Ira ko :)'

'Kumain kana ba?'

'Sorry kung ngayon lang ako nag-online. May practice kasi'

'Kain ka ng marami ah?'

'Sige po uuwi na ako'

'Mag-iingat ako tulad ng lagi mong sinasabi sa akin'

'Goodnight and sweetdreams♥'

Tumulo nalang bigla 'yung luha galing sa pasaway kong mata. Sabi ni Cass, wala naman daw nakakaiyak sa mga sinabi mo. Pero ewan ko ba, parang ang sakit basahin na nagme-message ka na walang nagre-reply sayo.

"Tingnan mo nga sa shop na yun. Baka andiyan sila," sabi sa akin ni mama. Tinuro niya yung shop kung saan hindi ka madalas doon magpunta. Yung malapit sa bahay nila Chris.

Sakto namang pagkapasok ko, nakita kita. So doon kana pala nagco-computer?

Nakaupo ka habang may isang lalaking nakajacket sa likod mo, nakatayo. Nang hindi ko makita 'yung kapatid ko, agad akong naglakad palabas ng shop. Kinalabit kasi kita. At hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip ng kasama mo nung nakita niyang kinalabit kita. Haha!

~~~~

Ira Venice Palsario:

Jomin. May naramdaman ka bang kumalabit sayo kanina?

Message ko sayo pagkauwi ko sa bahay.

Joshua Minierva:

Opo. Ikaw yun? *laugh emoticon*

Ira Venice Palsario:

Oo. Nakita pa nga ako nung kasama mo eh.

Joshua Minierva:

Si Fafa Timo
Sabi na nga ba ikaw yun. Kitang-kita kita sa screen haha

Fafa? Hahahahaha!

Ira Venice Palsario:

Weh?

Joshua Minierva:

Oo. Ang cute mo talagang tingnan kapag nakasuot ng glasses

Ira Venice Palsario:

Sabi nga nila mukha daw akong lola eh!

Kaya naging apo ko si Drake. -__-

Joshua Minierva:

Hindi ah. Ang cute mo namang lola.
Anong gawa ng Ira ko?

Ira Venice Palsario:

Kausap yung Jomin niya.

Ira ko pala ah.

Joshua Minierva:

Yieee kinikilig ako haha
*inlove emoticon*

Bakla. -___- Pero mas kinikilig ako. Psh.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now