MDB 8

98 5 2
                                    

MDB 8

A/n: Kim Ji-won as Ivory Gray Silvan

~~~~

Wednesday. Isang araw na ang nagdaan pero hindi pa rin nawawala ang kilig ko. Nakakalungkot lang dahil hindi kita nakita kahapon. Pagkatapos talaga ng saglit na kasiyahan, may kapalit agad itong kalungkutan. Pero ayos lang. Dahil kung marunong kang maghintay, mas malaki pa ang kalalabasan ng hinihintay mo kaysa sa iyong inaasahan. Okay, tama na nga.

So, kasalukuyan akong nag-aayos ng mga test papers namin nang tawagin ako at Cassandra ni Sir.

"Pakikuha nga ng test papers sa MAPEH ng section Faraday at Einstein," napatingin agad sa akin si Cassandra. Einstein daw, waaaaah! Pagkatapos kaming utusan ni sir, pumunta muna kami sa Faraday which is nasa second floor.

Binigay naman sa amin ang pinapakuha sa amin ng class president nilang si Pannie (short for Stephannie) na lumalaban rin bilang pambato ng batch natin sa mga school contests na girl crush din ni Ricka. Pagkatapos nun ay dahan-dahan na akong umakyat sa third floor. Habang naglalakad kami sa corridor, nagtatago ako sa gilid ni Cass kaso kita pa rin ako dahil mas matangkad ako sa kanya.

Kinausap namin ang dyosang adviser-in-law ko, este, adviser niyo pala na si Maam Cielo. Naging teacher siya sa History subject namin noon pero pinalitan na ang schedule. So ayun, sinalubong kami ng ngiti ni maam. Jusme! Ang bait-bait ni maam pero sobrang strict pagdating sa lessons, school works, at lahat ng may tungkol sa school.

Nasa faculty si maam kaya hindi na namin kailangang pumasok sa classroom niyo. Pagkabigay ni maam ng test papers, huminto saglit si Cass habang hawak ang test papers niyo.

"HUY! Sabi ko 'di ba, ako hahawak sa Einstein?"

"Saglit lang! Akala mo naman mawawala 'to eh. Tss." Sabi niya at may binigay sa aking test paper. Napangiti ako ng malawak dahil test paper mo iyon. Niyaya ko na siyang bumalik sa room.

"Tingnan mo, yan lang naman talaga ang habol mo eh. Tss," pagbalik namin ay pinaayos sa amin ni sir lahat ng test papers mula mataas hanggang mababang score sa section namin pati Faraday at Einstein. Shemay! Mas mataas ka ng dalawang score sa akin. Bilib na talaga ako sa talino mo. Sa section niyo, 19th ka sa may pinakamataas na score over 49. Pag pinagsama naman yung tatlong section, pang-25th ka samantalang ako, 41st over 163. Galing 'no? Ako na talaga.

~~~~

Sasamahan ko ngayon si Anne para magpasa ng mga papel sa faculty. As usual, dumaan kami sa way kung saan madadaanan namin ang classroom niyo. Nakita kong sumigaw si Maam Cielo, galit na galit. Patay. Ano kayang nangyari?

Pagkapasok ko palang ng classroom, may chika nanaman sa akin si Anne.

"Ira, sabi nung kapitbahay kong taga-Diamond, ang sakit daw ng paa ni Totoy!" Masakit? Baka yun yung sinasabi ni Mike sa akin kahapon. Nakita ka daw kasi niya, nadapa ka daw. Psh.

"Bakit?" Pero hindi ako naniwala sa Mike na yun, loko-loko eh.

"'Di ba kahapon, galit na galit si maam? Pina-split daw silang lahat."

"Grabe! Paano nagawa ni ano yun? Tsaka ba't ba galit si maam?"

"Eh pano! Ang ingay ingay nila. Pasimuno pa yung Totoy mo."

"Ilang beses na daw silang winarningan ni maam pero wala pa rin. Ililipat nga daw yung iba sa ibang section eh."

"Hala, 'di nga? Ang hirap naman nun." Hindi makapaniwalang tanong ko. Patapos na rin kasi ang school year, saka pa sila ililipat?

Mag-uuwian na. May isinusulat pa ako sa notebook ko nang biglang magsigawan sina Bella at Xyra. Nakatingin sila sa akin habang may hawak na papel. Shemay! Hindi kaya '
yun yung papel na ginamit ko sa pag-FLAMES ng pangalan natin?! Sa pagkakatanda ko, tinapon ko naman 'yun eh!

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now