MDB 9

23 1 0
                                    

MDB 9

"Ay sayang! Sayang na pag-ibig. Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig, kung ikaw rin lang siyang sisisid. Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig."

Maganda na sana ang pag-arte ko kaso bigla akong napangiti nang idabog ko ang kamay ko sa sahig. Malakas yon kaya masakit, napa-'woah' yung mga nanonood kaya napangiti ako. Ugh, ang bilis ko madistract. Pangit na tuloy.

Mabuti nalang at itinuloy ni Ryan kaya sumeryoso na ulit ako, "Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol, tama si Nardo. Ang karagata’y simula lang ng kuwento. Mula ngayon Nardo, sa bahay pumanhik at doon mo ihibik ang iyong pag-ibig."

Umiling-iling si Josiah at nagkibit ng balikat tulad ng nakasulat sa script na para sa role niya, si Pepito.

"Mabuhay si Ingkong Terong!"

"Mabuhay!"

"Mabuhay ang karagatan, aliwang pilipino!"

Nagpalakpakan ang mga nagsilbing taga-nood sa larong iyon pati na rin ang iba naming kaklase. Sa wakas at natapos rin ang kahihiyan! Niligpit na namin ang props para sa susunod pang magpeperform. Pinaglaruan pa nila yung kabaong namin pati yung manika na kunwaring namatay. Nako, pag yan naging si Annabelle lagot kayo. Charot.

Ang ganda lang sa paningin yung mga suot namin ngayon, akala mo galing kami sa unang panahon. Mga babaeng naka-baro't saya, mga lalaking nakabarong o di kaya'y nakasuot ng plain na white tshirt at may panyo sa leeg. Narealize ko lang na ang ganda pa rin pala ng dating kasuotan ng mga pilipino, hehe.

Pagkatapos ng play ay nagsibalikan na kami sa classroom, nasa labas kasi kami dahil masikip sa room. Feel na feel ko yung suot ko ngayon pero nakaramdam ako ng hiya nang magsilabasan naman yung mga taga-ibang section kasi recess na din. Paano kung makita mo ako? Paano kung matawa ka sa itsura ko ngayon?

"Grabe, ang ganda ni Aira kaninang umaga 'no? Bakit pala kayo magkasama kanina, Min?" Napahawak ako nang mahigpit sa tabo na pinaglagyan ng tubig at singsing kanina. Kilala ko ang boses na yon, kay Daryl. Pero anong sabi niya? Magkasama kayong dalawa kanina ni Aira?

Dali-dali akong pumasok sa room. Narinig ko pang tinawag ako ni Cass pero hindi ko na siya pinansin. Ang bigat lang sa pakiramdam. Ilang buwan na ang nakalipas, bakit siya pa rin?

Pinakalma ko ang sarili at nagmadaling kumain dahil kaunting oras nalang ay darating na si maam. Huling subo ko na ng kanin nang saktong dumating siya ngunit may kasama itong isa pang teacher.

Wait.. siya iyong nagpunta dati para maghanap ng journalists!

"Palsario, kasama ka ba sa journalism?" Tanong ni Maam Joy. "Opo maam," agad ko naman itong sinagot. Ano kayang meron? Medyo matagal-tagal na rin simula nung nagpunta yung teacher dito. Pinatawag ako nito, sabi daw ay magt-training kami. Nabuhayan naman ako ng dugo kasi sa wakas, mae-excuse ako sa klase!

"Ang duga naman, dapat pala sumali rin ako." Ani Joana. Nagpout pa siya, kala mo cute. Charot.

"'Di ka qualified don kaya wag kana umasa. Tinatamad ka lang makinig eh," si CJ. Kontrabida talaga 'to eh. Pinalo siya ni Joana sa tingting niyang braso kaya napa-aray ito.

"Totoo naman ah? Ang saya kaya ng Math."

"Che, porket matalino ka." Natawa nalang ako sa bangayan nila at nagpaalam na. Kahit bad mood ako, feeling ko swerte itong araw na 'to.

Sumama ako kay maam at napansing may iilang students na pumapasok sa bawat classroom para ipatawag din siguro yung ibang kasali. Nakita kong magkasama si Gary at Ricka. Wow, makakasama ko kaya sila?

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now