MDB 32

53 0 0
                                    

MDB 32

Gash! Asan kana ba? May usapan tayo.. 3:30 tayo magkikita dahil sabay tayong pupunta ng school para magpractice ng DLC.

Kaso wala ka pa sa meeting place natin. Teka, balik muna kaya ako sa bahay? Kukunin ko lang 'yung tumbler ko.

Tumingin ako ulit sa street niyo at sakto namang palapit kana sa'kin. Ay, buti naman.

"Sorry late."

"Ayos lang," kahit hindi. Pero andito kana naman eh.

"Kumain kana?" Tanong mo habang naglalakad tayo

"Oo naman, ako pa." Kailan ba ako nagpalipas ng gutom?

"Alam mo na ba 'yung chords?" 'Yun lang.

"Hindi pa eh. Wala pang nagturo sa'kin."

"Ganun? Pero may tiwala ako saya. Kaya mo 'yan!" Pagc-cheer mo sa akin saka ngumiti. Jusko! 'Wag ka namang ganyan, oh.

Napangiti nalang din tuloy ako.

Pagkarating natin sa school, wala pa palang tumutugtog. Well, 4pm pa naman magsisimula 'yung practice eh.

"Saglit lang ah," nagpaalam ka sa'kin tapos lumapit ka doon sa lalaking nakaupo. Drummer rin ata.

Nakatayo lang ako habang naghihintay sayo. May pinag-uusapan kayo tungkol sa darating na competition nang mapatingin siya sa akin.

"Sino siya? Pinsan mo?" Ouch. Grabe ha! Magkamukha ba tayo?! Psh. Nakakainis! Pero sa pagkakaalam ko, si Valdez 'to. 'Yung crush dati ni Xyra.

"Punta muna ako sa classroom." Sabi ko sayo atsaka umalis. Hindi ko na narinig 'yung sagot mo sa kanya. Kaso nacu-curious rin ako kung anong isasagot mo.

Pumasok na ako sa room namin at nag-ayos ng mga upuan. Naghahanda kasi kami para sa Closing Party. Buti nalang, hindi naka-lock 'yung pinto namin.

Nalulungkot rin ako kasi matatapos na ang school year. Mami-miss ko 'yung mga kaklase kong kahit pasaway, nagka-kaisa naman kami pagdating sa mga bagay na ibang section ang kalaban namin. Pati na rin 'yung mga loko-lokong boys na isisigaw 'yung pangalan ko, tatawagin ako kapag nakita ka nilang dumaan sa corridor. 'Yung tipong magk-kwento sila sa akin, magre-report agad kapag nakita ka nila sa kung saan.

Tsaka ang ikinatatakot ko, saang section ako mapupunta? Paano kung wala akong kakilala sa section na 'yun? Tsaka.. umaasa rin akong mapunta sa section one. Hays.

"Ang sipag naman." Napalingon ako sa nagsalita. Ikaw pala.

"Ah, hindi kasi ako makakatulong sa mga mag-aayos ng room bukas kasi may practice tayo. Kaya naglinis nalang ako ng konti."

"Hmm.. saan ka dito nakaupo?" Sa upuan.

"Dito sa harap. Pero iniba na kasi 'yung arrangement ng chairs." Kasi nga para sa Closing Party.

"Sino-sinong may top sa inyo?"

"Sa pagkakatanda ko, ten kami eh. First si Ricka, second si Cassandra. Third si Xyra at Maicey. Sa section pa rin pala siya namin kahit lumipat siya sa inyo. Psh. Fourth si Gary, fifth ako--"

"Ang galing mo talaga." Sabi mo sabay ngiti. Nako, sinabi mo pa!

"Syempre. Haha. So, sixth si Ivory, seventh si Bella, pang-eight si Niña, ninth si Drake, at tenth si Mike."

"Alam na alam mo, ah." Itinutok ko 'yung wall fan sayo at umupo ako sa tabi mo.

"Lahat kasi sila kaibigan ko eh." Sila 'yung mga pinakaclose kong kaibigan sa section namin, at kami-kami rin ang may honor.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now