MDB 5

68 2 1
                                    

MDB 5

Maaga akong nagising ngayon dahil sa practice namin para sa roleplaying. Seven ako nagising dahil eight am ang practice namin. Tinulungan ko muna si mama sa paghanda ng almusal. Syempre naman kahit tatamad-tamad ako, kikilos pa rin ako para sa pagkain.

Hanggang sa malapit na mag-eight, nagpaalam na ako kay mama para pumunta kanila Cass. Magkikita-kita daw kaming lahat sa court pero sa kanila muna ako didiretso kasi wala naman akong ibang kasabay kundi siya lang. Nasa ibang grupo kasi si Nins kaya ayun.

Actually, hindi talaga ako sanay na gumising nang maaga para lang sa practice. Last year kasi 'di ba, maaga ang pasok namin kaya tuwing hapon kami nakakapagpractice and such.

Nagmadali na ako sa paglalakad dahil baka hindi ko na maabutan doon si Cass. Kaso pagdating ko sa bahay nila, pinapasok ako ng mommy niya dahil naliligo palang daw siya. Gaaah, akala ko late na ako!

"Aga mo ah!" Malakas kong sabi sa kanya na nasa loob ng CR. Hindi niya kasi maririnig yung sinasabi ko kung mukha lang akong nakikipag-usap sa pader nila dito.

"Maaga pa naman talaga. Mamayang eight pa sana ako gigising kaso binuhusan ako ng tubig ng nanay ko, ugh!" inis niyang sabi kaya natawa naman ako. Buti nalang hindi nagagawa sa'kin yun ni mama, kundi baka nasipa ko na siya kasi ayoko talagang ginigising ako. Kailangan ko munang tapusin yung panaginip ko bago ako bumangon.

"Oy, unang-unang practice natin magpapa-late ka?"

"I have my palusot naman 'no. Sasabihin ko na napuyat ako kakaisip sa kung anong gagawin natin kaya late ako nagising. Subukan lang nilang magreklamo, ipapalamon ko sa kanila lahat ng sabon na nakikita ko sa loob ng CR na 'to," nako, umagang-umaga eh ang brutal niya. Sa totoo lang sa kanya talaga ako nagmana eh.

"Hindi yan. Wala naman tayong kagrupong maitim at malaki ang mata."

"What do you mean?" Lumabas na siya sa CR nila na nakabathrobe. "Si Camille. Sino pa ba?" sagot ko naman.

"Oh, sorry hindi ko alam. She's such a waste of time lang kasi."

"Hahaha! Don't be so harsh. Siguro kanina pa niya nakakagat yung dila niya."

"Kung makagat niya man yung dila niya dahil kanina pa natin siya pinag-uusapan, sana magkasugat-sugat na para hindi na siya makapagsalita. Napaka-arte ng boses, akala mo maganda."

"Maganda naman siya ah? Pero mas maganda nga lang ako," pagmamayabang ko kaya bigla siyang napatigil sa pagtu-toothbrush.

"Eeek! Nalunok ko ata yung toothpaste!"

"Agree kasi siya sa sinabi ko."

"Hindi, hindi niya matanggap yung kasinungalingan mo."

"Ewan ko sayo. Bilisan mo na nga!"

Pagkatapos niyang gawin ang lahat-lahat, nagpaalam na rin kami sa mommy niya dahil pupunta na kami sa court. I wonder kung kumpleto na ba sila doon.

Nang makarating kami, medyo marami na nga sila. Hindi ko lang alam kung kumpleto na ba kasi hindi ko naman kilala kung sino-sinong mga kagrupo ko except kay Cass at Sai. Haha!

Lumapit kami sa kanila at nagsalita na si Cass. "So guys, saang bahay tayo?"

"Sa amin sana kaso mainit," tugon ni Sai.

"Kela Felicity?"

"A-ah, sa'min? Sige tara," pagyayaya niya sa amin kaya sumunod naman kami. Matangkad din si Felicity, hindi ko nga lang alam kung sinong mas matangkad sa amin. Hehe. At sa tingin ko, mabait naman siya. Tahimik lang siya pero alam kong magugustuhan ko ang ugali niya.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now