MDB 23
'Aira Glenn Park accepted your friend request.'
Sa pagkakaalam ko, matagal ko na siyang inadd. Ngayon niya lang ba nakita?
Saktong online siya kaya pinindot ko ang pangalan niya sa chat para sana kausapin siya. Pero.. anong sasabihin ko?
Hays. Bahala na.
Ira Venice Palsario:
Hi ^^
Sineen niya lang ito at maya-maya, nagreply siya ng kamay na nagha-hi na emoticon. Ah, basta. Hindi ko alam ang tawag dun.
Sineen ko lang din ito at agad na chinat si Chris.
Ira Venice Palsario:
TABAAA! Marunong ba magtype si Aira?
Christopher Bandola:
Bakit?
Ira Venice Palsario:
Nagchat kasi ako. Puro emojis lang nirereply sakin.
Christopher Bandola:
Ewan ko dun sa babaeng yun
Hanggang ngayon pa rin pala, galit pa rin siya kay Aira. Ibang klaseng bestfriend.
Ira Venice Palsario:
Diba.. ikaw yung gusto ni Minierva?
Nginangatngat ko ang kuko ko dahil hindi ko alam kung tama bang kausapin siya at tanungin ng ganyan.
Aira Glenn Park:
99.9%
SERIOUSLY?! Kainis 'to ha. Una sa lahat, emojis lang sinesend niya kanina. Pangalawa, sobrang iksi niya magchat. Pangatlo, MASYADONG MATAAS ANG LEVEL OF CONFIDENCE NIYA!!!
Gigil niya si ako!
Ira Venice Palsario:
Ikaw ba yung ginawa siyang panakip-butas?
Gash. Forgive me for asking things like this.
Aira Glenn Park:
99.9%!
Hindi Ko Naman Siya Ginawang Panakip-butas Eh. Siya Lang Tong Iniisip Na Ganun Siya. *laugh emoticon*Pang-apat, NAKAKADULING 'YUNG WAY NIYA SA PAGCHA-CHAT! Ang sakit sa mata. Hindi ba siya marunong mag un-caps lock ng keyboard? Hindi niya ba alam ang tamang pag-gamit ng capital letter? Na ginagamit lang ang capital letters sa unang letra ng unang word sa isang sentence? At ginagamit lang din 'yun sa mga proper nouns?!
Ira Venice Palsario:
Bakit naman niya iisipin yun kung wala kang sinabing ganun sa kanya?
Aira Glenn Park:
Ewan Ko Sa Kanya. Kung Ano-anong Pinag-iisip niya. May Sinabi Lang Naman Ako Sa Kanya Na Slightly Nakakasakit Sa Puso Tapos Ayun. *laugh emoticon*