MDB 1

65 3 0
                                    

MDB 1

"Alis na 'ko ma. Bye!" Isinara ko na ang pinto at bumaba. Naabutan ko sa labas ng bahay namin sina Xyra, Cass, Niña, Mike, Drake, Bella, at Ivory. Ang dami namin 'no?

Sabay-sabay kasi kaming papasok ngayon. Hiwa-hiwalay na kami kaya if ever na walang kasama yung isa, sasamahan namin hanggang sa labas ng classroom nila.

"Guys, ako lang mag-isa sa section four. Huhu!" Ani Niña. Actually, hindi lang naman siya mag-isa. Since hindi naman sila gaanong magkaibigan ni Theo na sa section four din, feeling niya napag-iwanan siya.

"Okay lang yan! May makikilala ka rin doon."

"Oo nga. Buti nalang talaga marami kaming magkakasama," sabi naman ni Mike. Sa section three siya napunta at ang mga kasama niya ay sina Bella, Drake, Jason, at Queen.

"Hindi man lang ako sinama ni sir sa inyo!"

"Grabe ka Ate Xyra. Nandito pa naman ako eh," sabi naman ni Ivory. Dalawa lang silang napunta sa section two.

"Oo na. Pero gusto ko din sa Diamond para kasama sila Cass."

"Kinakabahan nga ako eh, baka bumaba ako dahil nilagay ako dun ni sir."

"Baka matabunan lang kayo dun, swear!"

"Trueee. Okay na ako sa section two eh."

"Lipat ka kaya sa'min? Tapos sama mo si Ira. Hihi!"

Huh?

"Ay nako, wala nanaman siya sa sarili niya. Iwanan mo nalang siya dun sa Diamond kasama si Gary at Jomin niya!"

"Bakit ako iiwan? Sinong aalis?" Napa-sapo silang lahat sa noo nila pagkasabi ko nun. Ano bang ginawa ko?

Pero, kabado rin kasi ako na pumasok. Ewan. Siguro kasi nandoon ka? Or natatakot akong mawala sa top? Grabe, hindi pa nga ako tumutungtong sa school, top na agad naisip ko.

Pero kahit papaano, medyo excited rin ako na makakilala ng mga bagong kaibigan. Excited rin akong makita ka. Last time na nagkita tayo ay nung dress rehearsal niyo pa ata nun. Napangiti ako sa naalala ko.

Pagkatapos ng mga isinambit kong salita ay nilibre mo ulit ako ng ice cream doon sa binilhan natin dati. Feeling ko talaga grabe na yung luho ko!

At oo nga pala! Nae-excite rin akong i-congratulate ka in personal. I mean, kayo. Nanalo kasi kayo sa laban at take note, 5th win niyo na yun at ang kalaban niyo ay 32 schools inside the country! Sobrang nakakaproud lang. Nagbunga lahat ng hirap at pagod niyo.

Nung pinanood ko yung video ng performance niyo, grabe. Super perfect! Ang sarap pakinggan at panoorin. Sana kasama ako doon..

Hays. Eto nanaman ako.

Naisip ko kasi, paano kaya kung tumuloy ako? Whole day kayo doon sa Cavite. Nakasama sana kita sa bus. Nakasama sana kitang kumain. Nakasama sana kita nang matagal. Nakasabay sana ako sa pagtugtog niyo. Napanood ko din sana ang performance niyo na kasama ako.

As a celebration, nagswimming kayo. Edi syempre buong araw din kitang hindi nakausap nun. Good thing, I have eyes everywhere. Nireport sa akin nina Januynuy at Sai halos lahat ata ng ginawa mo. Hindi ko nga alam kung nag-enjoy ba sila sa outing nila o magdamag lang silang nakabantay sayo. Ultimo ilang pagkain ang nakain mo, bilang nila!

Balik tayo sa kasalukuyan.. sama-sama kaming umakyat sa third floor since pare-parehas kaming nilagay sa matataas na sections. Hindi kami agad pumasok ni Cass sa room ng Diamond kasi halos lahat ata doon eh galing Einstein! Sobrang kabado pa kami, kaya sinamahan muna namin yung iba.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now