MDB 6
A/n: Moon Ji-in as Klexyra Santos
~~~~
Free time namin kaya naman nasa labas ng classroom sina Xyra. Lagi silang nakatambay sa may malapit sa hagdanan.
Nagbubura ako ng mga nakasulat sa blackboard nang maghiyawan sila sa labas at nakisabay naman ang mga nasa loob.
Alam ko na yan, dumaan ka sa harap nila. Hinila ako ni Bella palabas ng classroom pero agad akong kumawala sa kanya. Kaya pala, tama ako. Bumaba ka sa hagdanan tapos dumaan ka ulit para magpunta sa CR.
Nakita kita sa bintana ng classroom namin. Paano ko nalaman ikaw yun? Simple lang. Kasi matangkad, payat at may jacket. Isama mo pa yung hairstyle mo. Tapos ay dumaan ka ulit para umakyat naman sa hagdan. Naiinis ako sa mga pang-aasar ng mga kaklase ko but at the same time, uhmm.. kinikilig? Oo. Ata. Ewan. Siguro. Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti kapag inaasar ka nila sa akin o kaya kapag nakikita kita.
Nag-debate sina Xyra, Cassandra at Gary. Sobrang intense ng laban pero yung mga pinagsasabi ni Xyra, tagos sa puso ko. Hindi sa kasu-kasuan.
"'Di ba nga kasi, may kasabihang 'Actions speak louder than words.' Anong mapapala mo sa puro salita lang pero wala namang ginagawang patunay?!" Galit na sabi niya. Ewan ko pero parang gusto kong umiyak. Naalala ko yung mga chat mong may heart emoticon. Naalala ko '
yun. Yung mga times na sobra akong umasa. Pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin, nagtakip ako ng panyo sa mukha. Ang hirap pala ng ganito. Yung gusto mong humagulgol sa iyak pero hindi mo pwedeng gawin dahil wala kang karapatan at isa pa, nagmumukha kang OA."Iraaaa~ anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Maicey.
"Umiiyak yan?" Tanong naman ni Xyra.
"Ewan ko ba sa babaeng yan! Ang daming kadramahan sa buhay! Parang ewan lang eh!" Galit na galit na sigaw ni Ivory na seatmate ko. Inis na inis talaga yan sa akin. Bukod kasi sa kadramahan ko, slow daw ako at parang taga-bundok, walang alam sa mundo.
"'Wag ka nang umiyak, Ira~"
"Hindi ako umiiyak! Hahahaha! Ano ba kayo, inaantok lang ako 'no." Sabi ko habang nakatakip pa rin ng panyo ang mukha ko. Para hindi halatang umiyak ako. Maya-maya ay tumahan na rin ako. May pake ka kaya sa nararamdaman ko?
~~~~
Recess na kaya naman nagsilabasan na ang mga estudyante. Pero kami nina Anne at Niña, nasa loob pa ng classroom. May activity kasi kami na hindi namin matapos-tapos ni Anne tapos eto namang si Niña, pinapakopya sa amin ang sagot niya para masamahan na namin siyang pumunta ng canteen. Ipapasa muna namin sa faculty ang gawa namin.
Nang matapos kami, umakyat kaming tatlo sa 3rd floor, pinasa na namin ang activity sheet namin kaso kailangan daw palang kasama ang output. So lumabas kami ng Faculty Room at wala man lang akong nakitang Joshua Minierva. Kaya naman etong mga 'supportive friends' ko, nagpasyang daanan namin ang classroom niyo. Pasimple akong sumilip sa bintana ng classroom niyo, sakto namang nakatalikod ka. Pero alam mo ba kung bakit ko nalamang ikaw yun? Dahil bukod sa tinuro ka ni Niña, naka-jacket ka nanaman.
Mabuti nalang at palagi kang nagsusuot ng jacket para naman makilala ko agad kung sino ka. Ang sipag mo. Nagwawalis ka sa classroom niyo. Dahil siguro cleaner ka ngayon o nag-volunteer ka lang na maglinis. Pero kahit ano pa yan, basta masipag ka! Mag-isa ka lang ding nagwawalis. Karamihan kasi sa mga kaklase kong lalaki, saka lang kikilos pag inutusan. Pag kumilos naman, galit pa. Kaya ayun. Mas lalo tuloy akong nagkakagusto sa iyo.
Bumaba na kami para kunin ang output namin at sumabay naman sa amin si Maicey. Pagka-akyat na pagka-akyat palang namin ay saktong tumambad agad sa akin ang pagmumukha mo. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya. Pagka-akyat kasi namin ay nagtatapon ka ng dumi galing sa dustpan sa trash can na malapit sa hagdanan na inakyatan namin. Nagkatinginan tayo ng ilang segundo pero agad akong umiwas nang magsalita si Maicey.