MDB 4
A/n: Lee Yubi as Maicey Daisy Hernandez
~~~~
December 24, 2016. 10:00PM
Christmas Eve na. Naghahanda na sila mama. May mga nagvi-videoke, nag-iinuman, tapos may lumalamon na agad. Ako naman ay nasa kwarto lang. Hawak hawak ang cellphone at nanonood ng 7 First Kisses. Tinapos ko ito ng isang oras kahit na sobrang nasaktan ako sa paglapit ng kissable lips ng Kim Jongin a.k.a Kai mylabidabs sa labi ng bidang si Soo-jin. Ang sakit sa puso!
Mag-a-alas dose na nang mag-open ako sa Facebook. Nang sumaktong 12:00am na, isa isa ko nang chinat ang mga kaibigan at relatives ko. Napatingin ako sa mga naka-online. At isa ka doon. Mababaliw ata ako sa pagtatalo ng isip 1 at isip 2 ko!
Isip 1:
IRA! Batiin mo na siya, Christmas naman eh! Walang malisya 'yun, ano ka ba.Isip 2:
WAG! Hindi pwedeng ikaw ang unang babati sa kanya! Babae ka, Ira! Babae! Maging ma-pride ka naman kahit minsan!Bago pa sumabog ang utak ko sa pag-aaway ng dalawa, biglang may nagchat sa akin. Muntikan ko ng maibagsak ang hawak hawak kong cellphone dahil sa nagchat. Dahil sa chinat.
Joshua Minierva:
Merry Christmas! ♥♥♥
Mapupunit na ata ang labi ko sa sobrang lawak ng pag-ngiti ko. Kalmado pa naman ako, 'di ba?
Dahil ginagawa kong diary ang Facebook ko kahit hindi naman dapat ay nag-post ako ng kung ano-ano tungkol sa nangyayari sa'kin ngayon.
Ira Venice Palsario:
Merry Christmas din po!
Nag-reply ako sayo bago ko makita ang comment mo sa post ko.
□ Ira Venice Palsario
ASDFGHJKL!
1 like, 1 comment.
Joshua Minierva:
Hahahaha!
Replies:
Ira Venice Palsario:
Bakit? Ano pong nakakatawa?
Joshua Minierva:
Christmas na. Wag ka nang mainis.
Ira Venice Palsario:
Okay, bukas nalang ako maiinis.
NAMAN EH! Kahit nakikipagbarahan ako sayo, hindi ko pa rin mapigilang ngumiti. Nakakainis ka!
Joshua Minierva:
Kumusta??
Ayan ka nanaman sa kumusta mo! Parang nung kailan lang, kinamusta mo rin ako. Ganyan ka ba talaga kapag may namimiss? Dejoke. -____-
Ira Venice Palsario:
Hindi po okay.
Paano ba ako magiging okay kapag ikaw ang kachat ko? Pag nakikita pa nga lang kita, hirap na kong huminga, pag kausap pa kaya?
Joshua Minierva:
Hahaha! Bakit naman?♥
AGH! Tigil-tigilan mo ko sa kakasend mo ng heart emoji! Masyado kang paasa! Pero, ano nga bang sasabihin ko kung bakit hindi ako okay? Hindi naman siguro masamang magsinungaling sa ganitong oras 'di ba?