MDB 5

124 8 4
                                    

MDB 5

A/n: f(x)'s Krystal Jung as Cassandra Gaile Torres

~~~~

January 1, 2017.

Unang araw ng bagong taon, naiimbyerna ako. Online ka naman pero hindi mo pa ako nire-reply-an.

Nagpunta ako sa timeline mo at nakita ko namang may post ka doon. Happy New Year tapos may mga naka-tag?

Tapos ako, hindi mo binati? Ang duga mo naman! Alam mo bang hinihintay kong batiin mo ako tulad noong Pasko? Online ka pero hindi mo ako kinakausap. Haha! Sabi ko na nga ba eh, kinakausap mo lang ako kapag malungkot ka. Naglalaro ka siguro ngayon ng computer games mo noh? Tapos masaya ka. Kaya mo ako nakalimutan. Tama ba?

Pero teka, sino nga ba ako para magalit sayo? Hindi mo naman ako kaano-ano 'di ba? Naiinis na nga ako, sumasabay pa ang mga posts ng jeje kong mga kaklase.

h!nDi k4 ny4 tn3txt? dI k4 nm4n kZ mh4l nun!

Wg mnang hntaying mgreply sya. Hndi k mhalaga kya wg kng umasa.

Cnu k pra mgalit sknya????? Ndi ka nya kaanu anu kya wg kng pillinggerra!!!!!!!

Ang sakit sa mata 'di ba? Kaya pinili ko nalang na mag-offline at matulog. Matutulog ako para sa bayan.

Pasukan na. Hindi naman kita makikita 'di ba? Sana.

Habang wala akong ginagawa sa klase kundi ang tumunganga at kagatin ang dulo ng ballpen ko, nag-isip nalang ako ng mga pwede kong gawin para makalimutan kong gusto kita. Oo, parang ways to move-on. Pero ang corny nun eh at isa pa, wala akong dapat ipagmove-on.

7 ways to forget YOU, JM:

1. Paggising pa lang sa umaga, hindi na kita iisipin. Magfofocus nalang ako sa pagkain.

2. Kapag nasa school, hindi na pupunta sa Faculty Room at hindi na magpapautos sa mga teachers.

3. Hindi magiging bukambibig.

4. Hindi magbabanggit ng kahit anong tungkol sayo lalo na dito sa school dahil mas lalo akong aasarin ng mga kaklase ko.

5. Hindi porket nakita kitang online, pupunta na agad ako ng Computer shop para lang tingnan kung naglalaro ka ng baril-barilan doon.

6. Tiising hindi ka kausapin at hindi na dadalaw sa timeline mo.

7. And lastly, mags-stay nalang ako palagi sa loob ng classroom unless kailangang lumabas. Kapag laging nasa loob, mas malaki ang chance na hindi kita makita.

Tinigil ko ang pagsusulat nang dumating ang teacher namin.

Sana magawa ko lahat ng sinulat ko. Fighting! ^^

~~~~

Cleaners sina Cassandra ngayon kaya hinintay ko sila. Nang matapos sila, sinamahan ko na rin siyang pumunta ng Faculty dahil may ipapasa siya. Paniguradong wala kana doon sa classroom niyo dahil maaga kang umuuwi para pumunta sa Computer shop at maglaro ng baril-barilan.

Pero nang nasa hagdanan na kami, ang dami pa palang mga estudyanteng pababa pa lang! Nakahawak lang tuloy ako sa bag ni Cassandra para hindi ako maiwan.

"Hoy Ira!" Narinig kong may tumawag sa 'kin. Sino ba yun at ang lakas ng loob na hoy-hoyin ako?!

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko siya, ikaw. Naka-jacket ka kahit na ang init-init. Pababa ka na ng hagdan habang kami, paakyat palang. Alam kong ikaw yun. Yung buhok mo, yung jacket mo, yung bag mo at yung water jug mong kulay Pula na lagi mong dala.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now