MDB 12
A/n: EXO's Kim Jongin (Kai) as Mikael Tuazon
Waaaaah! Ang sakit-sakit sa puso na si Kaimylabidabs ang napili kong portrayer ng loko-lokong si Mike. Pero para sa ekonomiya, siya nalang. Huhu. Patawarin mo 'ko beybeh. <\3
~~~~
Monday, pina-pila ulit kami papunta sa covered court. May announcement daw kasi si Mr. Principal. Pagkapasok namin, nag-ala giraffe nanaman ako. Nakakainis! Hindi kita makita!
Ang layo-layo ng pwesto niyo sa amin. Ang tahimik ko tuloy. May club week pala para sa mga high schools. Simula February 13 hanggang 17. Ang daming booths! Pero gusto ko lang talaga yung Marriage Booth sa Filipino Club, kanila Maam Jessie.
Wala lang. Gusto kong ma-ikasal bago matapos ang school year. Haha. Yun lang ang in-announce tapos tinawag isa-isa ang mga section sa stage para sa picture taking.
Agh! Natawag na kami pero hindi pa rin kita nakita.Pinabalik na agad kami sa classroom. Kainis. Hindi kita makikita ngayong araw na 'to?
"Wait lang guys! May aabangan ako," nakangiting sabi sa amin ni Cass nung papasok na sana kami sa loob ng classroom. Kasama namin si Mike, Anne, At Ivory. Aabangan niya yung crush niyang si Jamlois ng Section Sapphire.
"Ay, ako din. May aabangan." Bulong ko sa sarili ko. Naghintay kami sa labas. Nakita na ni Cass si Jamlois, nagtitili-tili na siya't lahat-lahat, wala pa rin akong nakikitang Jomin.
"Uy, Einstein na!" sigaw ni Anne. Oo nga! Nakita ko na si Chris. Pakonti-konti na ang mga estudyante saka kita nakita.
Bakit ba palagi kang nasa hulihan?
Inaasar ako nina Cass habang dumadaan ka, umiiwas lang ako ng tingin.
"Totoy!" Tawag sayo ni Mike. Hala. Anong gagawin nito?! Lumapit siya sayo, buti nalang at ikaw nalang ang tanging nasa hagdanan.
"Uy Totoy."
"Oh, bakit? Alam kong may binabalak ka nanamang masama." Sabi mo at ngumiti. Libreng-libre akong tingnan ka dahil nakatingin ka kay Mike.
Malabo nga lang ang paningin ko. Nakatingin lang kami sa inyo na nag-uusap. Nacu-curious tuloy ako. Tumigil kayo sa pag-uusap. Paakyat kana sana ng hagdan nang hilain ni Mike ang jacket mo. Ang naging resulta tuloy, muntikan kanang matisod.
Yung kanang paa mo, nakapatong sa hagdan habang ang isa naman ay nakababa. Nagsitawanan tuloy kaming lahat. Halos mapaupo na ako sa sahig kakatawa.
Tapos umakyat kana. Ang saya. Nagawa kong tumawa sa harap mo na para bang close tayo.Hinawakan ko ang balikat ni Mike at niyugyog-yugyog siya habang nagpapasalamat.
Nagpapasalamat ako dahil kinasap ka niya. Edi nakita kita. Narinig ko pa ang boses mo.Pagbalik namin sa classroom, sinalubong ako ni Xyra.
"Oy, nakita mo na yun?" sabi niya tsaka tinuro ang mga folder na nakalagay sa desk ng adviser namin.
"Section Einstein," agad akong lumapit doon. Hinanap ko ang folder mo. Nang mahanap ko na, halos matawa ako sa drawing mo. Ang cute kaso nga lang, ang dugyot. Hindi mo man lang binura ng maayos yung maling drawing mo, shinade-an mo lang ng ballpen. Tsk tsk.
Ang ganda ng sulat mo pagdating sa pangalan mo pero pag hindi mo pangalan, parang minurder. Naturn-off ba ako? Hindi. Atleast nagpasa ka ng project, ginawa mo yung best mo. Binitawan ko na ang folder mo bago pa ako mahuli ng adviser namin.
~~~~
Tuesday, Valentine's Day. Humihiling ako na sana may magbigay sa akin ng kahit ano. Pero syempre, imposibleng mangyari yun. Kaya ako ang namimigay ngayon. May kasabihan nga tayo 'di ba na, "The more you give, the more you receive."