MDB 26
"Psst."
"Andito na ako."
Ohshewt. Pagsitsit palang, alam kong ikaw na 'yan.
Bakit ngayon ka lang?! Nakakakainis ka!
"Andito na pala, Ira eh. Maiwan ko na kayo." Akmang lalakad na si Niña palayo nang pigilan ko siya.
"Ano pang ginagawa mo? Hinihintay ka niya oh!"
"'Di ba sabi mo, sasamahan mo ako?" Naiiyak na ako habang nakakapit ng mahigpit sa braso niya.
Naman eh!
"Aigoo. Siga na nga!"
Nagsimula na tayong maglakad papuntang canteen. Sinasabayan ko siya sa paglalakad pero siya naman itong lumalayo sa akin kaya magkatabi at magkasabay na tayong naglalakad ngayon.
Ilang hangin na ang nasinghot ko at isang balde na ng laway ang nalunok ko. Aatakihin na ata ako sa puso. Magkasama tayo. Makalapit. Magkasabay sa paglalakad. Sino bang taong makakahinga ng maayos kapag nasa ganitong sitwasyon siya kasama ang taong gusto niya?!
"Sorry kung natagalan. Hindi kasi kami pinalabas agad eh." Oh gash. 'Di ko na kaya. Tama nga si Niña, hindi kayo pinapalabas agad-agad.
Teka, anong sasabihin ko? Kainis ka? 'Di ba sabi mo hindi mo na ako paghihintayin? 'Wag mo nalang ako ilibre? 'Di tayo bati?
Agh. Ano ba!
"A-ayos lang.." mahina kong tugon pero alam kong sapat lang 'yun para marinig mo.
Diretso lang ang tingin ko sa daan papuntang canteen habang kinukurot ang kaliwang kamay ko. Gustuhin ko mang ngumatngat ng kuko dahil sa kaba, hindi ko magawa dahil nandiyan ka.
Papasok na tayo ng canteen ng maalala ko 'yung sinabi sa akin ni Niña kanina bago pa mag-recess..
"Sa tingin mo? Anong mangyayari mamaya?" Tanong ko.
"For sure, tatanungin ka niya kung anong gusto mong bilhin niya sa'yo."
"Eh kahit ano naman, gusto ko. Basta siya ang pumili."
"Hindi papayag 'yun! Kukulitin ka niya hanggang sa ikaw mismo magsabi kung anong gusto mo."
Totoo rin kaya 'yung sinabi niya?
Nasa counter na tayo nang pumunta ako sa likod mo at mahigpit na humawak sa kamay ni Niña.
"Oh? 'Wag kang kabahan. Hindi ka naman ini-interview ni Bang PD nim eh. Kalma!" Bulong niya.
"Tulungan mo 'ko! Hindi ko kayang magsalita. Umuurong 'yung dila ko kapag kinakausap niya ako." Natataranta kong sabi.
Pagkakuha mo ng binili mo, humarap kana sa amin at inabot ang hawak-hawak mo.Isang Loaded at tatlong candy. Tatlo? Seryoso?! I. L-- este, hate. You?
Bumuka ang bibig mo na nagpapahiwatig na kunin ko na ang binili mo. Sabi ni Niña, papapiliin mo raw ako? Nagkamali siya ng hula! Hahaha!
Tiningnan ko 'yung hawak mo at saka kinuha ito.
"Thank.. y-you!" Nahihiya kong sabi. Yumuko ako ng bahagya matapos kong makita na nginitian mo ako. Shems! Ngiti! As in smile!
Kainin na sana ako ng semento dahil sa kahihiyan! Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Baka nga gulo-gulo pa ang buhok ko, eh!
Lumabas kana ng canteen at sumunod naman kami ni Niña. Mabagal lang ang lakad natin nang maalala kong may ibibigay pa pala ako sa'yo.