MDB 10

81 3 0
                                    

MDB 10

Meron kaming practice ngayon para sa festival na project namin. Maskara Festival, tapos kapartner ko si Gary.

Iniisip ko kung paano kaya kung kaklase kita? Tapos kapartner pa kita dito? Makakapagsayaw pa kaya ako ng maayos? Makahinga pa kaya ako every milisecond?

Aiiiiish! Kung ano-anong pinag-iisip ko kaya hindi ako makapag-focus sa partner kong mas malambot pa sa akin.

Nakakainis. Estudyante rin kayo ng teacher namin dito kaya siguro may project rin kayong ganito. Pero saan kayo nagp-practice? Section Faraday at Flemming lang ang kasabayan namin dito sa tennis court mag-practice.

Apat na araw na rin na hindi kita nakikita.

Naaalala mo pa kaya ako? Hindi na kita nakakausap. Nakakamiss yung noon.

~~~~

Papunta kami ngayon ni Cass sa Faculty dahil may ibibigay sa T.L.E teacher namin. Nasa 2nd floor na kami. Aakyat na sana ako sa hagdan nang bigla kitang nakita. Black and violet. Color ng jacket mo.

Paakyat ako while ikaw naman ay pababa. Napatigil ako sa pagmamadaling umakyat nang makita kita. Pero 'di nagtagal ay hinawakan ko na ang kamay ni Cass para sabihin umakyat na kami.

Nagkakasalubong na tayo. Ilang inches nalang ang pagitan natin. Nakaakyat na kami pero ikaw, hindi pa bumababa. Nakahinto ka lang sa hagdan. Sinilip kita habang hindi ka pa nakaharap sa direksyon ko.

Inayos mo pala ang sintas ng rubber shoes mo kaya ka tumigil. Hmpf. Kung ako sayo, ipasok mo nalang sa loob ng shoes mo yung sintas para hindi na matanggal yung pagkakatali. Yun yung ginagawa ko eh. Late kasi ako palaging pumasok kaya ayun, tinatamad na akong mag-tali ng sintas.

"Tapos kana bang sumulyap?" Tanong ni Cass sa akin na atat na atat ng pumunta sa Faculty.

"Saglit lang, hindi pa siya bumaba..ba." napatigil ako sa pagsasalita nang tumingala ka pagkatapos ay bumaba na. N-nakita mo ako! Nakita mo akong tinitingnan ka! Nakakahiya. Ang desperada kong tingnan.

Niyaya ko na si Cass na magpunta sa Faculty. Na-ibigay na namin ang dapat ibigay. Babalik na sana kami sa classroom nang may sabihin sa amin si Maam Jessie.

Pina-announce niya lang ang activity na gagawin namin mamaya para naman makapag-ready kami. Habang kausap namin si maam, napalingon ako sa kanan ko kung saan dumaan ka.

Sinundan kita ng tingin hanggang sa makapasok ka sa classroom niyo.

"Naintindihan mo ba, Palsario?" Tanong ni maam na may kasamang nakakalokong ngiti. Hay, eto talagang si maam.

Babalik na kami sa classroom namin at heto nanaman kami ni Cass. Nagtatalo sa kung saang hagdanan ba kami bababa. Sabi ko kasi, doon sa dinaanan namin kanina which is malawak para naman makadaan ako sa classroom niyo. Hindi nagtagal, bigla kang lumabas sa room niyo na may dala-dalang tray.

Naglalakad ka papunta ata sa hagdan na dinaanan natin kanina. Nagmakaawa na ako kay Cass na sundan ka namin kaya pumayag na rin naman siya.

Nasa likod mo lang kami, pinagpa-pantasyahan ka. Joke. Tinitingnan ko kasi ang paglakad mo. Kung mahinhin ba o feeling gangster. Pero yung sayo? Okay naman. Simple lang.

"Ang payat niya!" Sabi ni Cass na totoo naman.

"Oo nga eh. Jusme! Eh mukhang mas may curve pa siya kaysa sa akin! Pwede na siyang magkaroon ng Coca-Cola Body." Pagsang-ayon ko. Bilib ako sa curve ng katawan mo! Pwedeng pang-model kaso hindi ka nga lang ganoon kaputi.

Nakarating na kami ng 2nd floor nang may pinapahanap na teacher sa amin. Kaya naman kami, sumilip-silip sa bawat room. Nakikita pa rin kita. Actually, ikaw nga ang sinisilip ko imbes na yung teacher na pinapahanap sa amin. Hoho.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now