MDB 18
Ira Venice Palsario:
Oy.
Chinat kita. Gusto kong itanong kung anong dahilan mo kaya mo ginawa yung kanina. Para naman hindi ako mabaliw kakaisip dahil lang doon.
Joshua Minierva:
Bakit?
Ira Venice Palsario:
'Yung kanina. Bakit mo ginawa yun?
Joshua Minierva:
Wala gusto ko lang
Oh goodness, what a good answer! Lahat ng bagay, may dahilan. Tapos sasabihin mo sa'king gusto mo lang?! Sheesh.
Nagtanong rin ako sa mga Facebook friends ko kung anong kadalasang dahilan kung bakit ipinapatong ng mga lalaki ang kamay nila sa ulo ng babae at ginugulo ang buhok nito.
Nung tinanong ko si Mike, ang sabi niya..
'Baka may nagawa kang maganda nay. Tapos na-proud siya sayo.'
'Pwede 'ring gusto niya lang, trip niya lang.'
Argh. Nakakabaliw. Tinanong ko naman yung dati kong kaklase na playboy rin. Actually, mas malala pa siya kaysa kay Mike. Eh ilang babae na ang nahalikan nun eh!
Ang sagot niya?
'Para sakin kasi, pag ginagawa ko yun sa babae tinuturing ko siyang kapatid'
'Pwede 'ring pang-asar sa babae tapos guguluhin yung naka-ayos na buhok haha'
'Pero madalas ginagawa ko yun sa mga babaeng nilalandi ko lang'
Napakatino, right?
Tinanong niya pa kung bakit ko tinatanong at kung sinong gumawa sa'kin nun. Pero syempre, hindi ko sinabi yung totoo.
Sinabi ko lang na nagpapatanong lang yung kaklase kong babae. Kaya naman ang reply niya sa'kin, 'maganda ba? Pakilala mo ko'. -______-
Bigla kong naalala na pupunta pa pala ako sa bahay nila Cassandra. Nasa kanya kasi ang notebook ko. Hiniram niya dahil bukas na ang pasahan ng notes. Mabait kasi akong bata kaya kumpleto ang notes ko. Hoho.
Pagkasabi ko ng 'tao po' sa kanila ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Yung mommy niya, kilala na rin ako kaya bawat punta ko sa kanila, may libreng meryenda ako.
Nag-usap usap kami sa mga kung ano-anong bagay. Kpop, kdrama, notes, school projects, pati na rin sa.. lovelife?
Well, siya lang naman ang meron nun. Ako? Life lang, walang kasamang love. Nililigawan na nga talaga siya ni Mike. Kaya naman pala nitong mga nakaraang araw, laging dikit nang dikit 'tong si Mike sa kanya. Hinahatid pa siya pauwi.
"Eh ikaw, kumusta kayo ni Jomin mo?" Bigla akong napaubo kaya natapon 'yung kinakain kong Choco Mucho na biscuit. Mygosh! Sayang!
"Wala. Walang kami. Walang ganern."
"Wala nga ba? Eh sino ba yang kachat mo diyan, ha?"
Hiniram ko kasi ang phone niya. Nakiki-Facebook ako. Grounded kasi ako sa cellphone kaya eto, nangangapitbahay.
Kachat ko si Taba. Este, si Chris. Simula kasi nung napag-usapan namin yung siomai, Taba at Payat na ang tawagan namin.
"Wala 'to. Nagbabasa lang ako ng posts."
"Eh bakit ka ngumingiti? Patingin nga!"
Bago ko pa ma-ilayo ang cellphone niya sa kanya, hinablot niya na ito kaya naman wala na akong nagawa kaya sumimangot. Kaysa naman sa agawin ko pa sa kanya, baka mahulog pa yung cellphone. Tapos walang sasalo. Psh.