MDB 13
A/n: Kim Woobin as Christopher Bandola
Isa pa 'to eh. Hindi ko talaga matanggap. HINDI PO GANYAN KAGWAPO ANG REAL LIFE CHRIS! HAHAHAHA!
~~~~
Recess ngayon. Sumama ako kay Gary kasi pupunta raw siyang sa Faculty Room. Syempre, go ako agad. Pagka-akyat na pagka-akyat namin, nagtago ako agad sa likod ni Gary. Pero nakapasok kami sa faculty nang hindi ka nakikita.
Paglabas namin, dumaan kami sa way kung saan madadaanan ang classroom niyo. Sabi ni Gary, nakita ka daw niya. Malapit na kami sa hagdan nang sabihin niya iyon kaya napatigil ako.
"Gary?" Tawag ko sa kanya habang hila-hila ang ibaba ng polo niya.
"Yes, babe?" Napasimangot ako sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan 'to eh!
"Heh! Wag mo akong bine-babe-babe jan. Pwedeng favor?"
"Ano yun?"
"Balik tayo doon, please?" Pagmamakaawa ko with puppy eyes.
"Sige naaaa! Belated Valentine's Gift mo nalang sa akin oh!"
"Tsh. Tara na nga!" Pagyaya niya kaya napangiti ako. Wala talagang makakatiis sa akin! Hoho. Except pala sayo.
Dumaan na kami at saktong nakita kita. Buti nalang nakatalikod ka at nasa loob ng classroom!
"Nasaan si Totoy?" Tanong ni Gary sa babae sa labas, kaklase mo ata. Bago pa makasagot ang babae, hinila ko na si Gary. Pero lumingon pa siya ulit at itinuro ako. Na-gets ata nung babae ang tinutukoy ni Gary.
Walanjo talaga eh!
~~~~
Nasa covered court kami ngayon. Sinusulit ang club week. Bukas na kasi ang end, Friday. Nakatayo lang kami, pagala-gala. Pag may napagtripang laruin, hihingi sila sa akin ng limang piso pambili ng token. Asan ka kaya?
Nakatambay lang kami sa booth ng Science Club, nanonood sa mga naglalaro. Isa palang ang nakikita kong naka-jacket, hindi ko pa alam kung ikaw ba yun. Nang mapagod, umupo kami ni Niña at Queen sa stage. Tahimik lang akong nanonood sa paligid. Kailan ka kaya lilitaw sa paningin ko?
"Ira! Si Minierva!" Sigaw ni Queen.
"Ha? Nasaan?!" Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong nakita. Saka tumawa si Queen at nagsabing joke lang daw.
Shemais. Paasa! Dumating sina Xyra. Tulad ni Queen, sinabi rin nila na andito ka daw. Pero hindi nila ako niloko. Andito ka nga. Naka-gray na tshirt at nakatalikod.
Wait. Hindi ba iyan yung suot mo noong una tayong nagkita?
Nakatingin lang ako sayo hangga't nakatalikod ka pa. Nagpasama pa ako kay Micah para magtapon ng basura ko para mas makita kita. Nakabalik na ako sa stage at umupo ulit.
Buti nalang hindi ka nakaharap kundi hindi talaga kita matitingnan. Naglabas ka pa ng pera at nagpunta sa nagtitinda ng Ice Scramble kasama ang kaibigan mo.
"Libre kita?" Suhestyon ni Micah.
"Huh? Ahh.. wag na. Baka may kailangan ka pang gawin sa pera mo."
"Ayos lang. Dali na!" At dahil libre nga, pumayag naman ako. Kakakuha mo lang ng Ice Scramble mo nang ako naman ang bibili.
Mygauge! Ang lapit.. kahit nakaharang sina Theo at Ken na naging kaklase mo daw noong Grade 4, kitang-kita pa rin kita.
Shems. Wala na bang mas bibilis pa sa heartbeat ko? Bakit ba ganito nalang kalakas ang epekto mo sa akin?
Naka-upo akong mag-isa sa stage. Wala kasi akong ganang maglaro lalo na't may bisita pa ako. Wala kana rin sa paningin ko. Kaya naman pinanood ko nalang sila na magsaya.
Sina Theo, Ken, kasama ang ibang boys with Brylle and Romo (katropa ni Janrei, Patrick, Jason at Mike). Sina Bella, Xyra, Ivory at Niña. Wala yung mga pamilya-pamilyahan ko.
Bubuksan ko na sana ang bag ko para kumuha ng tubig nang tawagin at hilain ako nina Bella kaya bumaba ako at napatayo. Ano nanaman bang trip nila?
"Bakit?" Tanong ko kay Bella at Ivory. Sina Xyra kasi ewan ko kung saan nagpunta.
"'Wag kang aalis dito Ira, ha?"
"Huh? Bakit?"
"Basta! Aylabyu Ira! Mamimiss ka namin!" Sabi ni Ivory habang naglalakad na sila palayo ni Bella. Nag-flying kiss pa siya na tulad kay Jungkook. Sunod naman lumapit sa akin sina Xyra at Niña.
"Anong nangyayari sa inyo?" Mukha kasi silang may plano at hindi nanaman nila ako sinasali porket wala ako sa sarili. Psh. Sanay na ako.
"Ano kasi.." - Niña
"Ipapakasal namin si Bella kay Brylle sa Marriage Booth!" Nakangiting sabi ni Xyra.
Bigla rin akong napangiti. Paano kasi, hate na hate ni Bella si Brylle dahil bukod sa mukha nito ay nambu-bully pa ng babae.
"Hali kana!" Tawag nila sa akin at hinila nanaman ako.
Nagpumiglas muna ako dahil kukunin ko ang naiwan kong bag. Nang makuha ko na ito, hinawakan ni Xyra ang isa kong kamay at isa naman kay Niña.
Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang ito pero nakikisabay nalang ako. Gusto ko rin kasing makitang ikasal si Bella kay Brylle. Haha.
Nasa tapat kami ngayon ng Marriage Booth. Maraming mga estudyanteng tumutulong kay Maam Jessie na ayusin ito. Habang ginagawa nila ito, sinusuot sa akin ni Xyra ang belo at flower crown at pinapahawak niya sa akin ang bouquet.
"Uy, ano ba 'to!"
"'Wag kang KJ! Tinitingnan lang namin kung bagay sayo 'tong mga ito," pagkasabi nun ni Niña ay biglang naningkit ang mga mata ko.
Hindi ba dapat ay si Bella ang ginagawan nila ng ganito?
"Boys! Asan na?!" Pagtawag ni Xyra sa mga lalaki naming kaklase na nandirito at saka niya nilapitan ang mga ito.
"Okay ka lang ba, Irs?"
"Oo naman! Bakit naman magiging hindi?" Sabi ko at ngumiti. Pero ang totoo, hindi ako okay. Sino bang magiging okay kapag sa tingin mo ay may tinatago ang mga kaibigan mo sa iyo? Maya-maya pa ay tinawag na ni Xyra si Niña.
"Saan kayo pupunta? Iiwan niyo ako?"
"Ano ka ba, Irs! Hindi 'no! Hahanapin lang namin si Brylle. Maiwan ka muna diyan para kapag nakita mo na si Bella, huwag mong papakawalan."
Napatango nalang ako na parang batang napaamo. Pinanood ko silang maglakad palabas ng covered court para makapasok sa school.
Hays. Ang tagal naman ng bride. Ay mali. Dapat pala, groom ang nauuna. Kakatingin sa paligid, hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Bella.
"Maam! Okay na, andito na po. Kyaaaaah!" Pagtiti-tili ni Xyra. Bigla nalang nila akong kinaladkad at pinaupo sa upuan kung saan uupo ang bride.
"Hoy! Ano ba 'tong ginagawa niyo?!"
"Bakit ako?!" Curious kong tanong pero parang hindi naman nila ako pinapakinggan.
Sobrang ingay ng paligid dahil puro tilian. Sinuot na ni maam sa akin ang belo at pinahawak ang bulaklak. Kahit na wala akong naiintindihan sa mga nangyayari, nanatili akong nakaupo dahil ang bastos naman kung aalis ako bigla.
At isa pa, nakapalibot ang mga estudyante sa Marriage Booth. Mali pala yung sinabi ko kanina na ang tagal ng bride. Kanina pa pala kasi nag-aabang ang bride na wala man lang ka-alam-alam.
Bigla nalang nagsitabi ang mga nakapalibot na estudyante nang may lalaking kumakawala sa pagkakaladkad sa kanya ng mga lalaki atsaka tinabi sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ka nandito.. Joshua Minierva!?
~~~~