MDB 20

55 2 0
                                    

MDB 20

A/n: Payat with Taba at the multimedia above ^^

~~~~

Christopher Bandola:

PAYAT!!!!!!
PAYAAAAAT!!!!

Aba't-!! Kaka-online ko lang, nambubulabog na agad 'tong taba na 'to.

Ira Venice Palsario:

Bakit? Anong problema mo? Pumayat kana ba?

Christopher Bandola:

WALA AKONG ORAS PARA MAKIPAG-ASARAN SAYO!!
SI JOMIN MO!!!!

Ira Venice Palsario:

Oh? Anmeron?

Kung makapagchat naman 'tong isang 'to, akala mo naman emergency. Jomin nanaman eh.

Christopher Bandola:

Ginawa lang siyang panakip-butas ng Airang hayop na yun!!!

Ira Venice Palsario:

Ha? Bakit? Kelan pa?

Christopher Bandola:

Matagal na. Pero kanina lang daw sinabi sa kanya sa chat amputspa
Pinagpalit ng babaeng yon si min sa dati niyang boypren!!!

Aba'y ang kapal naman ng mukha ni Aira! Sorry not sorry pero gigil niya si ako eh! Naging tapat ka sa kanya tapos lolokohin ka lang niya?!

Hindi niya ba alam kung sinong sinayang niya? Hindi niya ba alam na hindi ka dapat niloloko? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako dahil sinaktan ka niya?

Nakakainis. Ako nga itong inaasam-asam siya. Pinapangarap siya. Tapos bibitawan lang siya ng may hawak sa kanya?

And worst, ginawa ka pa niyang rebound ha.

Ano pala 'yung mga sweet gestures niya sayo? Ano palang ibig sabihin nun? Gusto niya lang ma-fall ka sa kanya pagkatapos, iiwan kana niya?

Tsk. Hindi ko rin naman dapat pinag-iisipan ng masama si Aira. Hindi ko naman alam ang totoong nangyari.

Ira Venice Palsario:

Baka naman may malalim siyang dahilan kaya niya lang sinabi yun? Inalam niyo ba yung side niya?

Christopher Bandola:

Hindi
Pero kahit na! Sinaktan niya parin ang bespren ko!! Ako lang ang pwedeng manakit sakanya!

Sweet naman neto. Haha!

Ira Venice Palsario:

Dapat tinanong niyo muna kung anong dahilan niya.

Christopher Bandola:

Di na kailangan. Magmumukha lang maganda yung babaeng yun
Baka isipin niya pang hinahabol-habol siya ni min
!@$#/^&*()!@$$^@

Ang harsh ha. Nagmura pa. Grabe 'tong taba na 'to. Masyadong over-protective sa bestfriend niya.

Napatingin ako sa mga naka-online. Isa ka doon. Wala man lang akong natanggap na message galing sayo.

Hay, asa pa.

Nang-istalk nalang ako sa timeline mo. Nang bumungad sa akin ang recent post mo.

Joshua Minierva

Hi. Ako nga pala yung sinayang mo Hindi ko na kailangang itag ka dahil kilala mo na ang sarili mo.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now