MDB 7
"Good afternoon Amethyst!"
"Good afternoon maam!" Magalang na pagbati namin kay Maam Joy. Dalawang araw na ang nakalipas simula nung Earthquake Drill.
Kahapon lang, pinagawa kami ni maam ng essay, poster, at slogan about nutrition and good health dahil yung mapipili sa section namin, ipanglalaban sa ibang sections.
"Class, nakapili na pala ako ng ilalaban sa slogan at poster. Pero sa essay, wala pa dahil hindi ko nabasa ang mga gawa niyo kagabi."
"Wala na akong pakealam diyan, hindi naman ako mapipili hahahaha!" Saad ni Sheena.
"Oo nga, wala tayong pag-asa diyan." Si Christian naman.
"Lalo na ako! Wala akong future diyan!" Pagmamalaki ni Cass. Adik talaga 'to.
Nakinig lang ako sa kanila kasi wala naman akong sasabihin. "So napili ko sa slogan, si Mary Ann. Sa poster naman ay si Morales," hindi na ako magtataka, nakita ko ang mga gawa nila at sobrang ganda!
"Sa essay? Sinong gusto niyo?" Naghalo-halo ang mga sigawan ng klase at isinisigaw ang mga bet nilang kaklase.
"Camille! Camille! Camille!" Bakit siya? Magaling ba yun?
"Sino pa?"
"Ayraaaa!" Okay na ako sa kanya kesa dun sa isa. Matalino naman siya eh.
"Meron pa ba?"
"Ira!" Sila Russ. At bakit ako?!
"Oo nga, Ira!" Nakatayo kaming tatlo ngayon.
"Sinong gusto niyo?" Tanong ni maam. Wag ako please!
"Si Iraaaaa!" Wala na 'kong ibang pangalan na narinig kundi ang pangalan ko lang. Seryoso? Hindi ko ata kaya. English kaya yun.
"Oh Venice, sumunod ka sa'kin." nagpunta kami sa dulo ng hallway at doon ko nakita ang iba pang kasali. Umalis na si maam at naupo ako sa upuan. May dala-dala na din akong papel at panulat.
Since hindi pa naman nagsisimula, tiningnan ko yung mga makakalaban ko. Si Mav na kapatid ni Camille, si Ricka, hindi ko na kilala yung iba pero may mga namumukhaan ako, mga taga-Diamond.
Kumunot ang noo ko. Bakit lima ang panlaban sa kanila? Kasama doon si Jenna. Ang duga naman ata nun? Alam kong marami din ang magagaling sa amin pero isa lang ang napili at ako yun. Unfair. Lahat sila magkakakilala, ako lang yung tahimik dito kaya nag-isip-isip muna ako ng pwede kong idagdag sa essay na ginawa ko noon.
Later on, dumating na si Maam Nancy na siyang magbabantay daw sa amin. Twenty minutes ang ibinigay na time limit sa amin which is sobrang tagal na din. Isang essay lang naman ang gagawin namin eh. Pwede rin daw mag-tagalog but I'll use english language as long as kaya ko naman.
Nagstart na ang contest kuno. Madali lang naman para sa'kin 'to kasi nung elementary ako, lagi kaming pinage-essay sa dati kong school kaya siguro nasanay na din ako. Naalala ko dati pinagawa kami ng essay about abortion eh that time, hindi ko alam na yun pala yung pagpapalaglag ng baby. Buti nalang lab ako nung teacher namin. Hehez.
Kaso nape-pressure ako kasi kapag tinitingnan ko yung mga kalaban ko, ang bibilis nilang magsulat. Feeling ko maiiwan ako. Yung iba walang bura-bura. Yung iba sobrang haba na ng sinusulat, back to back pa tapos ako nasa introduction palang.
Pumikit ako para mag-isip. Ganito ako palagi kapag name-mental block ako. Ayoko kasi sa maingay na paligid, hindi ako nakakapag-isip nang maayos.
Nakaisip ako ng isang idea at dahil dun, nagsunod-sunod na ang mga ideas na pumapasok sa isip ko. Syempre hindi mawawala ang go, grow, and glow foods kapag sinabi mong nutrition.