MDB Special Chapter

87 4 7
                                    

MDB Special Chapter

February 16, 2018..

Masayang-masaya akong pumasok sa school kasi wala lang. Joke. Kasi isang taon na..

Isang taon na ang nakalipas simula noong ikasal tayong dalawa. Ang galing 'no? Noon eh halos mag-ala giraffe ako para lang mahagilap ka. Pero ngayon, kahit saang direksyon ako tumingin ay nakikita kita. Nakakatuwa lang isipin na 'yung lalaking pinapangarap ko lang dati, sabay na kaming nangangarap sa future namin.

Ikaw kaya? Masaya ka rin ba ngayon?

"Jomin!" Tawag ko sayo. Agad ka namang lumingon kaya tumakbo ako papalapit sayo.

Kung noon eh umuurong ang dila ko at hindi ako makatingin ng diretso sayo, hindi na ngayon. Komportable na akong kasama ka. Nadala kasi ako sa panenermon ni Cassandra sa akin noon. Sabi niya, mahal naman daw natin 'yung isa't-isa pero ang awkward natin 'pag magkasama tayo. Sa totoo lang, ako lang naman ang nagpapa-awkward. Ah basta!

"Oh, Ira ko. Mukhang masaya ka ata ngayon, ah."

"Ay, masyado bang halata? May itatanong lang sana ako sayo."

"Ano po yun?"

"May naaalala ka ba sa araw na 'to?" Ngiting-ngiti kong tanong.

"Huh? Wala naman. Bakit? Ano bang meron ngayon?" OUCH. Hindi mo naaalala? Ang sakit naman. Pwede bang umurong nalang uli 'yung dila ko?

"Anong nangyari sayo? Ang bilis naman atang magbago ng mood mo." Huh! Sino bang hindi? Kainis! Ang sarap mong ikuskos sa magaspang na pwet ng kaldero!

"Wala. Kailangan ko na palang pumasok. Bye." Dire-diretso akong pumasok sa classroom at ibinagsak ang bag ko sa upuan.

"Anyare sayo?" Tanong ni Niña.

"Wala. Natatae lang ako." Ako na talaga ang pinakamagaling sa pagpapalusot.

"May natatae bang galit?" Oo. Kapag hindi mo mailabas-labas ang dapat ilabas.

Nag-nap nalang ako. How could you?! So sa simula't sapul pala, ako lang ang tumuturing na espesyal ang araw na 'to? Sabagay, hindi pa naman kasi tayo mag-M.U noong nangyari yun. Naramdaman ko nalang bigla na may tumulong luha sa mata ko. Hanggang kailan ba ako iiyak nang dahil sayo?

Napagdaanan ko na si Maicey, Aira, at si Jillian. Pero mas masakit pala 'pag ikaw mismo ang nanakit sa'kin. Patago kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa bintana ng room.

Sa kamalas-malasang buhay ko nga naman, nakita kita sa labas na may kasamang babae. Masaya kayo at nagtatawanan.

Aba't dito talaga kayo may ganang maglandian?! Oo! Landian. May nalalaman ka pang akbay doon sa babae at kinurot mo pa 'yung pisngi niya ha? Kiniliti mo pa siya nang bahagya kaya rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang maharot niyang tawa.

Sige lang! Ipagpatuloy niyo kung gusto niyong makatikim ng sapak mula sa kamao ko. Kaya mo pala nakalimutan kasi iba na ang pinagkaka-abalahan mo.

Recess. Kasama ko si Cass at Niña. Nakita kong kausap mo nanaman 'yung babae kanina. Pinalagpas ko na 'yung pagtatawanan niyo dahil gutom na ako pero, gash! Nakita mo ako.

Tumingin ka lang sa'kin habang iniirapan kita pagkatapos ay bumalik ka sa pakikipagtawanan mo doon sa babae. Ipinatong mo pa ang kamay mo sa balikat niya at saka kayo bumaba.

Agh! Ang sarap niyong ihulog sa hagdan. Pagdating naman namin sa canteen, mas lalong uminit ang ulo ko!

Makita ko ba namang magkasama nanaman kayo?! Gusto kong magwala!

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now