MDB 1
Hays. Nagp-practice nanaman ang banda.
Naalala ko noon..
Mag-isa akong nakaupo sa upuan syempre. Lyrist ako, baguhan lang. Nagp-practice ang banda namin para sa laban next month at yung mga ibang baguhan lang tulad ko, hindi pa alam ang mga piyesa.
Lahat ng baguhan maliban sa akin ay may kausap kaya mag-isa lang ako rito.
Ang galing nga nung kaklase kong lyrist rin eh. Nakabisado niya agad yung chords. Ang galing talaga ni Maicey!
Natapos ang practice na wala akong ginawa kundi ang tumunganga. Nilapitan ako agad ni Maicey para magsabay kaming umuwi. Concert pa naman ng BTS ang araw na iyon!
"Uy, Ira. Kilala mo ba 'yung lalaking naka-cap? Ang cute niya!" Tanong ni Maicey habang kinikilig-kilig. Lokaret talaga ang babaeng 'to!
"Tanungin ko na ba yung pangalan niya?" Natatawa kong tanong. Actually, wala naman talaga akong lakas na loob para gawin yun. Pero para sa kanya.
Malayo sa amin yung 'cute guy' daw na yun at hindi ko naman makita kung cute ba talaga yun dahil malabo ang mga mata ko.
Kaya lumapit ako sayo.
Naka-gray ka na t-shirt, may nakasalpak na headset sa magkabilang tainga mo habang nagse-cellphone ka.
Ang weird doon ay nakaluhod ka sa mismong gitna ng school field na parang nagp-propose.
"Wag nalang, nakakahiya-- HUY!" Hindi ko pinansin si Maicey at lumapit na ako sayo. Magtatanong lang naman eh. Hindi ka naman siguro nangangain, hindi ba?
"Ah, kuya!?" Nilakasan ko na 'yung boses ko. Nakaheadset ka eh. Humarap ka sa akin at nakita ko ang iyong mga mata.
"Ano kasi.. kilala mo po yung naka-sumbrerong lalaki?" Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Maicey na nagtatago.
Nagulat ako nung nagsalita ka. Infairness! Hindi ka suplado!
"Si Perez yun. Bakit?"
"Crush po kasi nitong kaibigan ko. Thank youㅡ ay teka, ano pong full name niya? Grade? Section?"
"HAHAHAHA! May nagkakagusto pa pala sa kanya kahit maitim siya. Daryll. Daryll Perez. Section Einstein, kilala niya si Gary." Si Gary, yung kaklase namin ni Maicey.
"Sige po, thanks!" pagpapasalamat ko bago kami umalis ni Maicey. Namumula na yung pisngi niya. Hahaha!
Pero nagpasalamat rin siya sa akin bago siya umuwi. Mas nauuna kasi ang bahay nila kaysa sa amin.
Habang naglalakad na rin ako pauwi..
"Psst. Psssst!" Eh? Sino ba itong sumisitsit?
Naulit pa ang pagsitsit na 'yun hanggang sa may nagsabi ng snobber. Kaya lumingon na ako.
"Bakit ka nga ulit nagtanong kanina?" Oh, ikaw pala. Magkasabay pa tayong naglalakad.
"Po? Ah kasi, crush nung kasama ko kanina. Kaya 'yun. Haha!" Tumawa ako, edi tumawa ka rin. Kahit naiinis ako at gusto kitang pilosopohin dahil sinabi ko na naman kanina yung dahilan.
Naghiwalay na tayo ng daan.
Pero bakit ganoon?
Bakit.. hindi ko ma-ialis ang ngiti sa labi ko?
Nakakahiya yung ginawa ko.
Pero bakit mukhang nagpapasalamat pa ako?
~~~~
Pauwi na ako galing school kasama ang mga kaibigan kong sina Xyra, Amanda, Bella, at Niña.
Tuwang-tuwa pa ako dahil ililibre raw ako ni Amanda. Mukhang libre kasi ako.