MDB 2
Isang linggo rin ang nakalipas pagkatapos ng first day of school. Marami-rami na rin kaming nakilala, karamihan kasi ay kpop fan kaya mabilis kaming nagkasundo.
Pero may iisang babae lang talaga na kpop fan pero hindi ko pa rin alam ang pangalan at hindi ko close. Last week kasi,
"Uy, ate." Sabi nung babaeng mukha namang cute, konti lang. May katabi siyang lalaking mukhang nerd. Big eyeglasses plus braces so yeah. Nakatingin sila sa amin.
"Tawag ka oh," binulungan ko si Cass.
"Bakit?" Tanong naman niya sa dalawa. Friend magnet ata 'tong katabi ko. Lahat ng nakakakita sa kanya eh gusto siyang makilala at maging kaibigan. And me was like, "yang hitsurang yan?" Kidding. Yung mata niya kasi, parang mangangain pero kapag nakilala mo na at naging close mo pa, punong-puno ng aegyo. Este puro pa-cute. Haha.
"Anong pangalan niyo?"
"'Wag mong sabihin yung totoo." Okay, do I look like a living devil? Joke. Alam mo yung sa mga palabas na nagda-doubt yung bida, may angel at devil sa kabilang side niya. Lol.
Pero kasi, hindi rin naman kami dito mapupunta kaya ano pang sense nun? Okay, masyado akong selfish.
"Ewan ko sayo. Cassandra. Cassandra Gaile Torres."
"Eh yung katabi mo ate?" Tumingin naman silang lahat sa akin.
"Pangalan mo daw."
"Ah, ako? Ewan." Hindi ko alam kung bakit ayokong sabihin yung totoo kong pangalan as if isa akong prinsesa sa malayong lugar. It's just that, naiinis ako. Hindi kasi kita nakasabay sa pag-uwi kahapon at hindi rin kita nakita ngayon.
"Che, sungit." I just rolled my eyes at her. Wala siyang pake, iritado ako ngayon. Aish!
"Para kang ewan, si ewan ka nga talaga."
"Yeah, I know." Sagot ko at uminom ng tubig. Isa pa 'tong tubig na 'to eh! Ang pakla-pakla ng lasa dahil sa lemon!
"Matapon sana 'yang tubig mo." Sabi ulit nung babaeng yun sa katabi niyang nerd pero alam kong ako ang pinapatamaan niya. Bibitawan ko na sana yung tumbler ko nang biglang dumulas ito sa kamay ko at natapon ang tubig. Aish!
Sa palda ko natapon at thank goodness, wala naman sa sahig. Kaso nga lang punas ako nang punas sa palda ko. Masama na nga ang mood ko, pasasamain pa lalo ng babaeng yun na kanina pa tawa nang tawa. Psh, hilain ko yung dila niya eh!
"Ayan, karma hits you."
Kaya ayun. Ayoko talaga sa kanya. Psh. Maayos naman dito sa section na 'to. Maingay pero unlike sa dati kong section na may nagbabatuhan ng walis at dustpan, at may naghaharutan sa corridor.
"Akin na kasi yan baby boy!" Napalingon ako dahil sa maarteng boses ng isang babae. Psh, yung umirap daw sa akin last week, si Camille. Ang inosente ng pangalan pero maharot naman ang katauhan.
Kinuha kasi nung 'baby boy' niya yung ballpen niya kasi wala itong ballpen, siya naman 'tong feeling nasa telenovela na itataas nung lalaki yung kamay niyang may hawak na ballpen tapos aabot-abutin niya. Psh. May naalala tuloy ako.
At yung baby boy na yun, siya yung kaibigan ng napulikat. Johnrey Demeterio ang full name niya pero Demeterio ang tawag sa kanya. Bagay naman eh, mukha siyang galing sementeryo. Joke. Yung lalaking napulikat naman ay si Richard. And guess what? Gutierrez ang surname niya. Siguro lasing yung parents niya nung ipinanganak siya, hindi man lang nakita yung mukha na mukhang kuko lang ng artistang Richard Gutierrez.