MDB 38

67 1 0
                                    

MDB 38

[A/n: Thank you po RieSama for the beautiful cover! ^^♡
At the multimedia above]

~~~~

Yung section ko.. section one! SECTION ONE!!!

Hindi ko alam kung kaya ko ba doon, pero ang saya pa rin kasi kasama ko sila Cass. For sure kasama din kita.

Pagkabalik ko sa court, nagpractice na  ulit. Nakakahiya kasi medyo nagkakamali na ako, bigla pang nagpa-waterbreak saglit pagkatapos magsalita ni coach.

"Yung napili ko kanina, Ira, may sasabihin ako sayo."

Gash, anong nagawa ko?! Lahat sila nakatingin sa akin pero bumalik rin ulit sila sa ginagawa nila nang patugtugin na sila ni sir. Lumapit na ako kay coach, at umupo sa hagdan.

"Bakit po?" I tried myself not to stutter, kahit na kabado talaga ako sa loob-loob ko.

"Hm.. nakitaan kita ng potensyal kanina. Magaling ka, marunong kang sumunod.." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa susunod na sasabihin ni coach. Yung ngiti niya, hindi tulad kanina na masayang-masaya. Iba eh. Parang.. parang may lungkot na may pagka-dismaya. Ewan.

"Pero.." dito na talaga ako kinabahan nang sobra. Alam kong hindi ako matutuwa sa sasabihin niya. Alam kong masasaktan ako sa maririnig ko.

"Wag kang magagalit, wag kang maiinis." Tango lang ako nang tango sa mga sinasabi niya.

"Pero mas nakitaan ko yung isa. Hindi man siya nakakasunod sa drill, nakakasabay naman siya sa tugtog. Sorry. Hindi ko sinasadyang paasahin ka. Pero sana, wag kang magtatanim ng sama ng loob." Malungkot niyang sabi. Pero ginantihan ko lang siya ng ngiti.

"Opo."

"Pwede ka pa namang sumali pag nag-audition sa pasukan. Like what I've said earlier, magaling ka. Pero mas gagaling ka pa. Pwede ka rin manood sa kanila kapag nagpa-practice dahil welcome ka naman dito. Okay?" This time, nginitian niya na ako kaya ngumiti din ako.

"Payakap nga," nagulat ako kasi niyakap niya ako. Nanginginig pa yung kamay ko nung yayakapin ko siya pabalik. Pero naiintindihan ko siya, gusto niya lang pagaanin ang loob ko. Ang bait pala talaga niya. Kaya 'dad' ang tawag sa kanya ng lahat dito.

Pagkakalas niya sa pagkakayakap sa akin, sakto namang natapos na silang tumugtog. Umalis na si coach sa tabi ko at nag-iwan ng okay sign sa akin. Pagkasabi ni sir na break na ng mga lyrists, nagsilapitan sila sa akin pati yung mga hindi ko close. Pinalibutan nila ako at pinaulanan ng tanong.

"Anong sinabi sayo ni dad?"

"Positive? O negative?"

"Bakit ka niya niyakap?"

At kung ano-ano pang tanong. Pinatigil ko silang lahat kakatanong at tumahimik naman silang lahat. Malungkot kong kinuha ang beater na ginagamit ko at ibinigay ito kay Joy na nasa harapan ko. Yung mga tingin nila, parang sinasabi na alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Hindi ko na magagamit yan. Thank you," nginitian ko siya at binitawan ang beater.

"Bakit? 'Di ba ikaw ang napili?"

"Si Dave ang napili, siya ang kasama niyo sa laban." Tumingin ako kay Dave. Yung tingin na kino-congratulate siya. Why not 'di ba?

"Ibig sabihin hindi kana namin makakasama.."

"Ano ba kayo, pwede pa naman akong mag-audition sa pasukan 'no."

"Ate Ira, wag mong kakalimutan kaming nagturo sayo ha?" Sabi ni Rash. Yung medyo beki na batang lyrist.

My Drummer BoyWhere stories live. Discover now