MDB 8
One week na rin ang nakalipas simula nung magdrama ako about sa dlc mwehehehe. Nagmo-move on na ako ngayon at tumututok sa dapat tutukan.
"Oy nandyan na si Maam Private! Ihanda niyo na mga tenga niyo!" sigaw ni Morales na naka-abang sa pinto kaya naman nagsibalikan sila sa totoo nilang seating arrangement. Maam Private ang tawag namin dahil lagi niya kaming ipinagkukumpara sa private school na naturuan niya dati.
"Hi maam. Akin na po bag mo," ngiting-ngiting bati ng stick na si Morales at kinuha ang bag ni maam.
"Wow plastiiiiiic!"
"Magaling lang umacting, Joana." Nagsitawanan kami sa sinabi ni CJ pero syempre mahina lang. Baka kasi palipatin nanaman kami ni maam ng upuan at sabihing nasa loob ang kulo namin especially, ako. Hahaha.
Medyo nagkakasundo na din kaming tatlo. Si Joana, CJ, at ako. Nakikinig lang ako sa kanila tapos makikitawa. Si Joana mahilig magjoke, pero corny hahahaha! Si CJ naman mahilig mambara porket may ka-MU siya, sus. Bawat pagbanggit namin ng word na 'tayo', lagi siyang sisingit para lang sabihin na 'walang tayo'. Ang kukulit nila promise! Naalala ko tuloy nung kelan yun..
"Guys, guys!" Tawag sa amin ni Joana habang wala pa kaming ginagawa.
"Ano?"
"Wala akong buong tres."
"Ano ba yan, ako muna kasi!"
"Bilis sayang oras."
"Luh wala na, wag na nga lang." Kunwari nagtatampo siya pero mukha naman siyang ewan hahaha. Joke lang.
"Hayaan mo na yan si CJ. Meron ata siya ngayon eh."
"Hahaha gusto mo bilhan kita napkin? Oh, oh, biro lang haha! Eto na yung joke ko. Anong tawag sa sapatos na nangangain ng utak?" Akmang hahampasin sana siya ni CJ nang pabiro pero tinuloy niya din yung joke niya.
"Shoe-brain-eater?"
"Ano?"
"Luh, isipin mo muna Ira."
"Eh sa wala akong maisip, ba't ba."
"Siret na?"
"Bilis ang dami pang dada."
"Ang sungit ah. Edi shoembie! Hahaha!" She laughed out loud pero kaming dalawa ni CJ, natulala nalang. Parang gusto niya na manapak ng maligno habang ako, hindi ko na alam kung matatawa ba ako, maiinis, o itatakwil siya as a friend.
"Uy tumawa naman kayo! Nakakatawa kaya."
"Walang kami."
"Oh edi tumawa ka Ira at CJ. Okay na, okay na?"
"Oo. Wag ka lang magjoke okay na kamiㅡ este, siya at ako. Hahaha!"
Lagi-lagi naming binabantayan yung mga sasabihin namin lalo na kapag may 'kayo', 'kami', 'tayo', 'sila' na kasama kasi babarahin kami ng shining forehead niya.
Tahimik lang ako sa pwesto ko habang nakikinig sa kwentuhan nila CJ. Si maam naman ay lumabas na kasi MAPEH ang first period namin kaso wala kaming teacher. So, happy happy nanaman kami.
Kinuha ko yung notebook at ballpen ko, nagsulat ng kung ano-ano, naglettering, doodle. Wala akong magawa eh. Wala rin ako sa mood makipagdaldalan. Si CJ kasi kaharutan si Illao tapos si Joana nagse-cellphone.
"Amethyst, sinong walang ginagawa diyan?" Biglang sumilip si Maam Nancy para tanungin kami. Di ko nalang pinansin kasi may ginagawa ako kahit busy-busyhan lang.