Naia POV
Katatapos lang namin mag-linis ni maegan , naayos na ang mga gamit at nailagay na sa dapat paglagyan, yung mabibigat tulad ng telivision, washing machine at refrigerator ay bukas nalang may inupahan na si mama para sa tracking niyon,nag-papahinga na ako sa sofa , mabuti nalang at may sofa sa bawat apartment, hindi nga lang kagandahan pero napagtiyagaan narin, tumabi saken si maegan at itinaas ang kili kili na mamasa masa pa, nakita ko itong hinawakan pa ang kanyang kili kili at inamoy amuy ang kamay nito"Ano ba yan maegan, kababoy mo"
"Kuu, maliligo naman ako noh, bago magpunta sa kabila"
"Oh oh ako munang mauna, kabagal mo pa naman"
"Oo, na lakad na"
Sapat na siguro ang aking pahinga tutal hindi narin naman ako pawis, pumunta nalang ako sa silid ko at kumuha ng tuwalya at dali daling pumasok ng banyo, habang nasa banyo ako ay hindi ko maiwasang hindi kumanta lalo na at naiisip ko si hiro
"And we can build this dreams together, standing strong forever, nothing's gonna stop us now,
And if this of world of runs out of lovers
We'll still have each other
Nothing's gonna stop us now
Woohhh notings gonna stop .Napatigil ako ng katukin ako ni maegan, pinatay ko muna ang shower .
"What the hell maegan kapapasok ko palang amputa"
"Pakibilis natatae na ako besh, tumatalon na nga lang ako para pigilan"
"Kainis ka kuracha"
Minadali ko na ang paliligo buti nalang naka-shampoo na ako,binabad ko nalang sa conditioner ang aking buhok bago ko sinabayan ang pagsasabon, kumatok na naman ang lokaret
"Naia ano ba?!,lalo mong tinatagalan ahh"
Hindi ko na tinapos ang pag-sasabon at minadali ko na ang pagbabanlaw, sa labas na ko mag-punas ng towel, ibinalot ko nalang sa katawan ko ang tuwalya
at lumabas na.
Natatawa ako sa itsura ni maegan nakahawak ito sa butt nya tapos nakagibik na halatang nag-pipigil, dali dali tong pumasok at padabog na sinara ang pinto na aking ikinatawa .
.
.
*****Hiro POV
Inabutan ko si dylan na nag-luluto sa kusina, matapos kong maligo ay dumiretsa ako rito para tumulong, pinauna ko ng maligo si dylan para masimulan na nito ang pag-luluto, nakita kong nakapagluto na ito ng pork chop at ampalayang gulay naman ang niluluto nito, ang bago ng amoy ng ginigisang bawang ."Need help lover boy"
"Tsee, wag mo nga kong tawagin niyan, mag-saing ka nalang ako ng bahala rito"
"Yes , loverboy"
Habang pinalalambot ni dylan ang gulay na kalalagay lang ay kinuha nito ang fone nito lumapit sa speaker na dala nito at kinonect sa fone nya binuksan lang nito ang speaker at pumailanglang ang kanta ng parokya ni edgar dahil nabosesan ko si chito miranda, so my taste pala sa music tong baklitang Ito.
Nang maisalang ko ang rice cooker ay naupo nalang ako sa sofa, si dylan naman ay bumalik sa kusina at itinuloy ang pagluluto.
.
.
.****
.
.
Naia POV
Hindi ako makuntento dito sa aking silid kinuha ko ulit ang walis tambo at pinasadahan ko ulit ng walis, ng biglang pumasok si na ang sexy ng damit, aba ang hitad naka tube lang na pula at nakapek pek short ata ang tawag dun."Maegan san ang raket?!dinaig mo pa prostitute sa ayos mo".naia
"Besh, para naman mawala ang kabaklaan ni dylan, kaya pinili ko talagang suotin ito besides may blazer ako"isinuot ang blazer na itim
" bahala ka nga"
Ang akin naman ay maong short at blouse na pink"Tara na besh"
"Excited ka talaga noh"
"Syempre naman,andoon ang poreber ko"
"Ewan ko sayo"
TBC
BINABASA MO ANG
THE STRANGER'S KISS
HumorNag-simula ang lahat ng may isang stranghero ang biglang pumasok sa loob ng cottage nila Naia. Sa pag-aakalang isang masamang tao ito'y napasigaw siya ng malakas, upang mapatahimik siya ay dali-dali siyang hinalikan nito. Laking gulat niya ng pagbu...