Naia's POV
Gumising na ako ng may marinig akong boses babae na ang lakas ng boses, akala ko nung una ay si Maegan pero hindi pala dahil tulog pa ito, sinilip ko ito sa silid nya at nakita kong tulog na tulog pa ito, natatawa ako sa ayos nito dahil nakatuwad pa itong matulog, tinignan ko ang wall clock at nakita kong 3:00pm palang."Maya ko ng 4:00pm gisingin si Maegan"
Lumapit ako sa pinto para tignan kung kaninong boses ang aking naririnig na animo hitad dahil hagikgik ng hagikgik na animo kinikiliti, binuksan ko ang aking pinto at nakita ko si hiro na may kausap na babae na ewww!!mas malaki pa ang hinaharap sa akin, kung ako'y itinatago ito pwes iba itong babaitang ito, pinangangalandakan pa sa suot nitong spaghetti na kulay puti at susme!!kita pa ang cleavage,nalaglag ang panga ko ng makita kong lumapit ito kay hiro at idinikit pa ang dibdib at ang walang hiya tuwang tuwa pa sa ginagawa ng babae na idikit sa dibdib nya ang dibdib ng kurengkeng na babae.
"Hiro, gusto mo mag-dinner samen mamaya?!" Tanong nito kay hiro
Napansin ako ni hiro at kumalas sa babae.
"Ohh Hi naia, nakalipat na kayo?!" Tanong nito sa akin
Nakita kong sumimangot ang babaeng may mas malaking hinaharap, natitigan ko ito dahil kanina ay hindi ko makita ng ayos dahil naka side view,yung dibdib lang nito ang aking napansin, may itsura ang hitad, maganda ang mata nito at ang ilong nito ang tangos, mas nakapagpalutang sa mukha nito ay ang nunal sa noo nito na nasa pagitan ng kilay nito mukha itong bumbay, hindi nga lang ito kaputian, morena ito.
"Kadarating lang namin kanina ni Maegan,bukas ay start na kaming mag trabaho"
"Ahh ganun ba , by the way this is Maria, dito rin siya nakatira, doon siya sa kabilang apartment sa no. 4-4 bakante pa yung katabi ko, and Maria (sabay tingin rito)she is Shanaia"
Nakita kong ngumiti ito ng tumingin rito si hiro, pero nakairap ito sa akin, ghad,, anong problema ng babaitang ito.
"Hi Maria, nice to meet you"
Nakita kong tumaas ang isang kilay nito pero sumagot rin naman.
"Well Hi Shanaia"
Tumingin ulit ito kay hiro at may sinabi
"Ano hiro, please, samen ka mag-dinner"sabi nito sa nakakaakit na boses nito.
" Thanks Maria, but namili kanina si Dylan, sayang naman yun kung hindi mailuluto, besides kagabi lang sa inyo na kami nag-dinner"
"Sige na nga, ohh siya uwi muna ako at tapos na ata umikot yung washing machine"
Tugon nito kay hiro,bago ito tuluyang tumalikod ay inirapan ako nito at pakengdeng kendeng na dumiretso sa apartment nito."Problema nun"
"Bakit naia"
"Wala"
Sabay talikod ritoPinuntahan ko na sa silid nya si Maegan at tinulak ang pang-upo nito, nakakatuwa itong matulog nakatuwad, bumalikwas ito ng bangon at sinimangutan ako nito"
"Ano ba Shanaia, alam mong natutulog ehh, kasora ka talaga"
"Hahaha, it's 4:00pm na , gagabihin tayo, kailangan na nating mamili ng stocks ng food natin, nga pala diba 4 years old na ang littlr sister mo, kaya ka ba nahingi ng kasunod, ang astig mong matulog besh, nakatuwad talaga"
"Ehh ano sayo, sa komportable ako sa ganoong pwesto, mas mahimbing ang tulog ko kapag nakatuwad, namimiss ko na baby sister ko"
"Sus, wala pang isang araw"
"Ok fine, maligo pa ba tayo"
"Sige ligo muna tayo, bilisan mo hah"
"Ok ok, gusto mo unahan pa tayo"
Si Maegan"Abah,naghamon pa talaga"
"Ayy iisa lang pala ang banyo natin"
Sagot nito"Sabay na tayong maligo besh"
Yakag ko kay maegan."Sige ng mapadali na tayo"
TBC
BINABASA MO ANG
THE STRANGER'S KISS
HumorNag-simula ang lahat ng may isang stranghero ang biglang pumasok sa loob ng cottage nila Naia. Sa pag-aakalang isang masamang tao ito'y napasigaw siya ng malakas, upang mapatahimik siya ay dali-dali siyang hinalikan nito. Laking gulat niya ng pagbu...