CHAPTER 11

1.6K 45 2
                                    


Dahil sunday ngayon, mabait kaming lahat kaya nagsimba muna kami bago kami magpunta sa una nameng itinerary. Charot yung itinerary, isa lang naman ang destination namen. Nyahahah


Dala din ni Riri ang motor nya kaya hindi kami nahihirapang magcommute. Sa San Agustin Church kami nagsimba. 


Naisip ko kasi, tutal ako ang taya sa kung san namen dadalhin si Mika, niyaya ko na lang sila sa sikat na landmarks dito sa Manila. Besides, madaling puntahan kasi hindi ka na lalayo. 


Nung college ako, 3rd year college, nagkaron kami ng tour sa Philippine history, sabi ng prof ko dun, kung makikipagdate ka sa jowa mo, wag mong yayain sa sine, mas mainam kung dalhin mo sa places na to, very interactive na mas marami ka pang matututunan tungkol sa history ng Pilipinas. 


Pero teka ah, hindi naman date tong ginagawa namen nila Mika, more of like tinutour namen sya. Hahahaha


Intramuros. Fort Santiago. and our last stop, National Museum at National Art Museum. 


I guess, nag-enjoy si Mika ng sobra, hindi ko naman alam na mahilig sya sa Art pero saktong dun namen siya dinala kaya sobra syang nag-enjoy tho pagod talaga kasi mahaba habang lakaran. 


Mahilig ako sa art kaya nag-enjoy akong bumalik dito sa National Museum, 3rd year college pa ko since last na makapunta dito, infairness itong unexpected and unplanned na lakad nameng 4, ang masasabi ko lang is, sobrang saya talaga as in. Di kami gumastos ng ganun kalala katulad kapag sa mall at napasyal pa namen si Mika. Sa katunayan, pinuno lang naman nila ni Jessey ng pictures nila itong camera ko, ang dami nilang napagkakasunduan, isa na dun ang hilig sa pagseselfie, ang kukulit. 


Dahil pahapon na ay naisip nameng tumambay naman muna sa malapit sa luneta park, doon maraming pwedeng kainan, maraming foodtrip. 



Nagtatakbo si Jessey sa may tindahan ng tokneneng. Sumunod naman agad si Riri, tatakbo na sana si Mika pasunod sa kanila ng humanggan ako. 


"Wait" 


napalingon ito sa akin. 


"Hmm?" 


"hindi ka pwede dyan Mika diba?" sabi ko. 


"ha?" 


"Sabi ni Riri saken before, hindi ka naman daw used to kumain ng mga streetfoods" lumapit ako dito at niyaya sya sa may pinakamalapit na table kung saan malilim. Umupo ito kaya tumabi ako sa kanya. 


"Pero mukhang masarap yun" tumingin si Mika kanila Jessey na sarap na sarap ngang kumakain. 


"Di mo nga alam kung ano yan" tumawa ako. 


Tumingin ito ng masama saken ng nakalobo pa ang cheeks. Ang cute nya. "Alam ko yan! Orange balls!" para syang bata. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon