CHAPTER 7

1.6K 46 0
                                    

"Text mo ko" 


Napaangat ako ng tingin sa kanya , anong sabi nya? Itext ko sya? 


"H-ha?" 


"Itext mo ko, privilege yan, hindi ako madalas magbigay ng number sa bagong kilala, but since kaibigan na kita ayan binigyan kita ng number ko" She smiled at me. 


Napangiti na lang ako. Hindi ko alam parang kinikilig ako na ewan eh.


"Sige" ngumiti ako saka napayuko na lang. Aaminin ko, simula ng makilala ko sya ng husto yung effect nya saken di pa din nawawala. Hindi ko din alam kung bakit ganito, hindi ko maexplain basta ang alam ko lang pag kasama ko sya, hindi ako nakakaramdam ng awkwardness, parang ang light light lang ng mood nya parati, nakakahawa. Pero yung nararamdaman ko para sa kanya, unexplainable pa din. Kumbaga sa kanta, walang sagot sa tanong na lang hahaha. 


"Let's keep in touch" ngumiti sya at tumalikod saka pumasok na sa kwarto nya. 


Napako ang tingin ko sa lugar kung nasaan sya kanina, napangiti akong muli at napakamot na lang sa noo ko. Gusto kong bigyan ng kahulugan lahat ng nangyayare ngayon, pero ayokong maging malisyoso. Baka sa kanya wala naman pala, ako lang tong umaassume. 


Mahaba ang araw dahil summer, pero bitin na bitin ako. Naubos ang pwede nameng puntahan sa bora kaya naisipan nameng umuwi pero ang totoo bitin, hindi dhil sa hindi ako satisfied na kasama sya pero dahil sa sobrang saya, wala mabibitin ka na lang talaga eh. 


Marami kaming pinuntahan, food tripping, snorkeling. Di naman kami gaanong nagtry ng mga outdoor activities kasi ang gusto namen yung beach eh, marelax lang, kumbaga parehas kaming nagkasundo na wag muna sa extreme activities. Sa totoo lang naglibot libot lang kami eh, yun lang, kumain and yun nga snorkeling lang yung talagang pinangahasan nameng activity. 


More of like nagkwentuhan kami, nagtanungan tungkol sa isa't isa, random questions lang. Sa totoo nga lang, personally, mas naexcite akong may malaman tungkol sa kanya kesa sa ibang gawain. 


Nagbeach vball kami. At sobra syang naentertain, tinuruan ko sya, hindi nya daw kasi forte ang sports pero ang nakakatuwa sa kanya ang bilis nyang matututo, yun nga lang ayun pulang pula yung braso, napakaputi naman kasi. 


To sum things up, nag enjoy ako. Ngayon na lang yata ulit ako nag-enjoy ng ganito sa buhay ko. 


Bago pa man ako isipan ng kung ano nung mga taong nakakita saken habang nakangiti akong mag-isa ay naisip kong pumasok na sa kwarto at doon magdaydream. 


Bago ko iswipe yung keycard ay napatingin ako sa number ni Mika sa phone, sya mismo ang naglagay nito sa phone ko at ang cute cute nya pa kanina habang tinatago saken kung anong ginagawa nya. 


Napangiti ulit ako, hay mukha na akong tanga dito hahaha.


.... 


Nagbihis lang ako at nag-ayos ng ilan pang magamit saka ako lumabas na ng kwarto. Hindi naman na ako magpapaabot pa ng hapon dito para umabot pa ako sa trabaho ko mamayang gabi at makapagpadala na din kanila Mama. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon