CHAPTER 22

1K 30 0
                                    

Nandito ako sa Pampanga, tumutulong para sa pagpeprepare sa 7th birthday ni Josh bukas, kasama ko si Thomas at kasalukuyan silang naghahanda ng mga props para sa pagames. 

Nasa likod bahay ako at nagsisibak ng kahoy na ipanggagatong, marami kasing iluluto kaya sa uling na lang daw magluto sabi ni Auntie. 

"Ars, ok na daw ba yung ano sabi ni Ti--------" dumating si Thomas ng hindi ko napapansin "Ara" napaangat ako ng tingin sa kanya "Ok ka lang?" tanong nito

Itinigil ko ang pagtataga ng kahoy at nagpunas ng pawis gamit ang sleeves ng damit ko. Tumango na lang ako bilang sagot dito. 

"Ang sabi panggatong, hindi kusot, parang giniling na kahoy na yan sobra kang magsibak, durog na durog ah" tumawa sya. 

Napatingin naman ako sa sinibak kong kahoy, hindi ko napansin na sobra ko na palang natatadtad ang iba at hindi na ito mukhang panggatong. 

Hindi ko man lang makuhang matawa sa sinabi nito, wala pa din ako sa mood. "Ano yung sinasabi mo?" seryosong tanong ko. 

"Ars, ayos ka lang ba?" lumapit sa akin si Thomas. "Kahapon pa yan ah?" tanong nito. 

Hindi ko na sya sinagot bagkus ay iniba ko na lang ang usapan "Pasabi kay Tita Tess ok na yung pabitin" 

Tumalikod ako dito at saka ko itinapon sa tabi ng lutuan yung mga panggatong para mabilis na lang kunin nung magluluto. Kumuha ako ng isa pang set ng kahoy at inumpisahang tagain. 

Kumuha ng tubig si Thomas at iniabot sa akin "Maupo ka nga muna" iginiya ako nito sa mono bloc saka pinaupo. "Tungkol yan sa nangyare nung isang araw ano?" tanong ni Thomas

TUmingin ako sa kanya, bakit kahit hindi ko sabihin sa kanya nahuhulaan nya? 

"Sinabihan na kitang wag ituloy yung date ni Jeron at Mika eh" sabi nito saka kumuha ng mono bloc at umupo sa harap ko. 

"Hindi naman dun nahuli bro eh" sagot ko. Nagpunas ako ng pawis gamit ang damit ko. 

"Ha? Eh saan?" 

"Naalala mo nung sinabi ko sayong pinuntahan kong photoshoot? Kinuha akong photographer, si Mika ang nagpasok sa akin dun" sabi ko.

"ha? So si Mika ang nagpasok sayo sa trabaho?" takang tanong nito. Tumango ako. "Hulog talaga ng langit sayo si Mika" ngumiti ito. 

Hindi ko alam kung paano ako ngingiti, oo, hulog sya ng langit pero nagawa ko pa din to sa kanya. 

"Teka, eh ano namang kinalaman nun dun sa date nila ni Jeron?" tanong nito

Huminga ako ng malalim bago sumagot "Pagdating ni Mika dun, kinausap ko sya" pagpapatuloy ko ng kwento. "Gusto kong malaman kung bakit nya ginagawa to saken, kung ano ako sa kanya, malalaman ko na sana kaya lang dumating si Jeron" 

"Ano? Pano nalaman ni Jeron?" tanong nito

"Sinabi ko" napayuko ako. "Hindi ko naman naisip na pupunta sya" 

Napabuntong hininga si Thomas

"Nalaman ni MIka na pinsan ko si Jeron tapos nagalit sya saken" 

"Nagalit si Mika sayo?" tanong nito. 

TUmango ako. "bakit naman sya magagalit?" tanong nito. 

"Yun nga bro ang hindi ko maintindihan eh, wala naman akong ginawa bukod dun sa sinet ko sila ng date ni Jeron, ayun galit na galit sa akin at ang hindi ko pa maintindihan paulit ulit nyang sinasabi saken na gagawin ko din daw sa kanya yung ginawa ko kay Denden, kakausapin ko din daw sya na magpaligaw sya kay Jeron, bro alam mong hindi ko gagawin yun" sabi ko. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon