"As in bukas sir? Pwede na akong magsimula?" paninigurado ko, nabigla ako ng may tumawag sa akin at kinukuha akong photographer para sa gagawing shoot ng isang sikat na clothing line. Pero mas nakakabigla na hindi na nila kelangan ng kung ano anong screening para tanggapin ako. Pinakita ko lang sa kanila yung ilan kong shots tapos tinanggap na agad ako, di ko na tatanggihan to. Grabe. Blessing hindi ko inaasahan. Aish. Thank you Lord.
"Ayaw mo pa ba?" tumawang tanong nito.
"G-Gusto sir Jeff syempre" ngumiti ako, walang pagsidlan ang saya ko. Bukod sa extra income dito para sa akin, aba eh pangarap ko to. Hindi lahat ng photographers ay nagkakaron ng pagkakataon para sa ganitong klaseng event. Privilege. Privilege talaga. Sobrang blessed ko. Tama sila, kapag may pintong nagsara, may bintang magbubukas, tama ba? Hahaha pero ang astig talaga, nung nawalan ako ng trabaho sa bar, mas maganda pa yung napalit. Kahit sideline lang to, kahit ilang weeks lang to thankful pa din ako.
Excited na ko.
"So" tumayo si Sir Jeff. "welcome to the team Miss Galang" ngumiti ito at inabot ang kamay sa akin.
Tumayo na din ako at ngiting ngiti, "T-Thank you, thank you sir" abot ko ng kamay ko dito.
Inayos naman nya yung camera kong inabot sa kanya, inoff saka ibinalik sa akin "Wag ka saken magpasalamat" sabi nito. "Dun sa baklang yun" turo nya sa isang lalaking nakatayo at parang kinakausap yung mga models.
Nagpaalam na ako kay Sir Jeff saka ako nag-antay sa isang sulok para dun kay Sir Tim ba yun? Ilang minuto ang lumipas bago sya natapos sa ginagawa nya saka ako lumapit sa kanya.
"Sir Tim" masiglang tawag ko dito.
Tinignan nya ako.
"Yes?" tanong nito, pero napatingin sya sa nakasukbit na camera sa leeg ko. "Oh, so ikaw yung bagong photographer namen?" tanong nito.
Tumango naman ako .
"Ara po" pakilala ko. "Thank you po sa pagrecommend sa akin" sabi ko.
Mataray ang dating ni Sir Tim, pak na pak, char hahahaha, nakahalukipkip itong kinocommand kung saan ilalagay yung mga props.
"Recommend?" patanong na sabi nito. Napaisip sya. "Ah, yah, naalala ko na" ngumiti sya ng very light. "Nirecommend ka lang din sa akin ni Mika" sabi nito.
Napakunot ang noo ko.
Mika?
"Mika po?" tanong ko.
Tumingin sya sa akin "Yah. Mika Reyes" tumango sya. "Kaibigan ka daw nya" he added.
Si Mika. Ugh! Ang babaeng yun, bakit ba nya ako laging tinutulungan. Nakakainis sya. Ang bait bait nya saken kahit hindi ko sya pinapansin at iniiwasan ko lang sya lately.
And now. Sinet ko pa sya ng date with.. Jeron.
Ugh.
"A-Ah ganun po ba?" sabi ko. Napalunok na lang ako. "Salamat po" ngumiti ako saka ako naglakad sa malayo.
Bat nya ba to ginagawa sa akin? Kung iniiwasan ko sya, diba dapat galit na sya sa akin? Diba dapat naiinis na sya at iniisip na lang na hayaan na lang ako kasi iniisnob ko lang naman sya? Sino lang ba ako? Kung tutuusin ilang araw pa lang naman kaming magkakilala, dapat hindi na ako big deal sa kanya. Pero ito.. ito na naman... for the nth time sinalba na naman nya ako.
Mika.
Hihintayin ko sya. Kelangan ko syang makausap. Kelangan kong malaman kung bakit nya ako tinutulungan ng ganito? Bakit sya ganito sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/74941994-288-k611681.jpg)