CHAPTER 20

1.3K 33 1
                                    

Ilang araw ang lumipas simula ng magpunta si Vic sa unit ko dala ang isang bouquet ng bulaklak, ay hindi na ulit kami nagkita. Yun na ang huli. 

Hindi ito din ito sumama sa lakad namen noong nakaraang sabado at linggo, ito ang unang pagkakataon nyang magabsent sa date namen, I mean sa date nameng apat. 

Sabi nung 2 busy daw maghanap ng trabaho. Nung isang beses nman na pinuntahan ko sya sa apartment nila ay wala sya dun at nagsideline daw sa birthday. 

Ganun siguro sya nahihirapang maghanap ng trabaho kaya halos hindi na sya makapagreply sa mga messages ko, ni tawag ko hindi na din nya nakukuhang sagutin. 

I missed her na. 

Sobra. 

Ayokong isipin na umiiwas sya pero napapaisip pa din ako sa inakto nya nung huli kaming magkita. Nagdala sya ng bulaklak sa bahay tapos yun na pala yung huling pagkakataon na magpaparamdam sya sa akin. Iniisip ko kung may nagawa ba akong masama sa kanya, may nasabing nakakaoffend o may pinakitang hindi nya nagustuhan. 

Hindi ko alam. 

May mga pagkakataon na nababaliw na ako kakaisip. 

Sa totoo lang, sobra na akong naattached kay Vic. Nakilala ko ang pamilya nya at magmula nun mas lalo akong nakampante sa kanya. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko kung naging maganda ang trato ng pamilya ni Vic sa akin. 

Yung kiss, sinadya ko yun. 

Mali yung dahilan ko na pinrovoke nya ako, ako ang nagprovoked sa kanya. Ginawa ko yun kasi gusto ko. Ginawa ko yun kasi gusto ko sya. 

Yung kiss na yun ang nagpatunay sa akin ng totoong magic. Ilang araw ang lumipas pero nagpapaulit ulit sa utak ko ang kiss na yun. Hindi yun ang first pero yung pakiramdam, as if yun ang first. 

Nung pumunta sya sa dito sa bahay at inamin sa akin ang totoo nyang nararamdaman, na gusto nya ako, na gusto nya DIN ako, nauna lang syang umamin pero gusto ko din sya. Yun na siguro ang pinakamasayang araw ko. 

Nung sinabi nya saken na hindi na nya mahal yung Denden, na wala na syang nararamdaman dun, natuwa ako. Sa hindi maipaliwanag na dahilan natuwa ako. 

After nun mas naging close kami, mas nakilala ko sya ng husto, mas nakita ko yung sweet side nya. Dun ko mas narealize na mas gusto ko pa syang makilala. Na bawat araw parang hindi ako nawawalan ng mga bagay na pwedeng malaman tungkol sa kanya, ganun sya kainteresting na tao. Sobra. 

At ngayon na ilang araw na syang hindi nagpapakita ni nagpaparamdam sa akin, namimiss ko sya. 

Namimiss ko na sya. 

Dun ko lang mas narerealize na hindi na pala buo ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Kapag hindi ko sya nakakasama o nakakatext man lang. 

Totoo pala yung sinasabi nilang Absence makes the heart grow fonder. The more na hindi ko sya nakakasama, the more na hindi ko sya nakikita, the more na wala akong alam tungkol sa kanya, the more na naggrow yung affection ko for her, the more naggrow yung feelings ko for her. 

And yeah, sa totoo lang, mas narealize ko yung worth nya sa buhay ko. Mas narealize kong hindi pala makukumpleto ang word na JOY kapag walang Vic.

Hay. 

Nung nakilala ko sya, mas nakita ko yung real worth ko. Namimiss ko na yung pakiramdam na kapag nandyan sya kahit short yung hair ko, feeling ko natatapakan pa din ng mga naglalakad sa daan. Na feeling ko Miss Universe yung ganda ko. Namimiss ko yung pakiramdam na masama kapag kasama sya kahit hindi kami nag-uusap. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon