"P10000?! Down payment grabe naman yan auntie?" sabi ko. Nandito na kami sa Bus papuntang Angeles.
"Yun ang sabi Ara, CS ang ate mo eh. Downpayment palang yun, kulang kulang nasa 50k ang gagastusin sa panganganak ng ate mo anak. Hindi naman namen maasikaso ang Philhealth ni Djun kasi sya daw mismo ang dapat nag aasikaso nun"
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang mahal naman. Tsk. 3000 lang pera ko dito, may extra ako sa wallet pero 2000 lang yata. Hindi pa din aabot, babawasan ko pa ng pamasahe yun. Aish! Bat kasi nakalimutan kong magsave para panganganak ni ate eh.
Well, hindi ko naman talaga sakop yun, pero sabi nga ni Auntie, hanggang ngayon wala pa din si Kuya. Nasan na kaya ang isang yun? Ang sabi naman ni Mama nasa Nueva Ecija daw ang paalam nung nakaraang araw, ssideline nga daw. Tsk wala pa namang cellphone yun. Kung meron man, lagi namang nakaoff.
"Sige auntie" wala na akong ibang choice gagawin ko na lang yung ipon ko sa bangko. Napasapo na lang ako sa noo ko. "Gagawan ko na lang ng paraan" sabi ko.
Napabuntong hininga na lang ako pagkababa ko ng tawag.
Hindi naman sa masama ang loob kong gagalawin yung ipon ko, pero pinaglalaanan ko talaga yung future ko. Pangarap ko kasing magtayo ng isang maliit na restaurant, kahit maliit basta yung mapagsisimulan ko. Hindi ko na nga iniisip na may ipon ako para di ko magalaw pero sa mga ganitong cases pala, wala na din akong ibang choice.
Pumikit ako saglit, nagpray. Kaya namen to. Di kami papabayaan ni God
**kring kring**
Napatingin ako sa phone ko, hindi naman ito nagriring. Napalingon ako sa gawi ni Mika, hawak nito ang phone nya saktong pinatay ang tawag dahil wallpaper na lang nito ang nakita ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Kanina pa tumatawag yan ah? Bat di mo sagutin?" Tanong ko. Pansin kong kanina pa nagriring ang phone nya pero ni minsan hindi nga ito sinagot.
Ngumiti lang sya.
"Mukhang di ka ok ah? Sobrang sama ba ng pakiramdam mo?" Tanong nito.
Ngumiti ako. "Medj ok ok na, masakit lang talaga ulo ko" sagot ko at nag-iba ng tingin.
"Ano daw sabi ng tita mo?"
Nilingon ko sya, napakagat na lang ako sa itaas kong labi "Ayun. 10k daw ng kelangan para sa downpayment" tumawa ako pero napasapo na lang muli sa noo. At tumingin sa labas ng bintana. "3k lang hawak ko ngayon" ngumiti ako. "Naisip ko, galawin ko na lang muna yung ipon ko"
"Pero Vic, akala ko hindi mo gagalawin yun hanggang sa maging enough na para sa dream restau mo?" Tanong nito. Naishare ko din kasi sa kanya ang greatest dream ko, nasabi ko din sa kanya yung tungkol sa pag-iipon ko before.
Nilingon ko sya. "Ok lang, mas kelangan ng sitwasyon" ngumiti ako. Maintindihin din talaga ako sa mga problema minsan eh.
Sandaling natahimik si Mika, maya maya ay nakita kong tumatayo ito at parang may kinukuha. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Nahihirapan syang kunin yung bag nya dahil nasa tapat sya ng bintana, mas abot ko. Kaya tumayo ako "Ako na" kinuha ko ang bag nito at iniabot sa kanya.
Pumikit na lang ako pagkaupo ko, masakit talaga ang ulo ko. Sumasabay pa tong problema ko kaya mas lalong sumasakit.
"Here"
Napadilat ako ng maramdaman kong may dumampi sa braso ko. Napababa ang tingin ko dito. Pera.
"Mika" sabi ko na lang. Inaabot nya saken yung perang hawak nya na I guess ay kinuha nya sa wallet nya kaya nya inaabot ang bag nya.