CHAPTER 3

1.9K 65 3
                                    

Nakatulala lang ako, hindi ko alam kung bakit bigla akong nanigas. 

"Next time check mo muna sa sides ng bag mo yung hinahanap mo, natataranta ka agad" nagsmile siya. 

Fudge!

Nauna na syang maglakad, ako ito, naiwang tulala, para akong nakakita ng anghel sa harap ko na bigla ding nawala after some time.

Shit! Anghel ba talaga yun?

Para akong nanigas sa kinakatayuan ko, hindi ko na sya nakuha pang lingunin dahil ito nga, kahit mata ko di na makuhang kumurap eh.

"Miss ok ka lang?"

Bumalik na lang ako sa ulirat ng maramdaman kong may tumapik sa braso ko.

"Ha?"

Dun ko lang narealize na napag iwanan na pala ako ng pila kasama ang mga kasunod ko ng tumuro sa harap kung matandang babaeng tumapik sa akin

Shems

"Ay!" sapo ko sa noo ko.

"Ok ka lang ba?" tanong muli nung matanda.

TUmango ako, "Opo Opo. Pasensya na" mabilis kong hinging paumanhin saka ako nagmadaling sumunod sa pila.

Ano bang nangyayare saken?

Pagkaverify ko ng tickets at passport ko ay agad akong nagtungo sa CR, sasabog na ang pantog ko kanina pa. Kanina pa tong nung naparanoid ako hahaha..

After kong magweewee ay napatingin na lang ako sa vanity mirror ng CR. napatulala ako at may naalala.

Nagflash sa utak ko ang mukha ng magandang babaeng nakakuha sa passport ko. 

Out of nowhere nakikita ko na lang ang sarili kong parang baliw na nakangiti "Para kang tanga" pagkausap ko sa sarili ko saka ako napailing at natawa na lang.

Pansamantala akong natigilan .... di man lang ako nakapagpasalamat. Sayang! Nakakahiya pa, baka sabihin nya di ako marunong tumanaw ng utang na loob, well kundi lang naman dahil sa kanya hindi ko mahahanap ang passport ko. Ewan ko ba naman kasi kung bakit napakamakakalimutin ko na nga, napakabilis ko pang mataranta aish. 

Hmm? Ano kayang itsura ko kanina? Nakakahiya! 

Bago pa man isipin nung babaeng kakapasok lang dito sa CR na baliw ako eh makalabas na nga hahahaha. 

Humanap ako ng magandang pwesto sa plane, first timer ako kaya medj kinakabahan ako. May fear of heights pa naman ako. Umupo na lang ako basta sa upuan na pinakamalapit sa front ng plane, ni hindi ko na nga sinipat pa ang mga tao pati ang katabi ko basta umupo na lang ako. Umayos ako ng upo, hindi ko alam ang pakiramdam ng sumasakay sa eroplano, kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Thomas, baka daw magkalat ako ng suka sa buong plane, tinignan ko tuloy ang aisle, naabot ng tingin ko ang steward na nagtatao tao, may attendant naman palang tutulong sa akin if ever hahhah.

Aish!

Wag mo na lang isipin Victonara!

Umayos na lang ako ng upo, nagsimulang magdasal, kinuha yung chewing gum sa bulsa ko, sabi ni Thomas effective daw to para daw di ako mamingi kapag nagsimula ng magtake off ang plane.

May nadinig akong nagsalita, baka yung pilot, marami syang sinasabi pero hindi ko naiintindihan, kinakabahan talaga kasi ako, nagdasal na lang ako sa loob loob ko, sumandaling pumikit, pakiramdam ko katapusan ko na hahahah

Lumingon lingon ako sa paligid, napansin kong lahat sila may hawak na magazine at dyaryo, kaya kinuha ko yung nakalagay sa side kong mga dyaryo, baka nakakakalmang magbasa na lang, kinuha ko na din yung parang earphone at sinuot sa tenga ko.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon