CHAPTER 12

1.3K 38 0
                                    


Maikling chapter lang po ito, pang link lang sa susunod na chapter :) 


******************


Habang nag-aantay ako ng tawag ni Kuya Perry ay may biglang nagpop up sa message ng phone ko. 


From Vic 

Good morning Mika, snr kagabi nakatulog agad hehe. 


Bigla akong napasmile. Hindi ko na agad naisip kung anong irereply ko, usually mabilis naman akong magreply sa kanya hahaha. Ewan may bigla kasi akong naisip. 


Yung nangyari kagabi. 


Hindi ko alam. I supposed to do that naturally, ginagawa ko naman sa mga kaibigan ko yun eh, kahit sa mga kaibigan kong lalaki. Beso. 


Beso beso. 


Pero hindi yun ang nangyari kagabi, Hindi sya naging natural, hindi sya naging normal. Hindi sya naging usual kong ginagawa.

Parang from that kiss, may current na dumaloy mula sa kanya papunta sa akin. I don't know, nahawa ata ako sa kanya eh. 


Napatulala ako sa kawalan, Naalala ko yung reaction nya. Madilim pero parang namula ang cheeks nya. Hinding hindi ko pwedeng makalimutan ang pagkakatulala nya. 


She's cute. Too cute tho.

*Skype's ringing tone*


Ow! Si kuya. 


Agad kong sinagot ang tawag, nakakailang missed calls na pala sya.


"Hi kuya" nakangiting bati ko dito. Si Brix ang bumungad sa akin kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Baby!!!!!!!!!" bati ko dito. "Hindi ka na galit sa akin? Hmm? Bati na ulit tayo?" pagkausap ko dito. Nakatingin sya sa screen ng laptop, malamang nakikita nya ako kaya kumaway ako. "hi! Hi" ang cute talaga ng baby brix ko. 


Bigla na lang sumapaw sa camera si kuya. "Gust pa si Brix ang tatawag para sasagutin" pagtatampo nito kunwari. 


"Sorry di ko napansin" saka ako tumawa ng mahina. 


"Hindi napansin ikaw tong kanina pa message ng message na tumawag ako sayo" dagdag nito, nagsimula na syang magluto ng almusal nya. Actually nasa 1am palang dun pero gising na sya, yun kasi ang oras ng shift nya parati. Hiyang naman si Kuya kasi nananaba sya. 


"Sorry nga di ko po kasi hawak yung phone ko" 


"Reasons" 


"Edi wag kang maniwala" umirap ako dito. Ayoko na kasing pahabain ang diskusyon, pagsinabi kong may iniisip ako, baka tanungin nya pa ako kung ano yun. Lalaking usisero si Kuya and believe me, once na magsabi ka sa kanya, hindi mo mamamalayang nakukwento mo na pala sa kanya, ganun sya kagaling hahahaha.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon