Nag-init ang ulo ko sa nakikita kong tagpo.
Hindi na ako nag-isip pa at agad akong sumugod.
"Bro!" habol sa akin ni Thomas pero parang wala akong nadidinig na tumawid sa kalsada ng hindi tumitingin sa kaliwa at kanan.
Nag-iinit ang kamao ko na parang gusto ko na namang manapak.
Umikot si Jeron sa driver's ng ngiting ngiti as if walang nangyare isang linggo ang nakakaraan.
Siraulo ba sya? Ginawa ni Mika ang desisyon nya sa pag-aakalang gusto sya ni Jeron at magkakasakitan lang kami kapag nagpatuloy kami ni Mika sa pagkikita, knowing Jeron he gets what he wants. Pumayag ako sa desisyong iyon ni Mika kasi gusto kong maayos ang sa amin ni Jeron dahil ayoko din syang masaktan kasi akala ko 'mahal na mahal nya si Mika katulad ng pagmamahal ko kay Mika'
One week old lang pala yung pagmamahal na yun.
He's too unfair na kami ni Mika, ganito ang situation dahil sa kanya tapos sya ito, nagpapakasaya sa kahit sinong babaeng gustuhin nya? Hindi naman yata tama yun.
Humawak ako sa balikat nya ng akmang sasakyan na sya sa kotse.
Lumingon sya sa akin.
Tinignan ko sya ng plain lang, "mag-usap tayo" sabi ko dito. Hindi ako humihingi ng permiso sa kanya, gusto man nya o hindi kelangan nameng mag-usap.
"Teka bitawa--"
"Sasama ka sa akin o kakaldkarin kita papunta dun" turo ko sa parking lot ng restaurant sa may likod.
Hindi na ito sumagot pa at dumungaw na lamang sa bintana saka kinausap ang babaeng kasama nya. Nagpaalam sya dito saka sya sumama sa akin.
"Ars, sandali kalma lang" awat sa akin ni THomas. Tinignan ko sya ng masama kaya umatras na lang sya at hinahayaan ako.
Dinala ko si Jeron sa parking lot sa likod. Sininandal ko sya sa pader habang nakahawak pa din sa kwelyo nito, matangkad lang sya sa akin pero hindi nya ako kaya.
"Ano ba to Ara?" naiirita at pumapalag na tanong nito.
"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan" sabi ko. "Ano ba to Jeron?" pinipigil kong mainis ng todo at baka kung anong magawa ko sa kanya.
"Anong? teka nga.... ano bang ginagawa mo dito?" iwinaksi nya ang kamay ko. Inayos nya ang damit nya.
Tinignan ko sya ng masama. "Sino yung kasama mo?" tanong ko dito.
"Eh ano bang pakialam mo?" pilosopong tanong nito. "Teka wag mong sabihing susulitin mo na naman sa akin?" tumawa sya.
"Jeron umayos ka!!!!!!!!!" nadinig ko ang inis sa himig ni Thomas.
Lalong nag-init ang tingin ko kay Jeron, natatakot akong magdilim ang paningin ko sa kanya at baka kung saan na kami umabot.
Hindi nya nga ako sinaktan physically, pero dahil sa ginawa nya nawala yung babaeng pinakamamahal ko. Sinakripisyo ko na naman ang sarili kong kaligayahan para maging ayos kami tapos ito sya? Ligayang ligaya kapiling ang mga babae nya.
Kinwelyuhan ko ulit ito at saka muling idinikdik sa pader.
"Sasagot ka ba ng matino o magpapalit kayo ng mukha ng pader na to?" seryoso kong tanong dito.
Natahimik sya.
Tinitigan ko lang sya. Gustong gusto ko syang sapakin, gustong gusto kong duruin ang ngipin nya sa sobrang gigil ko.
Inakmaan ko sya ng suntok pero hindi ko magawa, naalala ko ang sinabi ni Mika, ayaw nyang makitang ganito kami ni Jeron kaya hindi ko maaatim na saktan ulit si Jeron. Ayokong masaktan na naman si Mika kapag lalo kaming nag-away ni Jeron.
![](https://img.wattpad.com/cover/74941994-288-k611681.jpg)