CHAPTER 17

1.1K 30 3
                                    


"Heaven bro ah?" Puna ni Thomas sa akin.

Kanina pa kasi ako nakangiti af dito sa sofa ng nakataas ang paang naghihintay ng reply ni Mika.

"Tss wag ka nga. Bitter! Porket busted ni Arra" tumawa ako.

"Thank you? Pinaalala mo pa" sarcastic nitong saad. "Pucha na yun! Pagpapalit lang ako, sa tuod pa! Ni hindi nga kayang magbuhat ng lapis ng siraulong yun" gigil na sabi nito.

"Kalma!" Awat ko dito. Halos ibuhos na kasi nito ang galit sa hinihiwang keso. Keso lang yun. Kawawa naman hahahahahaha. "Alam mo, di mo yun kawalan, marami namang nagkakagusto sayo! Magmove on ka na!"

"Wow. Wow! Parang ako nagsasabi sayo nyan dati ah?" Tumawa sya. "Porket nakamoved on ka na" umirap ito sa akin. Bading! Hahahahahaha "Nako, baka makatulad ka na din saken. Bustedin ka din ni Mika" pagbabanta nito.

"Hu hu hu. Takot aku!" Pagbibiro ko. "Bro, sinabi ko na sa kanyang gusto ko sya, pero wala naman akong violent reaction na natanggap" pagyayabang ko.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero ilang araw ang lumipas simula ng aminin ko kay Mika ang totoo, na kaya ko sya kiniss ay dahil gusto ko sya, ay di naman ako nakaramdam ng pagbabago sa treatment nito sa akin.

Hindi kami naawkward sa isa't isa, sa katunayan, nung umalis kami kahapon nila Jessey dahil sunday, pati nung lakad namen nung Saturday ay hindi ako nakaramdam na umiiwas sya sa akin. Bagkus, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa.

NakakaLL si Riri kaya sa Star City nya kami dinala, tho metro deal daw yun kaya mas mura, ang mahalaga, nakaunli rides kami. Hahahahaha. Ang saya saya namen. Wala naman akong naramdamang hiya, mas nabawasan pa nga yung pagkatulala at tameme ko kapag pinapakitaan nya ako ng sweet gestures. Narereciprocate ko na ito minsan at sya naman ang napapatulala at nahihiha. Hahahahaa

"Ayun! Nagdday dream nanaman!" Binato ako ng throw pillow ni Thomas sa mukha at naupo sya sa single couch saka nagtaas ng dslawang paa sa couch at humarap sa TV habang nakasandal ss armrest ng upuan.

Nakatingin lang ako sa kanya. Ang serious nya kasi. Parang dinamdam nya talaga ang ginawa sa kanya ni Arra.

"Pero seryoso bro? Ayos ka lang?" Tanong ko dito.

Nilingon nya ako subo subo ng buo yung monay. Nagpoke ito sa dibdib nya at hindi nagsalita.

"Gusto mo daanin na lang natin sa maboteng usapan?" Tanong ko.

Niluwa nya ang kagat kagat ng kalahati ng monay at nagsalita "Seryoso ka ba? Gusto mong pahirapan na naman si Mika? Di ka naman sanay uminom" Tanong nito.

"Pahirapan si Mika?" Kunot noong tanong ko. "Pinahirapan ko ba?"

Nagsmirk ito.

"Bat hindi ba? Sya ang nagpunas sayo para daw mapreskuhan ka sa pagtulog, sya din ang nagpalit ng damit mo at higit sa lahat" nagpause sya. Kinuha ang phone sa bulsa. Magtetext pa yata ang mokong.

"Huy! Anong higit sa lahat, nagtext ka na dyan!" Bato ko sa kanya nung throw pillow na hinagis nya saken kanins.

"Saglit nga!" Sabi nito. Maya maya pa ay iniharap nya saken ang phone nya. "Pinatulog mo sya sa damuhan!" Sigaw nito.

Inaninag kong mabuti ang nasa phone ni Thomas, medj madilim pero parang may dalawang nakahiga sa damuhan, ng magkayakap?

Wait.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon