CHAPTER 13

1.5K 38 5
                                    

"Oo na! Sige na papasok pa ko" iritable kong sagot. Badtrip nakakainis, kelangan ba talaga nyang manumbat? 


"Basta bro-------" 


"Oo Je, basta kung kelan mo kelangan ng tulong ko, sabihin mo lang. Tawagan mo na lang ako" sabi ko na lang. Ang aga aga nasisira ang araw ko. 


"Sige Ars salamat, medj nadelay lang yung uwi ko pero promise ilang days from now nandyan na ko" 


HIndi na ako sumagot pa at agad na ding binaba ang tawag, hindi ko naman obligasyon na sagutin ang tawag nya parati pero ginagawa ko, kasi pinsan ko sya, bestfriend ko siya simula bata pa kami pero hindi naman nya ako kelangan sumbatan sa tuwing kelangan nya ng tulong. 


Kahit naman nasaan ako, o ano man ang ginagawa ko, once kelangannin nya ang tulong ko basta kaya ko binibigay ko naman eh. Aish. 


"Aga aga ah? Nakasimangot ka agad dyan?" tapik ni Thomas sa balikat ko. Nakipagfist bump ako dito. Agad syang umupo ng nakataas pa ang isang paa at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. "Si Jeron ba kausap mo?" tanong nito. 


Hindi na ako umimik pa, baka lalo lang akong mabwisit. Isinalang ko na lang sa pan yung piprituhin kong tuyo. 


"Wag mo na lang pansinin bro, ano bang kelangan na naman?" 


"Hindi bro eh, mas nasasagot ko pa nga tawag nya kesa kanila Mama, parang mas may obligasyon pa nga ako sa kanya kahit wala naman tapos manunumbat sya ang aga aga?" paghihimotok ko, di ko na napigilan ang sarili ko. 


"Tss. Bro hindi ka pa ba nasanay sa pinsan mo na yun?" ngumisi ito. "Mga bata palang tayo, manunumbat muna yun kasi may kelangan. Pinaglihi sa hangin yun eh" tumawa sya ng malakas. 


Humarap ako sa kanya. Saka ako nagpakawala ng malalim na hininga, kelangan kong ilabas to. "Kelangan ba nyang isumbat saken yung sapatos na binigay nya last month pa? Sa dami ng natulong ko sa kanya sa mga naging girlfriend nya, baka may sukli pa ako dun sa presyo nung sapatos na binigay nya. Besides, di naman ako ang gumamit nun ah? Alam nya yun, kasi simula pa noon, lahat ng binibigay niya si kuya ang nakakagamit" 


Napakamot naman sa ulo si Thomas, "Ano bang kelangan nya ngayon bro? Sa ex nya? Sa girlfriend nya? O dun sa bago nyang popormahan?" tanong nito


Bumalik na ako sa pagluluto. 


"Sa bago nyang popormahan, madedelay daw kasi ang uwi nya kaya gusto nya sana magpatulong saken na ako muna daw ang manligaw dun sa liligawan nya hanggang wala sya" 


HIndi ako nakadinig ng reaction mula kay Thomas kaya nilingon ko ito, alam ko ang iniisip nya. "Wag kang mag-alala hindi ito magiging katulad nung dati" paninigurado ko. "Hindi to magiging katulad ng kay Denden" tumingin ako ng diretso at napaisip ng malalim. 


Hindi na mauulit yun. Never again. 


Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon